Chapter Five

93 1 0
                                    

Nasa Chowking ako ngayon. Tinutusok tusok ang naging sabaw ko nang halo-halo sa tagal ng pagkakaupo ko dito. Konti lang din ang nabawas sa kaninang magandang palamuting prutas at iba pang kasama sa halo-halo ko. Para akong sira-ulong tulala at nakatingin sa kawalan.

"Sino ba sya?" Isa pa pala. Ang kaninang tinatakbuhan ko ang kasama ko ngayon. How ironic. Hindi na sya nakatiis at nagsalita na talaga. Siguro nababagot na sya kakahintay na magsalita ako o kaya ay matauhan mula sa pagkakatulala ko.

Tiningnan ko lang sya. Wala ako sa mood umimik.

Nakita ko syang ngumiti. "Hindi naman siguro sya halimaw kasi mukhang hindi naman sya nakakatakot." Napakunot ang noo ko sa tanong nya.

"What I mean is..he must be of some importance to you for you to act that way in front of the mass. Wala ka naman kasi sa shooting ng isang pelikula para umacting." Sabi nya.

Nainis ako bigla. Kumuha ako sa bag ko ng pera. Inilagay ko sa mesa. Nakatingin lang sya ng nagtataka sa akin. Tumayo ako sabay hablot ng mga libro ko na nasa mesa. "Keep the change. Thanks anyway. Mauna na ako." Saka bumirada ako ng lakad palabas.

"Hey! Wait!" Sabay habol nya sa akin. Eksaktong nakalabas na ako nang maabutan nya ako. Agad nya akong hinawakan sa siko para pigilan akong maglakad.

"Bitiwan mo ako." Kaswal kong sabi na agad naman nyang ginawa.

"Okay. Okay. I'm not the bad guy here. Look. Sorry na-offend kita. Heto, kunin mo ang pera mo. Libre ko yun sa'yo." Sabi nya na inaabot ang pera ko.

Tiningnan ko lang yun. Ilang sandali pa ay muli akong naglakad.

"Lilian?" Tawag nya sa akin. "Mga babae talaga!" Bulong nya sana na narinig ko naman.

Tumigil ako at hinablot ang pera ko. Mga babae pala ah.

"Kung ayaw mo magpabayad eh di wag! Ang dami dami mong arte! Tapos ngayon bini-blame mo ako dahil naging babae ako?" Saka mabilis akong naglakad.

"What? Bakit ako naging maarte?" Sabi nya na napapailing na nakatayo sa pinag-iwanan ko sa kanya.

"Akala mo naman ang galing nyang lalaki dahil nilibre nya ako ng halo-halo! Huh! Mukha nya! Anong akala nya sa akin? Hindi kayang bumili ng sarili kong halo-halo? Ang kapal ng mukha. Anong karapatan nyang tanungin ako kung sino si Edmund eh hindi naman kami close? Tingin nya agad knight in shining armor sya dahil nilibre nya ako matapos akong umiyak? Akala nya naman sa akin damsel in distress? Huh! Kupal!" Sabi ko nang mahina sa sarili ko habang naglalakad palabas. Tumigil ako pagkarating sa area ng paparahan ko ng sasakyan.

"Oo na. Kupal na ako. Makapal na mukha ko. Tingin ko knight in shining armor ako." Narinig kong sabi nya sa tabi ko.

Bigla akong napalingon na nanlalaki ang mga mata. Narinig nya lahat? Ngumiti lang sya sa akin.

"Wag na tayong maghabulan. Nakakapagod eh. Ihahatid na kita sa inyo. Sinabi ko na kay tita na magkasama tayo. And you cant say no kasi inutos nya mismo sa akin na ako na ang maghatid sayo pauwi. Nasabi ko kasi na umiyak ka matapos mong makita si Edmund." Sabi nya nang mapansing tututol ako sa sinabi nya.

Sa halip na matuwa ako ay lalo akong nainis. Biglang gumana ang mga kamay ko at pinagpapalo ko sya ng mga dala kong libro.

"Aray! Aray!" Sabi nya na di magkandaugaga sa pagprotekta sa sarili nya.

"Anong karapatan mong magsumbong kay mama?! Walanghiya ka talaga! Pinag-alala mo pa ang magulang ko!" Buong lakas ko syang pinalo ng libro bago ko muling naramdaman ang bigat sa dibdib ko at pagtulo ng mga luha ko. Tumigil na ako sa pagpalo sa kanya. Taka naman syang napatingin sa akin habang hinihimas ang braso nya. "Bakit mo sinabi?" Saka ko pinahid ang mga luha ko na patuloy sa pagbagsak.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon