Kanina pa walang imik si Chan. Kasalukuyan kaming nagbibyahe pauwi. Hindi na namin tinapos ang concert. Nag-aya na agad akong umuwi pagkabalik na pagkabalik nya galing sa "pag-cr" nya kanina. Idinahilan kong masakit ang ulo ko at gusto ko nang magpahinga. Humingi na rin ako ng despensa kay Susan at Danica. Alam ko marami syang iniisip dahil para syang lutang. Para naman akong nagpipigil ng hininga kapag nakikita ko syang wala sa sarili nya. Ibig sabihin ay apektado pa rin sya.
"Chan..." agaw pansin ko sa kanya dahil hindi ko na matagalan ang katahimikan. Para naman syang nabigla at nilingon ako ng may pagtataka.
"Ha?" sabi nya.
Nasaktan ako. Katabi ko sya pero lumilipad ang utak nya. Malamang ay iniisip nya si Danica at ang kung anumang napag-usapan nila kanina.
Tinitigan ko lang sya habang nag-aatubili ako kung magsasalita ba ako o hindi. Ibinaling nya ang tingin sa daan. Ewan ko ba kung imahinasyon ko lang, pero parang umiiwas syang tingnan ako.
Mahabang katahimikan ang muling namagitan sa amin.
Sinamantala ko ang kadiliman ng daan para tanungin sya.
"Sya ba? Three years ago?" tanong ko sa kanya. Pero wala akong nakuhang sagot. Patuloy lang sya sa pagmamaneho.
"May kinwento sa akin si Danica," napansin kong bahagya syang tumingin sa gawi ko pero muli din syang bumaling sa daan. Interesado sya sa sasabihin ko. "Ang sabi nya, lumipad sya ng Taiwan para hanapin ang tatay nya, pero kapalit noon ay ang lalaking pinapangarap nya. Wala mang kumpirmasyon pero alam kong ikaw iyon," lakas loob kong sabi sa kanya.
Narinig ko syang bumuntunghininga. Ilang sandali pa ay ipinark nya ang sasakyan nya. Tinapik tapik nya lang ng hintuturo nya ang steering wheel habang halos nakayakap na sya doon at parang naninimbang kung ano ang dapat sabihin.
Lumipas ang mahabang sandali pero wala syang sinabi. Pigil na pigil ko ang nararamdaman ko. Sa inaakto nya ngayon, alam kong matimbang pa rin sa puso nya si Danica.
Kumusta pala yung sinabi mong mahal mo ako? Hindi mo na ba ako mahihintay?
Hindi ko mabilang kung ilang beses na ba ako lumunok ng laway ko, pampatanggal kaba sa sasabihin nya. Gusto kong magpaliwanag sya. Ipaintindi sa akin na nakaraan na si Danica at wala syang planong balikan dahil ako na ngayon ang mahal nya. Gusto kong marinig mula sa kanya yun. Gusto ko ng kasiguraduhan na ako lang, at akin sya. Oo, walang kami, pero gusto ko ng security sa magiging anumang relasyon namin.
Kung magkakaroon nga.
Pero mukhang malabo na...
Tumuwid sya ng upo at isinandal ang ulo nya sa headrest ng upuan. Bahagya syang tumingala sa bubong ng sasakyan. Tikom ang bibig.
Hinintay ko lang sya.
At habang pinagmamasdan ko sya, nadudurog ang puso ko.
Wat da epp!
Mahal ko na nga sya.
Putcha! Bakit ngayon pa?
Napasandal na rin tuloy ako. Bobo ba ako at ngayon ko lang napansin?
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko. Parang hindi ko na yata mahahawakan pa uli si Chan. I smiled sadly. Gustong gusto ko pa naman kapag nararamdaman ko sya. Masaya ako kapag alam kong nandyan lang sya. Isinara ko ang mga kamay ko. I watched my knuckles turn white as I fisted my hands hard.
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceShe is broken. Wounded. Desperate. Reckless. And one night she was stupid. Does she really hate that One Night of excitement?