Chapter Twenty Six : Confusion

20 1 0
                                    

Theo's POV

Halos isang linggo na rin nang magsimulang maging bodyguard ko si Dennis. Wala pang threat na dumarating pero strict pa rin ang agency pagdating sa safety ng grupo namin dahil sa nangyaring pag-atake sa akin. Tulad ng napag-usapan bahay - agency ang ruta ko. Hindi na ako lumalabas o sumasama sa gimik ng grupo kapag past 8:00 pm na. Kasama sa napag-usapan ang pagtira ni Dennis sa bahay ko. Sa kabilang kwarto siya natutulog katapat ng kwarto ko.

Late na ako gumising dahil sa nag-overtime kami sa recording studio. Mamayang alas-diyes pa naman ang schedule ko kaya hindi na ako nag-pagising kay manang. Nagulat ako ng magising akong may naka-itim na nakatayo sa tabi ng kama ko at nakatingin sa akin.

"Gising kana?" Tanong niya sa akin. Si Dennis pala.

"Yup, gising na. Paano ka nakapasok sa kwarto ko?"

Bigla kong tinakpan katawan ko sa gulat naka underware lang kasi ako at hindi ako sanay na may ibang tao sa kwarto ko. Tiningnan ko ulit si Dennis at mukhang namumula siya. Kanina pa ba niya ako tinititigan habang nakatulog?

"Hi-Hindi naka lock yung pintuan kaya pumasok na ako." Haha, ano yan nabubulol pa.

"Ganoon ba, ligo na muna ako bago tayo pumunta sa agency." Lalake naman si Dennis kaya ayos lang na makita niya akong naka-underware.

"Ano ba yan, magsuot ka kaya muna ng damit."

"Haha, pupunta nga ng banyo di ba? Saka pareho lang naman tayong lalake dito."

Hindi ko alam pero parang medyo natataranta si Dennis. Huwag mong sabihin na kahit lalake siya eh hindi siya sanay na makakita ng nakahubad na tao sa harap niya. Masubukan nga, lumapit ulit ako sa kanya.

"Siya nga pala Dennis. Hindi na ako masyadong nakakapunta ng gym. Ayos pa rin ba katawan ko?" Sabay harap ko sa kanya habang naka-flex.

"Hahaha, bakit namumula yang mukha mo Dennis?"

"Hindi ah, medyo mainit kasi. Sige maligo ka na, hintayin nalang kita sa baba."

Biglang nag-ring yung phone niya kaya dali-dali na rin siyang umalis ng kwarto kaya lalo akong natawa, ang cute ng reaksyon niya. Ngayon lang ako nakakita ng lalake na natataranta sa harapan ng pareho niyang lalake na nakahubad. Pero OA niya ha, naka-underware kaya ako.

Mukhang magiging maganda ang araw ko ngayon. Dahil parang bumalik na ang dating si Dennis. HIndi yung bodyguard ko na masyadong seryoso sa trabaho at masyadong tahimik.

Bumaba na ako papunta sa kusina. Ano kaya ang niluluto ni manang mukhang masarap? Pero si Dennis pala ang nagluluto. Suot niya yung apron ni manang na bulaklakin. Kahit short hair siya ay maganda siyang tingnan suot yung apron habang nagluluto.

Biglang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko ng lumingon siya at ngitian ako. Para siyang nag glo-glow ng oras na yun. Pero biglang bumalik ako sa katinuan na si Dennis ay siang lalake. Tumalikod nalang ako at umupo sa mesa. Gutom lang to kaya kung anu-anong ini-imagine ko.

"Nasaan si manang bakit ikaw ang nagluluto?"

"Nagmamadaling lumabas. Kaya ako na ang nagutloy ng niluluto niya."

"Bakit may emergency ba?"

"Mas maganda po kung siya nalang tanungin niyo mamaya."

"Ano ba kasi yun. Emergency sa pamilya niya?"

"Siya nalang tanungin mo mamaya. Hindi naman ganoon ka seryoso."

Ano ba yan, may emergency ba na hindi seryoso?

"Sasabihin mo o tatawagan ko si manang ngayon?"

Hindi niya ako sinagot at tuloy lang siya sa pagluluto. Akala ko naman balik na siya sa dati. Pati ba naman dito sa bahay eh ganito siya kaseryoso. Kaming dalawa lang naman kaya sana kausapin niya ako gaya ng dati. Nakakalungkot na kahit nandiyan siya pero parang hindi. Hindi siya yung Dennis na lagi kong nakakausap sa park. Ilang araw na siyang ganyan sa akin o sa grupo.

Dumating si manang pagkatapos ihain ni Dennis yung pagkain. Mukhang wala namang nangyaring masama sa kanya.

"Saan po kayo pumunta manang? Sabi ni Dennis may emergency po kayo."

"Nakakahiya naman pong sabihin Sir."

"Ano ba manang? Pati si Dennis hindi rin masabi. Ano ba kasi yon." Seryoso na akong nagtanong sa kanya at mukhang nakita niyang malapit na akong mainis.

"Sir, buwanang dalaw po." Ano daw? Buwanang dalaw?

"Buwanang dalaw? Kung may bisita ka manang bakit hindi mo sinabi. At sa labas pa talaga kayo nagkita. Hindi naman ako magagalit kong patuluyin mo saglit dito yag bisita mo."

Pagkasabi ko nun ay biglang tumawa si Dennis. Tiningnan ko siya at biglang naging seryoso mukha niya. Pero halatang nagpipigil pa rin siya ng tawa. May nasabi ba akong mali?

"Sige po Sir sa susunod sasabihin ko po sa inyo."

Sabi ni manang habang nakangiti. Pati siya'y nagpipigil ng tawa. Hindi ko sila maintindihan kaya kumain nalang ako, niyaya ko si Dennis pero nakakain na raw siya. Pati ba naman sa pagkain ayaw akong saluhan.

Diretso na kaming pumunta sa Studio. Hindi maganda ang araw ko ngayon dahil simula ng magtrabaho pa sa akin si Dennis ay halos hindi niya ako kinakausap. Kakausapin niya lang ako kapag may itatanong ako sa kanya. At akala ko kanina ay babalik na siya sa dati pero hindi pala. Tahimik lang kaming dalawa habang papunta sa agency. Hindi ko alam pero masyado akong apektado sa mga ikinikilos nya.

"Nandito na pala kayo Theo at Dennis" Bati sa amin ni Tristan. Sila lang ni Dean ang nandito dahil ma shooting sina Argon at Vince para sa isang M/V namin.

"O, bakit parang ang lungkot ng itsura mo Theo?" Tanong naman sa akin ni Dean.

"Wala, hindi lang maganda ang gising ko ngayon."

"Bakit? Pinagalitan ka ba ni Dennis?"

"Hindi ah. Wala to." Umupo na ako sa harap ng computer at isinuot yung headphone. Ayaw kong magtanong pa sila kaya pinakinggan ko muna yung mga naunang kanta na ini-record namin.

Stressed lang siguro ako kaya ganito ang pakiramdam ko. Kahit yung hindi masyadong pagpansin sa akin ni Dennis eh nakaka-apekto na sa akin.

Napakinggan ko na ang lahat ngkantang nai-record namin. Kaya nakinig nalang muna ako sa ipod ko ng ibang kanta habang nagsusulat ng lyrics. Mukhang pati ipod ko ayaw makisama dahil ng tingnan ko si Dennis sakto sa lyrics yung nararamdaman ko.

[You Don't See me by Safety Suit]

I steal another glance or two

I maybe take a chance with you

But you, you don't need me

You don't even see me

And you don't see me that way

You don't see the way I look at you

When you are not looking at me

I wish that I could tell you

Every single thought I ever had about you and me

But you don't see me that way

No, you don't see me that way, no, no, no

No, you don't... see me... that way...

Imbes na malungkot ako ay parang nainis pa ako. Ano ba kasi itong nararamdaman ko? Ano naman kung hindi na ako kausapin ni Dennis tulad ng dati?

Hindi ko gusto kung ano man ang nararamdaman ko. Kaibigan ko si Dennis kaya ganito ang lungkot at sakit na nararamdaman ko sa mga kilos niya. Tama, yun ang dahilan, kaibigan ko lang siya at hanggang doon lang. Lalake si Dennis kaya mas lalong hindi pwedeng hinggit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya. Isa pa, meron na akong mahal na iba at si Dina yun.

Dala lang siguro to ng masyadong pagfo-focus sa trabaho. Dagdagan mo pa ng masyadong strict na pagbabantay sa akin ni Dennis. Nawala kung ano man ang nararamdaman kong lungkot kanina. Mas nai-inis ako ngayon dahil stressed na ako sa preparation ng album eh ganito pa ang sitwasyon ko ngayon.

Nag-decide akong pumunta sa club ngayon kahit alas-syete na ng gabi. Ibig sabihin isang oras lang ako sa club. Pero wala na akong pakialam, kailangan kong maglibang kahit kaunti lang.


My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon