Isang buwan na ang nakalipas pero hanggang sulat lang natatanggap namin. Lalo akong naga-alala dahil alam ng stalker ang lahat ng pinupuntahan ni Miss Lorraine. Bakit hindi ko siya mapansin?
Pagkaraan ng isa pang buwan may package na dumating. Ako ang unang nag-check sa harapan ni Miss Lorraine. Isang underware may kasamang sulat.
Ang bango mo Miss Lorraine. Pinagmasdan kita kanina sa photoshoot mo. Ang sexy mo pa rin. Ano kayang itsura mo kapag nasa kama na kita. Naked and tied waiting for me.
Nangilabot ako sa nabasa ko. Buwisit nasa shoot siya kanina, bakit di ko siya na pansin? Bakit di ko naramdaman na may nakamasid sa kanya kanina. Tiningnan ni Miss Lorraine yung package at sulat. Nakita ko ang takot sa mga mata niya. Muntik na syang masuka sa nakita niya.
"Paano napunta sa kanya underware ko. Nakapasok siya dito?" Nagulat ako sa sinabi ni Miss Lorraine. Nakapasok siya?!
Tinawagan ko agad ang control room. Kailangang ma-icheck ang CCTV footage, baka sakaling nakunan mukha ng gagong 'yon.
"Miss Lorraine, nandito lang po ako. Pina-check ko na ang mga CCTV footage baka sakaling nakunan kung sino man ang pumasok sa mansyon at kwarto niyo."
Pina-upo ko muna siya. Nanginginig na siya sa takot. Bakit nila ginagawa 'to. Isa si Miss Lorraine sa mga mabait na taong nakilala ko. Napaka down to earth pa niya hindi siya bastos at mapang mata. Hindi katulad ng ibang celebrity na nakita ko habang sinusundan si Miss Lorraine sa trabaho niya. She doesn't deserve this.
Maya-maya dumating si Theo, galit at nagmamadaling lumapit kay Miss Lorraine. Nasabi ni Miss Lorraine kanina noong tumawag siya at nahalatang may di magandang nangyari sa kanya.
"Tita Lorraine, nandito lang po ako. Babantayan ko kayo, everything's going to be alright. I won't leave you." Kahit ang sama ng impression ko sa kanya. Ang bait niya kay Miss Lorraine.
"I'm okay now Theo. Di ba may fan meeting pa kayo ngayon? Hindi kana sana pumunta dito baka pagalitan ka pa ng manager mo"
"It's okay Tita nagpaalam naman po ako sa kanya. Sinabi kong may emergency. But don't worry Tita wala akong sinabi tungkol dito." Tumayo siya at tiningnan ako ng masama. Susuntukin sana ako pero nakaiwas ako. Kumag talaga, ano namang kasalan ko sa kanya.
"Theo stop it." Pinigilan siya ni Miss Lorraine nung susuntukin sana ulit ako. Ang lakas ng loob ng kumag na to, hindi naman maka landing ng suntok. Ang bagal, ang daling iwasan para ka lang nakikipag laro sa bata.
"You, stupid body guard! Bakit hinayaan mong mangyari 'to!?" Galit na galit siya habang hawak nya ang kwelyo ng uniform ko. Lintik! Kung di lang lalabag sa rules na huwag pumatol sa mga ganitong sitwasyon nabugbog ko na 'to.
"Sorry sir, but I was guarding Miss Lorraine. Not the mansion." Bwisit to, akala mo siya lang ang concern sa sitwasyon na 'to.
"Enough, Theo. Walang kasalanan si Dennis. Tama na yan." Binitawan niya damit ko at pinuntahan si Miss Lorraine. Hinatid niya siya papunta sa kwarto niya. Hinintay ko sila sa labas ng kwarto.
Paglabas ni Theo, ang sama pa rin ng tingin sa akin. Tinitigan ko lang siya, lalo atang naasar. Susuntukin sana ako pero umiwas ako kaya yung pader ang nasuntok niya. Napa-upo siya sa sakit. Buti nga sayo, akala mo kung sino. Napahiya ata kaya dali-daling umalis nalang.
Simula ng nangyari 'yon. Sa mansyon na ni Miss Lorraine ako natutulog. Dahil alam naman ni Miss Lorraine na babae ako, sa sofa nalang ako natutulog sa loob ng kwarto niya. Kinabukasan dumating si Theo, doon na rin daw muna siya matutulog. Bahala siya, basta 'wag siyang magiging sagabal.
Nasa loob kami ng kwarto ni Miss Lorraine nang magkwento siya kung bakit ganoon ka concern si Theo sa kanya.
"Trainee palang si Theo nang makilala ko siya. Fifteen lang ata siya noon. Maagang nawala ang Mama niya kaya Daddy lang niya ang kasama niya. Tinakwil siya ng ama niya ng ipagpilitan niyang sumali sa banda nila. Tinanggal lahat ng allowance niya. Ang laki ng hirap at sakripisyo nila ng mga kasama niya. Tinulungan ko sila noon, hindi madali sa isang bata palang na malayo sa magulang ang masakit lang tinakwil at pinabayaan sila.
Hindi ko maintindihan kung bakit hirap ang parents nilang suportahan sila sa pangarap nila. Suwerte sila at may mga anak silang alam na kung ano ang pangarap nila sa buhay. Kung hindi ako busy dinadalaw ko sila sa dorm nila.
Naawa ako kasi minsan halos wala silang makain. Hindi kasi sapat ang binibigay ng agency para sa allowance nila. Hindi din naman kasi pinilit ng agency na maging trainee sila. Hindi na sana sila kukunin nang malaman nilang tutol ang parents nila. Pero pangarap nila 'yon kaya nagmakaawa sila sa agency nila.
Gusto ko man silang padalhan ng pagkain araw-araw ayaw nila. Desisyon daw nila 'yon kaya dapat matuto silang magtiis,magsakripisyo at magpursige. Mapilit lang ako pag dumadalaw sa dorm nila kaya minsan hindi sila makatanggi. Tinuring ko na silang parang mga anak at tinuring din nila akong parang ina nila. Proud ako sa kanila dahil sa success na narating nila ngayon."
Ganoon pala pinagdaanan nila. Akala ko dahil mayaman sila kaya madaling nakapasok sila sa showbiz. Nanghusga agad ako, masama lang kasi tabas ng dila ng kumag na 'yon kaya nahusgaan ko siya ng ganoon.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Bodyguard
RomansaNaghahanda na sina Theo para sa bago nilang album at comeback. Pero dahil sa death threats na natatanggap niya mukhang mauudlot pa ang lahat. Maaring matapos nila ang lahat kung papayag siyang magkaroon ng bodyguard. Si Denise, ang kanyang personal...