Chapter Eighteen

63 1 0
                                    

"I can't believe this!" pagrereklamo ko sa hirap ng pagpapalit ko kay Chan. Dinala namin sya ni Susan sa condo nya after we paid the damages he caused in the bar. Nakabasag na pala sya ng mga baso doon dahil sa kalasingan. Ang sabi ng waiter lasing na daw pagpasok pa lang, marahil ay nakainom sa ibang lugar.

Nag-convoy kami ni Susan at ako ang nagdrive sa sasakyan nya. Mabuti na lamang at hindi nya naiwala ang susi ng sasakyan at ng condo sa kalasingan. Humahalinghing pa sya sa back seat habang nagbibyahe kami.

Pagkarating namin ni Susan sa condo building ni Chan ay tinulungan nya akong iakyat ang damuho sa room nya. Agad naming inihiga ni Susan sa kama. Kumuha na rin ako ng pamunas sa kanya kasi ang asim na ng amoy nya. Pati damit nya kasi sinukahan nya.

"I stink!" reklamo ni Susan habang nakataas ang mga kilay at parang di makapaniwalang mabaho sya.

"Maligo ka nalang mamaya. Bilis, tulungan mo muna akong hubarin ang pants nya," I said after many times of trying to pull his pants from him unsuccessfully.

"God! Super epic talaga yang boylet mo. Iinom hindi naman pala kaya. Sa kabila ka, ako dito," sabi ni Susan na nakaready position na para hilahin ang pantalon ni Chan.

"Sige, isa.. dalawa.. tatlo!" sabay naming hinila ang pantalon ni Chan.

"Oh God!" agad na tumalikod si Susan dahil napasama ang boxers ni Chan sa pantalon na hinila naming dalawa. Nataranta nyang pinapaypayan ang sarili. Nakita nya kasi ang hindi inaasahan. "Wala akong nakita! Wala akong nakita! Swear!" hysterical na si Susan habang patuloy pa ring namamaypay gamit ang mga kamay nya.

"Oo na, wala kang nakita." sabi ko namang nangingiti sa pagkataranta ni Susan habang kinukumutan ko ang ibabang parte ng katawan ni Chan. Tinatanggal ko na rin sa pagkakabutones ang polo nya.

"Parang hihimatayin ata ako sa ginagawa natin," pasimple nyang nilingon kung wala na bang exposed sa katawan ni Chan. "Feeling ko gina-gang rape natin si Jose Mari. I feel so bad," natatawa ako kasi kitang kitang guilty si Susan.

"Wag ka ngang OA dyan!" hindi ko na talaga napigilang humalakhak.

Pumihit patagilid si Chan na nakakunot ang noo.

"Dan.. Hmmmm.." mahinang sambit ni Chan pero sapat na para makarating sa pandinig ko. Para akong binuhusan ng yelo. Bigla na lang ay nalungkot ako dahil parang importante ang kung sino mang Dan na iyon.

"Ano daw?" tanong ni Susan.

"Hindi ko naintindihan eh," I said instead.

"Naku, tapusin mo nang bihisan yan at nang makauwi na tayo."

"Hey, why dont you go ahead? I'll stay the night nalang. Unless you wanna wait until I finish cleaning him up." ewan ko ba at gusto kong magpaiwan. Parang gusto ko munang alagaan si Chan ngayon. Inaamin ko, namiss ko sya dahil inilalayo na nya ang sarili nya sa akin matapos ko syang ma-reject. May parte sa akin na nanghihinayang.

Ngumiti ng nakakaloko si Susan, "Bakit parang may iba akong naiisip?" sabay ngisi nya sa akin.

"Wag kang bastos! Concerned lang ako!" angil ko sa kanya.

"Eh bat ka defensive?" sabay hagikhik ni Susan. "Okay then, I'll leave you two," at mabilis na tinungo ni Susan ang pinto at tumawa na naman. Pagkalabas nya ay bumalik pa sya para sumilip. "Good luck!"

"Gaga!" napatawa na naman si Susan bago tuluyang umalis.

Ipinagpatuloy ko na ang pagpupunas kay Chan. Panay naman ang pihit at halinghing nya. Pumunta ako sa drawers nya para ikuha sya ng maisusuot. Naalala ko na sa drawers nya ay nakatago ang mga relo na nakita ko dati. Muli kong binuksan ang drawer at inabot ang isa sa mga relo na nandoon. Sinipat ko ang nakaengrave na letters sa likod ng relo nya.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon