Nagpalipat lipat ang tingin ni mama sa aming dalawa ni Chan. Walang umimik sa aming dalawa. Napansin kong napalipat ang tingin ni mama sa nakabukas na pinto ng kwarto ko. Lagot na! Baka makatunog!
Patay malisya kong isinara ang pintuan ng kwarto ko. Saka ko itinulak sa braso si Chan para bumaba ng hagdan. Atat na atat na akong paalisin sya.
"Hijo, inaaway ka na naman ba ni Lilian?" tanong ni mama kay Chan.
Bakit ako?
"Ma?! Of course not! Bakit ko naman aawayin si Jose Mari?" sabay kurot ko sa tagiliran ni Chan para makiayon sa akin.
Tumawa ng pilit si Chan habang kinakamot ang kinurot ko. "Actually tita, hindi po ako inaaway ni Lilian. Nagpaalam lang po ako sa kanya na aalis na ako." saka pa sya bumaba ng hagdan.
"Ah. Akala ko naman ay inaaway ka na naman nitong si Lilian. Why don't you stay for dinner?" offer ni mama.
"Thanks tita. I really like to stay but I really should be going. Magrereport pa po kasi ako sa hospital."
"Ay ganoon ba? Sayang naman. O sya, sige. Mag-iingat ka. We'll have dinner together next time." sabi ni mama na talagang nanghihinayang.
"Okay tita. Aalis na ako." tinungo ni Chan ang pinto pero nilingon nya ako bago pa man sya makalabas, "Bye Lilian."
Tinanguan ko lang sya at tinanaw habang tinutungo ang sasakyan nya.
Nang makaalis na ang sasakyan ni Chan ay saka pa lamang gumalaw si mama. Umakyat sya ng hagdan habang may bitbit na shoulder bag at plastic envelop na parang attaché case. Siguro ay mga trabaho na naman na iniuwi nya sa bahay.
"I see that the two of you are getting along well." makahulugang pahayag ni mama.
"A-ah, o-oo ma. Mabait naman pala si Jose Mari, tsaka maalalahanin." sabi ko na sinadyang magpahuli kay mama.
Hindi naman sumagot si mama na nagpakaba sa akin. Siguro nagdududa na talaga to. Yari na talaga ako. Patuloy na naglakad si mama papunta sa kwarto nila ni papa. Wala akong naririnig kung hindi ang tunog ng takong ng high heeled shoes ni mama. Binuksan nya ang pinto ng kwarto nila ni papa at pumasok.
"Kumusta ka na Felipe? Nag-session ba kayo ni Jose Mari?" pang-uusisa ni mama kay papa na agad syang sinalubong ng ngiti pagkabukas pa lamang nya ng pinto. Para akong gwardya sibil na nagbabantay sa kanilang dalawa. Katunayan, binabantayan ko kung may kakaiba kay mama dahil sa katiting na nasaksihan nya kanina.
"Andyan ka na pala. Oo, medyo mahabang session ang nangyari dahil parang kailangan painitin ng mga ugat ko dahil sa hindi nga ako masyadong nakakapag-exercise kung wala sya. Marami ka atang papers na dala?" pansin naman ni papa sa attaché case ni mama.
"Ay oo. Mga test papers ng mga bata. Hay naku! Ang sakit ng mga paa ko, ang dami kong nilakad kaya natagalan ako sa pag-uwi. Anong oras ba dumating si Jose Mari?" sabay upo ni mama sa kama nila ni papa at tanggal ng mga sapatos nya. Agad syang nagpang de kwatro at hinilot ang kaliwang paa nya.
"Halika nga dito at hihilutin ko ang mga binti mo." alok ni papa.
Okay, sila na ang sweet.
Agad namang sumunod si mama at nagpahilot ng mga paa nya kay papa. "Ang sweet naman ng Felipe ko."
"Syempre naman. Hindi lang naman mga drivers ang sweet lover, kundi pati na rin ang Felipe mo." sabay na tumawa sila mama at papa sa simpleng hirit ni papa. "Ay teka, di ba at magkasabay kayong dumating kanina ni Jose Mari anak? Mga bandang alas dos ata yun." baling sa akin ni papa.
BINABASA MO ANG
One Night
Roman d'amourShe is broken. Wounded. Desperate. Reckless. And one night she was stupid. Does she really hate that One Night of excitement?