Chapter Four

118 1 0
                                    

Tawa ng tawa si Susan sa ikinuwento ko sa kanya. Hihinto lang sya saglit tapos tatawa uli. Tawang tawa sa kamalasan na nangyari sa akin. Karma ko daw yun sa pag-iwan ko sa kanya sa bar.

"Walanghiya! Pumunta ako dito para humanap ng kakampi tapos tatawanan mo lang pala ako!?" Kunot kilay kong sigaw sa kanya.

Hirap na hirap syang magsalita. Tawa pa rin sya ng tawa.

Inirapan ko na lang sya. Ilang sandali pa ay kumalma na sya.

"Sa natatawa ako eh." Saka sya tumawa uli.

"Tumigil ka dyan ah. Babatuhin na talaga kita." Nakakainis!

"Ang harsh mo naman. Syempre naman, akalain mo nakikiisa ang tadhana sa akin. Binigyan ka agad ng punishment. Alam mo bang bawing bawi ang naramdaman kong inis noong iniwan mo ko sa bar ngayon?" Tumawa na naman sya.

"Baliw!"

"Pero wait. Bakit choosy ka pa? He must be a good-looking guy kasi nagawa mong sumama sa kanya. Bakit mo iniiwasan?" Tanong ni Susan.

"Basta ayoko lang! Hindi mo ba maintindihan yun? Ayoko ayoko ayoko!"

"Oh eh bakit ka highblood? Malay mo? Sya na pala ang The One." Sumeryoso na sabi ni Susan.

"Anong The One The One ang pinagsasabi mo? Walang forever! Yang mga lalaking yan, lolokohin lang tayong mga babae. Kita mo hindi nagkakalayo, lalaki, loloko."

"Sus! Imbento ka naman masyado."

"Tse!" Naiinis pa rin ako.

"Tsaka naniniwala na akong safe ka sa STD." Pinanlakihan ko ng mga mata si Susan. "Kasi di ba? He's a nurse. He must be cautious about STD too."

"Yeah right." Sarcastic kong sabi sa kanya.

Tumawa na naman sya.

"Natatawa talaga akong isipin na nurse sya ng papa mo. Akalain mo? Ang liit ng mundo. Kilalang kilala pa sya ng mama mo. At habang hindi pa gaanong nakakarecover ang papa mo, regular sya sa bahay nyo. Ang galing di ba?"

"Paano namang naging magaling yun? Ang sabihin mo malas! Malas malas malas!"

"Anong malas ka dyan? Jackpot ang tawag dun! Ang premyo na mismo ang lumalapit sayo."

"Hay naku! Wala akong matinong makukuha sayo eh."

Tumawa na naman si Susan. Nag-ayos na ako ng mga gamit ko. Itinulak ko din sa gitna ng table ang tea na hindi ko naubos.

"Aalis ka na? Hindi pa nga lumalamig ang tea mo dyan." Tanong ni Susan. Tumayo na ako.

"Hay naku. Magpapalamig ako ng ulo. Salamat sa tea. It's good." Sabi ko sabay tayo.

Ngumiti si Susan. Alam ko dahil sa papuri ko sa bagong tea sa menu nya.

"I'll be going." At walang pakundangan na akong umalis.

"Ingat sila sayo!" Sigaw ni Susan habang nasa pintuan na ako ng cafe nya.

***

Bumagsak ako sa Booksale pagkagaling ko sa cafe ni Susan. Naghanap ako ng magandang libro. Isa akong bookworm at marami na akong nakatambak na mga novels at pocketbooks sa bahay. Noong high School ako, paborito kong basahin ang mga libro ng Precious Hearts Romances. Gustong gusto ko yung mga gawa ni Martha Cecilia. Ang galing kasi nya magsulat. Hindi ko nga mabilang kung ilan lahat ang nakolekta kong pocketbooks from different authors ng PHR. Siguro more than 200 na yun. Hindi pa kasama sa bilang ko yung mga hiniram ng mga classmates ko na hindi na isinauli. Hanggang ngayon hindi ko pa nakakalimutan kung sino-sino yun. Hindi ko nga masyado pinapansin pag nagkikita kami sa Reunion. Noong nag-college naman ako umimprove ang taste ko into english novels. Nagustuhan ko yung classics ni Valerie Sherwood. Noon ako unang humanga sa destiny pagkatapos kong mabasa ang This Loving Torment. Ang galing ng plot. Pagkatapos na-tripan ko ang mga akda ni Daniel Steel. Tapos ni Stephen King. Kaso masyadong mahal ang mga libro nila kaya nag-explore ako sa iba. Nagustuhan ko naman ang gawa nila Meg O'brien at Mary Higgins Clark. Kaya yun ang kinolekta ko.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon