Chapter Nineteen : The Past Love

22 1 0
                                    

Natapos na naming ayusin ang lyrics at arrangement ng ibang kanta. Recording naman ang susunod. Dahil rap ang part ko, ako na ang nagsusulat ng bawat part ko. Kahit inaayos palang namin ang album namin ay may mga ibang commitment kami sa iba't ibang T.V. networks.

May guesting kami mamaya sa isang talk show. Pag-uusapan din namin ang inaayos namin na album namin. Pero parang alanganin akong pumunta sa talk show na ito ngayon.

"Ready, Theo?" Tanong ni Tristan sa akin. Nandito na kaming lahat sa dressing room naghihintay lang kaming tawagin ng production staff.

"Yeah, I'm ready." Sagot ko sa kanya.

"Ayos lang naman Theo kung kahit kami lang muna ang lumabas." Lumapit naman si Dean sa akin.

"No guys I'm okay, naka-move on na ako. Kaya relax, she's nothing to me now."

Hindi nasabi ng staff namin na guest din pala si Sandra Kim. Siya ang ex-girlfriend ko at naghiwalay kami 5 years ago. Syempre naka move-on na ako at wala akong pakialam sa kanya. Naging kami ng dalawang taon pero hindi maganda ang naging paghihiwalay namin.

Nagsisimula palang si Sandra sa acting at kaka-debut lang namin noon. Nakilala ko siya sa isang shooting ng commercial. Nagustuhan ko siya at niligawan. Halos magda-dalawang taon palang kami ng maging malamig siya sa relasyon namin. Hanggang sa lagi na kaming nag-aaway at hindi nagkakasundo.

Hindi pa kami naghihiwalay ng malaman ko na may ka-date na siyang iba. Kumalat na rin ang issue sa media pero walang statement na inilabas ang agency namin. Pero alam ng mga ka-grupo ko at ibang tao sa agency ang sitwasyon namin.

Nagulat ako ng mismong si Sandra ang nagpa-interview. Sinabi niyang isang taon na kaming hiwalay at magkaibigan nalang kami. Ni hindi manlang sinabi kung ano ang dahilan dahil pati ako hindi ko rin alam kung bakit.

Ipinagpalit niya ako sa isang actor na nakasama niya sa isang drama. Mas nasaktan ako ng sabihin niya sa akin ng harap-harapan na mas magiging sikat siya kapag si Jackson ang kasama niya.

Flashback

"Sandra ano tong sinabi mo sa interview na hiwalay na tayo?"

"Oo Theo, hiwalay na tayo. Nakikipag-date na ako sa iba."

"Why? I thought you love me. We can still fix this."

"Sorry Theo pero hindi na kita mahal at hindi na natin maayos 'to."

"Yes we can if we try."

"Stop being pathetic and a fool, just accept it Theo. Kailangan ko siya para mas makilala ako."

"What do you mean. Hindi kita maintindihan Sandra."

"Nung una akala ko mas makikilala ako pag nakipag-date ako sayo dahil sumikat agad ang banda nyo sa bansa. Malakas agad ang impact nyo sa masa. Oo, aamin ko na napansin din naman ako."

"Sikat pa rin naman kami ah"

"Sikat nga kayo pero mas kilala si Jackson dahil matagal na siya sa industriya at mas marami siyang connection."

"Ginamit mo lang ako?"

"Oo, Theo ginamit lang kita. Kaya tama na, break na tayo."

End of Flashback

Alam at nakita ng mga kagrupo ko kung paano ako iniwan ni Sandra dahil nandoon sila. Sila ang dumamay at tumulong sa akin para makalimot. At ngayon ko lang siya ulit makikita pagkatapos ng ilang taon. Hiwalay na sila ni Jason na pinagpalit niya sa akin at ikinasal sa isang sikat na model.

Ipapakita ko sa kanya na naka-move on na ako at wala na akong paki-alam sa kanya. Ipapamukha ko sa kanya kung ano ang pinakawalan niya ng nagdesisyon siyang iwan at saktan ako. Walang ng pagmamahal kundi galit ang natira para sa kanya.

My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon