Chapter Nine: A Job Well Done

22 2 0
                                    

Theo's POV

Nakita kong lumapit ang isang lalake kung saan naka higa si Dennis. Hinawakan niya ang binti ni Dennis at hinalikan yung kumot na nakatapat sa ulo ni Dennis. Lalo akong nagalit, 'yan ba ang plano niyang gawin kay Tita ang pagsamantalahan siya.

Gusto ko siyang sugurin pero may tiwala ako kay Dennis. Baka makasagabal na naman ako. Naramdaman kong nanginginig si Tita Lorraine. Niyakap ko lang siya, sa nakikita niyang ginagawa niya kay Dennis alam kong takot na takot siya.

Tinanggal ng stalker ang kumot pero nabigla siyang si Dennnis ang nakahiga.

"Sino ka! Nasaan si Lorraine!" Lumayo siya sa kama habang nakaturo ang kutsilyo kay Dennis. Sigurado ba si Dennis na kaya niya 'tong lalake na to. Mas malaki katawan niya kaysa sa katawan niya. Halatang toned ang katawan ni Dennis mula sa exercise o training niya. Pero sapat na ba 'yon sa lalake na 'to?

"Ikaw sino ka! Anong ginagawa mo dito!" Seryosong tanong ni Dennis. Ngayon ko lang nakitang ganyan kaseryoso mukha niya. Ang astig niyang tingnan kung hindi lang ako asar sa kanya baka idolo ko na siya sa angas niya ngayon. Dahan-dahan siyang lumapit sa stalker. Hindi natakot ang stalker sa kanya at nakatutok pa rin yung kutsilyo.

"Sundalo ka? Sa suot mo ngayon para kang sundalo pero iba style ng damit. Ano yan nagpapaka astig ka!" Galit na yung stalker habang kausap si Dennis pero nakatayo lang si Dennis sa harap niya.

"Hindi ako sundalo. Ako ang bodyguard ni Miss Lorraine. Kaya bago ka pa masaktan sumuko kana." Wow ang tapang talaga ni Dennis parang gusto kong mag-cheer.

"Hahaha ako masasaktan sa 'yo. Mukhang totoy ka lang, boses babae ka pa." Muntik na akong matawa sa sinabi ng stalker. Totoong mukhang totoy si Dennis at boses babae, kaya ako lalong asar sa kanya dahil bakit 'tong mukhang totoy na to eh mas malakas pa sa akin. Kinurot ako ni Tita Lorraine, napansin niya sigurong medyo natatawa ako kaya medyo na pa aray ako.

Shit! Narinig ako ng stalker. Nakita kong lumilingon lingon siya sa loob ng kuwarto at hinahanap kung nasaan kami.

"Lorraine ikaw ba yan!? Huwag kang mag alala. Pagkatapos ko sa bodyguard mo na to. Ikaw naman isusunod ko sa kama. Hahaha"

Gustong gusto ko na siyang sugurin pero pinigilan ako ni Tita Lorraine.

"Gawin mo muna ang sinasabi mo bago ka tumawa." Pang-asar sa kanya ni Dennis.

Sinugod niya si Dennis pero naka-iwas siya. Sinipa ni Dennis ang kamay niya kaya nabitawan niya ang hawak niyang kutsilyo. Hindi pa halos nakakalis si Dennis sa kintatayuan niya kanina. Habang yung stalker sugod ng sugod hindi naman nakakatama. Bawat suntok at sipa niya naiiwasan lahat ni Dennis. Para akong nanunood ng action movie. Ito na siguro yung nababalitaan ko noon na lahat ng nasa Lao Security Agency ay ilang taon na nagtrain sa iba't ibang martial arts at pag handle ng sandata.

"Ano pagod ka na bang maglaro?" Lalo pang inaasar ni Dennis yung stalker. Para lang siyang batang naglalaro sa harap ni Dennis. Si Dennis na ang sumugod sa kanya. Sinuntok niya sa sikmura sabay sipa sa ulo niya. Napabulagta siya sa sahig umuungol. May hinugot siya sa likod niya. Baril?!

"Ano yan laruan?" Tanong ni Dennis. Tanga ka ba baril yan!? Gusto ko siyang sigawan pero alam kong inaasar niya lang ang stalker.

"Laruan? Eh kung barilin ko kaya yang ulo mo ha!?" Nagpaputok siya pero naiwasan ni Dennis. Matrix style ba. Nag back flip si Dennis at nasipa niya yung baba ng stalker. Bumagsak siya at at nabitawan niya ang baril na hawak niya.

Tatayo pa sana si stalker pero may hinugot si Dennis na baril. Putcha san niya tinago 'yon?! Kahit kailan wala akong napansin na may dala-dala siyang baril. Tinutukan niya yung stalker at hindi na siya nakapalag.

My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon