Chapter Seventeen : Shootout

31 2 0
                                    

Kababalik lang namin galing Baguio at pauwi na kami sa mansyon ni Mr. Yuan. Wala nang halos sasakyan sa daan dahil gabing-gabi na.

"Denise napansin mo ba?" Tanong sa akin ni Bryan habang nagdri-drive.

"Oo, kanina pa sila nakasunod pagkalagpas natin sa tollway."

"Sasabihan ko yung kabilang team sa likod."

"Sige, susubukan kong maghanap ng ibang daang hindi matao."

"Tulog pa si Mr. Yuan sa likod"

"Gisingin mo, kailangan niya ring maging alerto"

Tiningnan ko si Mr. Yuan na nakatulog sa likod ng sasakyan. Maamong maamo ang mukha niya habang natutulog. Nakaramdam ako ng lungkot habang nakatingin sa mukha niya. Naalala ko ang kwento niya tungkol sa buhay niya. Bakit kung sino pa ang mga mabubuting tao eh sila pa ang  pinagtatangkaan at gustong patayin.

"Mr. Yuan?"

"I can feel something wrong's about to happen."

"Don't worry Mr. Yuan, we're here to protect you."

Maya-maya ay may tumapat sa sinasakyan naming dalawang itim na sasakyan. Binaril nila ang sinasakyan namin. Buti nalang at mayaman tong si Mr. Yuan at afford niya ang isang bullet proof na sasakyan. Pinaharurut ni Bryan yung sasakyan papalayo sa kanila. Pinauna kami ng convoy na nasa harapan namin at hinarang yung mga kalaban. Pati yung convoy na nasa likod namin nagpa-iwan din.

Pero nang makalayo na kami may isa pang sasakyan na biglang lumabas sa intersection ng highway. May nag-aabang pala sa pagdating namin. Nakabuntot sila sa amin habang pinapaputukan ang sinasakyan namin. Lumabas ako sa sunroof ng sasakyan at pinaputukan ko din sila.

Sa bilis ng takbo namin ay may mga nalagpasan kaming ilang sasakyan sa daan. Baka madamay ang mga sibilyan sa gulong ito. May nalagpasan kaming isang pulang sasakyan pero mabilis din ang takbo niya. Lintik! Sigurado akong si Theo 'yun. Anong ginagawa niya sa labas ng ganitong oras.

Kung patuloy niyang bibilisan ang takbo niya ay maabutan niya kami pati na ang mga kalaban. Baka madamay siya sa gulong ito. Dapat kasi tumabi nalang siya at umiwas at bakit parang nakikipag karera pa siya. Nakatapat na sa amin ang sasakyan ni Theo habang binabaril pa rin kami ng kalaban.

"Tumabi ka sa daan! Huwag kang titingin sa labas!" Ang sigaw ko sa kanya pero mukhang hindi ako naririnig ni Theo.

"Tumabi ka sa daan! Theo!" Ano ba, bingi na ba ang kumag na to. Pagpatuloy siyang nandito sa daan baka siya naman ang barilin nila

"Ano ba Theo! Itabi mo yang sasakyan mo at huwag kang lalabas!" Buti nalang narinig niya ako. Sinenyasan ko siyang itabi ang sasakyan niya.

Nakita ko ang takot sa mukha niya. Dahil siguro nabigla siya sa nasaksihan niya ngayon. Pero kahit papaano medyo nakahinga ako ng maluwag. Masmatututukan ko na ang mga kalabang kanina pa bumabaril sa amin. Dalawa nalang silang natira sa loob dahil tinamaan ko kanina ang isa nilang kasama habang tinamaan naman ni Bryan yung isa.

Iba talaga tong si Bryan nagawa pa niya makipagbarilan habang nagdririve ng mabilis.Naiiwan namin sila sa daan pero sigurado akong nakasunod pa rin sila.

Pumasok ulit ako sa loob ng sasakyan at kinuha yung sniper rifle na nakatago sa loob.

"Anong binabalak mo Denise?"

"Mukhang malayo na tayo sa kanila pero sigurado akong maabutan pa rin nila tayo."

"Okay mukhang alam ko na plano mo."

"Di nga, paano mo nalaman?"

"Trust me, matagal na ako sa trabahong ito. Balak mong bumaba sa sasakyan at aabangan sila."

My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon