Prologue

111 1 0
                                    

Ako ang amo pero ako pa ang laging inuutusan at kailangang sumunod sa kanya. Kung hindi lang sya ang  inaanak ni Mr. Yan matagal ko nang binatukan to. Lintik na death threat yan kailangan ko tuloy ng bodyguard. Okay lang sana, kaso kung utusan ako parang siya pa itong amo ako.

"Theo, kailangan na nating umalis," sabi nya habang nakatayo sa gilid ko.

"Aalis? Wala pang isang oras aalis agad at 7:30 palang?!" Inis kong sagot sa kanya. Sinong pupunta sa club tapos aalis ng maaga? Kairita buti nalang at nasa VIP room kami kung hindi baka pinagtitinginan na kami dito.

"Theo, napagusapan na natin to. Na hindi ka maaring magtagal sa labas maliban kung may schedule kayo. Para din to sa kaligtasan mo."

"Ano ba?! Kaya nga nandiyan ka, para bantayan ako at siguruhing walang mangyayari sakin! Ano pang silbi na nagka-bodyguard ako kung magkukulong din lang ako sa bahay!" Suntukin ko na to eh ang kulit.

"Theo, kung ayaw ninyong sumunod tatawagan ko si Mr. Yan. Ang utos nya dapat umiwas muna sa paglabas-labas. Para din naman sa safety mo 'to."

"Ngayon lang 'to. Pagbigyan nyo na ako, ilang buwan na akong di lumalabas."

"Sorry Theo, di talaga pwede kailangan na nating umalis." Pilit nya at kinuha pa yung iniinom ko.

"Damn it Dennis! I'm not a prisoner! I'll do what you say for now but remember this I won't go easy on you from now on. I'll make you regret accepting this job" Sinamaan ko siya ng tingin at umalis ng club. Ngayon lang ako lumabas, ipagbabawal pa. Makikita nya, pahihirapan ko siya.

Nakarating na kami sa bahay pero parang may mali. Bakit bukas ang ilaw, hindi naman tumawag si Dad na dadalaw siya ngayon. Tiningnan ko si Dennis, mukhang nagtataka din siya.

"Theo, may bisita ka ba ngayon? Ang alam ko wala si manang ngayon" Tanong nya habang nilabas ang baril na dala niya. Nagulat ako may dala pala siyang baril. Saan nya ba talaga tinatago iyon?

"Oo meron kaya pwede mo na akong iwan dito," Nagsinungaling ako, baka si Dad lang yon. Kasi kung magnanakaw iyon hindi nila bubuksan yung ilaw.

Pumasok na ako sa loob. Mukhang normal naman ang lahat. Kumpleto pa ang mga gamit ko. Aakyat na sana ako sa taas ng biglang may pumalo sa ulo ko. Napaluhod ako, may tumulong dugo. Lumalabo na ang paningin ko at yung pumalo sa akin nakatayo pa sa harap ko.

"Buti nalang pinaalis mo bodyguard mo." Tumawa siya ng malakas. Nakakainis kung hindi lang ako nahihilo tatamaan ka sa akin. Nakita kong may inangat siya. Biglang may pumutok na baril. Ako ba ang  tinamaan? Hanggang sa nagdilim na paligid ko. Mamamatay na ba ako?



My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon