Chapter Twenty Five : My New Bodyguard

23 1 0
                                    

Theo's POV

Ipinatawag ako ni Mr. Yan ngayon dahil dumatating na raw yung magiging bodyguard ko. Wala pa sina Argon kaya ako na muna ang pupunta sa office ni Mr. Yan.

"Mr. Yan?" Pagpasok ko sa office niya ay nakita ko ang isang lalakeng nakaupo. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Mukhang hindi kalakihan ang katawan.

"Maupo ka Theo." Umupo ako sa tapat ng lalakeng bisita ni Mr. Yan.

"De-Dennis?" Nagpagupit pala si Dennis, tulad ng gupit niya ng unang makita ko siya sa bahay nina Tita Lorraine. Mas mukha na siyang lalake.

"Siya nga pala ang magiging bodyguard mo Theo. Si Dennis, I believe magkakilala na kayo."

"Opo Mr. Yan. Nakilala ko na po siya dati."

"Then good, pero may kaunting mag-iiba."

"What do you mean Sir." Mukhang hindi ko magugustuhan ang susunod na sasabihin ni Mr. Yan.

"Dahil sa nangyaring pag-atake sayo noong nakaraan ay bawal ka na munang gumimik o lumabas."

"Pero Mr. Yan, nandiyan na po si Dennis."

"Patapusin mo muna ako Theo." Hay mukhang magiging mahirap 'to.

"Pwede ka lang lumabas kapag kasama mo si Dennis. May curfew ka rin, hanggang 8:00 ng gabi ka lang dapat sa labas. Pagkatapos ay diretso uwi kana. At ire-report sa akin ni Dennis kung sakaling susuway ka. "

"I'm not a kid Mr. Yan to have a curfew."

"Alam ko Theo, pansamantala lang to hanggat hindi pa nahuhuli kung sino man ang nag-utos sa pag-atake sayo. So please cooperate Theo, para din naman sa kaligtasan mo to. Huwag mo ring asahan na dahil magkakilala kayo eh pagbibigyan ka ni Dennis. Isa pa alam kong professional magtrabaho si Dennis. Nakalimutan ko palang sabihin na inaanak ko si Dennis kaya huwag mo siyang bibigyan ng sakit ng ulo."

"I understand Sir." Inaanak niya pala si Dennis, ibig sabihin talagang magiging mahirap ang lahat.

Lumabas kami ni Dennis sa office ni Mr. Yan. Suot niya uli yung uniform na ibinigay sa kanya ni Tita Lorraine. Sa bagay mas maganda yun kaysa sa uniform ng LEP.

"Buti at pumayag kang maging boduguard ko. Akala ko ayaw mo sa celebrities na client?"

"Nagbago isip ko nang makita kitang inaatake noon. At magkaibigan rin naman tayo."

Natuwa ako sa mga sinabi niya. Ibig sabihin importante pala ako sa kanya dahil kahit ayaw niyang tumanggap ng celebrity client eh pumayag siya para sa akin.

"Thank you. I really do appreciate it."

"Wala yun Theo. Pero simula ngayon magiging stricto na ako sayo. Kahit mag-kaibigan tayo ay hindi kita pagbibigyan. Sana maintindihan mong trabaho lang 'to."

"Naiintindihan ko Dennis. Huwag kang mag-alala hindi ako magiging pasaway." Ngumiti nalang ako sa kanya.

Bumalik kami ng studio at nandoon na pala sina Tristan.

"Oy,sino yang kasama mo Theo?" Tanong ni Dean ng pumasok na kami.

"Dennis? Whoa! Ibang iba ang dating mo ngayon. Mas astig kang tingnan kapag short hair." Dagdag ni Vince.

Tahimik lang si Dennis, hindi tulad ng dati na nakikipagbiruan sa amin dati. Mukhang seryoso na siya sa trabaho tulad ng makita ko siya sa mansyon ni Tita Lorraine.

"Oy Dennis, hindi mo kailangang maging seryoso kapag kasama mo kami. Relax." Sabi ni Tristan at inakbayan si Dennis.

"Sorry guys pero magiging stricto ako kay Theo at sa inyo na rin kapag on-duty ako. Utos yun ni Mr. Yan at mas mabuti rin yun para maka-concentrate ako ng maayos sa trabaho."

"Tuwing on-duty? Eh 24/7 mo kayang babantayan si Theo. Ibig sabihin 24/7 karing magiging ganyan? Kay Dennis ka lang maging seryoso pero huwag sa amin" Lumapit si Dean at nagpuppy eyes.

"Sorry guys, trabaho lang. Huwag sana kayong magagalit." Seryosong agot sa kanya ni Dennis.

Hahaha, loko tong Dean na to akala niya ata gagana sa lahat ng tao ang mga puppy eyes niya.

"Ayos lang yun Dennis. Naiintindihan namin, but we're still friends." Sabi ni Argon at nginitian si Dennis.

Nginitian din siya ni Dennis,"Salamat, kaya guys sumunod sana kayo sa rules."

"Anong rules?" Tanong ni Vince.

"May curfew ako hanggang 8:00 ng gabi. Ibig sabihin bawal na akong lumabas o gumimik past 8:00 p.m." Ako na ang nagsabi sa kanila ng rules ni Mr. Yan dahil siguradong kukulitin nila si Dennis.

"Wow, mukhang seryoso na nga ang sitwasyon ngayon. Hang in there " Sabi ni Tristan at lumapit sa akin.

"Ayos lang, nandiyan naman si Dennis." Sabi ko sa kanya. Alam kong hindi magiging pabaya si Dennis.

"So sa bahay mo na muna titira si Dennis?" Sabay tanong sa akin ni Vince.

Oo nga pala 24/7 niya akong babantayan. Sa kwarto ko din ba siya matutulog tulad ng ginawa niya noon kay Tita Lorraine? Bigla akong namula ng isipin kong matutulog kami sa isang kwarto.

"O bakit bigla kang namula?" Simulang pang-aasar sa akin ni Vince.

"Hindi ah," bakit naman kasi yun agad ang nasa isip ko.

"Ikaw ha, anong iniisip mo?" Sumali si Dean sa pang-aasar.

"Wala no. At ano namang iisipin ko? Kayong dalawa ha, hindi pa pwedeng yung isa lang ang mang-asar. Ano kayo buy 1 one get one sa pang-aasar?"

"Hahaha asar ka agad. Malay ba namin kung anong binabalak mo kay Dennis" Tuloy na sabi ni Vince.

Binatukan ko silang dalawa. Kung anu-anong sinasabi. Tiningnan ko si Dennis pero wala pa rin siyang reaksyon. Dati kapag ganitong may biruan kami nakikisali siya. Nalungkot ako dahil hindi ako sanay na ganyan siya kaseryoso.

"Tama na yan ha. Babatukan ko ulit kayong dalawa kapag hindi kayo tumigil."

"Oo na titigil na kami. Hindi ka masayang asarin ngayon kasi hinid na sumasali si Dennis." Sumimangot si Dean at pumunta kay Argon. Parang bata tala tong dalawang to.

Tiningnan ko si Dennis habang inaasar ako nina Vince kanina. Nakita ko siyang ngumit pero biglang sumeryoso ulit mukha niya ng makita niya akong nakatingin sa kanya. Mukhang pati siya ay mahihirapang maging seryoso sa harap ng grupo. Ang kukulit naman kasi ng mga 'to.



My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon