Chapter Seven

83 1 0
                                    

Kasalukuyan kaming nagba-biking ni Susan. Umikot ikot lang naman kami sa park. Halos 20 minutes din kung iikutin ito kung naka-bike kasi medyo malapad. May football field kasi sa park aside from the tennis court and the basketball court. In between sa mga courts ay mga benches at mini gardens. May mga pine trees at acacia pa sa paligid. May mga pigeons na lumilipad at nagtutuka ng mga pagkain sa daan. It looks and feel rural but amazingly beautiful. Maganda kasi ang landscape. Halos araw-araw ay marami ang tao sa park. May iba na nag-wo-walking, may nagja-jog, yung iba sumasali sa zumba o kaya ay sa martial arts. Syempre marami ding mga bata, pamilya, magsyota, matatanda at mga turista. Lagi ding suki ang mga courts syempre.

"Maiba tayo. Kumusta na kayo nung boylet mo?" tanong ni Susan na medyo hinihingal. Almost an hour na kasi kaming pumapadyak.

"Hello?! As if! Hindi ko sya boylet no!" I rolled my eyes which I regreted right away dahil napunta ako sa lubak. "Shit! Kahit banggitin lang yung kumag na yun minamalas agad ako."

Tumawa naman si Susan, "Affected ka lang ata kaya feel mo minamalas ka. Kasi naa-out of balance ang monotonous life mo."

"Alam mo ikaw, kontrabida ka rin madalas sa akin eh. Kaibigan ba talaga kita?" parang magkaka-cramps na ata ako. "Saglit, pahinga muna tayo. Masakit na ang mga binti ko." I said as I get off from my bike. Sumunod naman si Susan.

"You know what? I really wanna see this guy. I dont understand why you slept with him but you feel like puking everytime you see him. What's his name ba? Ise-search ko sa facebook." sabi ni Susan na inilabas agad ang phone nya.

"Jose Mari Mendoza." I answered flatly.

Susan was engulfed in a few minutes, "Ano ba yan. Wala namang match. Hindi ba kayo friends sa FB?" sabi ni Susan na nagpumilit pa din isearch si kumag sa FB.

"Why would we? Are you dense? Goodness Susan." sabi ko sa kanya. Naiiwan ko na sya ng ilang hakbang kakatype nya sa phone nya.

"Baka may ibang name na gamit to. Alam mo ba ang nickname nya?" tanong ni Susan. Ayaw talaga mag-give up.

"Oo, kumag. Try mo." sagot ko.

Susan was silent for awhile. Really? She fell for it? Joke lang naman kasi ang sinabi ko.

"Sure ka? Wala din eh." sabi nya na humabol sa akin. Natawa na ako.

"Joke lang naman kasi yun. Ano ka ba." sabi ko na nagpipigil ng tawa. Sumimangot si Susan sabay hampas sa braso ko. "Hoy grabe ka ha. Masakit yun!" sabay himas ko sa namumula ko nang braso.

"Ang sama mo. Pinagtype mo pa ako!" maktol ni Susan.

"Hindi kita inutusan. Sira. Tsaka sino ba namang siraulo ang tatawaging kumag ang sarili nya sa social networking sites?" natawa na naman ako.

"Pinagmukha mo pa akong tanga. Hoy teka! Hinto muna tayo doon sa may fruit stand. May nagtitinda ng buko shake eh." aya sa akin ni Susan na nauna nang hilahin ang bike nya sa stand. "Kuya dalawa." nag-order agad si Susan sa mama na nagtitinda.

"Fourty pesos po lahat ma'am." sabi ng mama. Nagbigay naman agad ng pambayad si Susan.

"Hoy, bayaran mo ako ha." sabi nya sa akin.

"Ang kuripot mo naman. Para twenty pesos lang ang ililibre mo sa akin eh." sabi ko sa kanya habang sinisimulan na ni manong ang paggawa sa mga shake namin.

"Tipid ako ngayon. Naghihirap na ang ekonomiya ng Pilipinas." sabi ni Susan.

"Ang OA! Ano namang ikakapulubi ng Pilipinas sa bente?" tanong ko na kunot ang kilay.

"Hello? Like, there are so many corrupt people in the Philippines may it be in the government or not." sabi ni Susan na nag-exagged pa ng paglahad ng dalawang palad nya at pagtaas ng mga balikat nya.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon