Theo's POV
Maglalakad lakad muna ako sa park. Kailangan kong magpahangin, masyado na akong stressed dahil sa stalker na yan. Dahil alam kong iba siya sa naging stalker ni Tota Lorraine. Alam kong hindi niya ako basta bastang susugurin para saktan. Mas matalino ang isang ito at alam kung may iba siyang plano. Hindi ko alam kung kailan na gagawin 'yon.
Maganda pa rin dito sa park kahit gabi. Medyo kaunti ang tao kaya hindi na nila ako masyadong makikilala. Face mask lang ang katapat niyan. Teka ano 'yon may nangyayari atang gulo. What the?! Hold-up ata 'to. Ang mga kriminal talaga kung saan-saan sumusulpot. Hindi na awa sa bagets na 'yon. Makikita niya, kahit papaano may alam naman akong basic self-defense. Isa sa mga klase namin noong trainee palang kami.
Lalapit na sana ako nang biglang may tumigil na motor sa tabi nila. Teka kilala ko ang uniform na 'yon. Tinanggal niya helmet niya at nilugay buhok niya. Napalunok ako parang nagslomo ang mundo habang nakatitig ako sa kanya at tinatanggal ang helmet niya. Parang sa shampoo commercial kapag isini-sway ng model yung buhok niya. Napanganga ako sa nakikita ako at bigla niya akong tiningnan at ngumiti siya. Oh my God, I thinnk I'm falling in love. Anlakas ng tibok ng puso.
Maghunos dili ka aking puso. Napana kana ata ni kupido. Akala ko si Dennis pero ang ganda ng isang ito at long hair. Baka parehas lang sila ng suot. Lintik nagtali siya ng buhok at nagsalita. Bwisit hindi ako nagkakamali si Dennis to. Tama na puso, huwag kang mabakla, nalinlang ka ng lightings sa park. Mahina ang ilaw dito kaya hindi mo alam. Bwisit na imagination 'to pati ba naman si Dennis pinagpantasyahan. Nagrerebelde ba si Dennis na to sa agency nila bakit nagpahaba siya ng hair.
Nakita kong binugbog ni Dennis ang holdaper bago dumating ang mga security ng park at kinuha siya. Hindi ko alam na lumapit na pala sa akin si Theo.
"Isara mo bibig mo Theo. Baka pasukin ng langaw. Hahaha" Letche, nang-asar pa 'tong kumag na 'to.
"Hindi ah, What are you doing here Dennis" Relax, kalma lang lalake siya, lalake siya.
"Pauwi na sana ako ng makita ko yong holdaper. Nakita ko na lalapit ka sana sa kanila. Pero may hawak siyang kutsilyo, baka napahamak ka pa." Sabay tapik sa balikat ko. Kainis talaga 'tong kumag na 'to.
"Wow salamat sa concern." Nagpipigil lang ako eh. Mas malaki katawan ko at mas matangkad ako pero ayaw ko nang patulan kawawa naman.
"Joke lang bro. Hahaha. Kumusta na pala." Bro ka dyan wala akong kapatid na kumag.
"Ayos lang naman. Ikaw, may bago ka atang client."
"Eto ayos lang. Oo, meron. Mas seryoso nga lang 'to kaysa sa stalker." Naka upo kami sa park habang nag-uusap. Hindi naman pala siya ganoon kasama. Okay nga siyang kausap eh.
"Ibig sabihin, mas delikado. Sigurado ka bang kaya mo."
"Kaya yan." Sabay ngiti sa akin. Putcha sabi ng maghunos dili kang puso ka, lalake yan, lalake!
"May problema ba. Kanina ka pa hindi mapa kali?"
"Hindi naman. Nagmamasid lang." Ano ba yan kung anu-ano na ang sinasabi ko.
"Bakit may nagtatankga ba sayo?"
"Stalker ko. Hahaha, ganito ata lahat ng artista. Hindi nawawalan ng stalker." Tumatawa ako pero ang seryoso ng mukha niya. Mukhang nag-aalala siya.
"Seryoso ba yan Theo? Hindi lang basta prank?" Wow concern nga si kumag.
"Hindi pa namin sigurado. Tatlong sulat palang kasi natatanggp namin. Puro pagbabanta."
"Prank man o seryoso yan. Mag-ingat ka, mahirap na kawawa naman fans mo pag may nangyari sayo. Hehe."
Nalala ko tuloy si Dina. Ganito kagaan ang loob ko kapag kausap ko siya.
"Natahimik ka ata. May ina-alala ka ba?" Tanong niya sa akin.
"Naalala ko lang si Dina. Nakilala ko siya sa mansyon ni Tita Lorraine."
"Chick mo?" Loko talaga 'tong kumag na 'to kung magtanong.
"Kaibigan ko. Kung mas nakilala ko siguro baka ligawan ko."
Biglang tumayo si Dennis. May nasabi ba akong masama?
"Bakit, may problema ba Dennis?"
"Ah wala,naman naalala ko lang na kailangan ko na palang umiwi ng maaga. Bukas na kasi namin ime-meet ang bagong client."
"Ganoon ba. Uwi na rin siguro ako baka mamaya biglang sumulpot ang stalker ko."
Biglang naging seryoso ulit mukha niya. Lumingon siya sa paligid at parang may hinahanap. Sinabi ko lang stalker eh. Biglang naging alerto agad.
"Wala ka bang kasamang pumunta dito Theo?"
"Ako lang mag-isa, bakit?"
"Mukhang kanina pa kasing may nakatingin sa atin?" Ano?! Hindi nga, huwag mong sabihing yung stalker 'yon.
"Biro lang. Masyado ka namang nataranta. Sakay ka na sa motor may dala akong extrang helmet. Hatid na kita."
Hahaha, ako pa talaga ang ihahatid. Para akong babae nito, kailangang ihatid. Tatanggi na sana ako pero, nakita kong mukhang hindi talaga nagbibiro si Dennis sa sinabi niya kanina. Malapit lang ang bahay ko dito, five minutes lang na lakaran. Pero kung nandiyan talaga si stalker. Mahirap na, baka kung ano pang mangyari sa akin. May dinaanan lang kami sa 7eleven, darating pala sina Argon sa bahay. Sasamahan daw muna ako ngayong gabi. Yong mga 'yon talaga masyadong concern sa akin.
Habang nasa store ako, nakita kong panay ang masid ni Dennis sa paligid. Mukhang hindi talaga siya nagbibiro sa sinabi niya kanina. Lalo tuloy akong kinabahan, kung si Death Star nga ang nasa park kanina. Ibig sabihin talagang binabantayan niya lahat ng kilos ko at maaring naghihintay lang ng tamang panahon para gawin kung ano man ang plano niya.
Maya-maya nakarating din kami sa bahay. Nadito na rin pala sina Argon, naka park na mga sasakyan nila sa loob.
"Sandali lang Dennis. Pasok ka muna sa loob. Meron akong ipapakilala sayo. Tutal magkaibigan na rin lang tayo."
"Sige pero hindi ako magtatagal. May tatapusin pa kasi ako sa bahay."
"Bro kahit one hour,ayos lang? 8:00 palang naman eh." Masyado ata akong mapilit ngayon ah.
"Sabagay, one hour lang, walang inuman siguro sa inyo guys."
"Don't worry, wala kaming balak na mag-inuman nagayon. Teka, paano mo nalaman na lalake mga kasama ko?"
"Sa mga sasakyang naka park at sa ingay sa loob."
Iba talaga 'tong si Dennis. Matutuwa ang grupo kapag nakita nila kung sino ang kasama ko. Excited silang makilala si Dennis eh.
"Yo guys, andito na ako. Manang paki luto na rin po to. Pakidagdagan nalang po ang hapunan may kasama po akong bisita"
"Yes sir. Ihahanda ko na po."
Nasaan na ba sila. Mamaya magbago pa isip ni Dennis at umalis eh.
"Halika Dennis pakilala kita sa ibang miyembro ng Neophyte"
"Sila kasama mo? Wow, makaka meet ako pala ngayong gabi ng mga celebrity." Bakit parang mas excited siya, celebrity din naman ako ah.
"Yo, Thoe nandito kana pala. Wow, sino yang chick na kasama mo." Wahaha, kahit kailan talaga 'tong si Vince pati ba naman si Dennis napagkamalan na chick.
"Wahaha, bulag ka ba Vince. I know he's a pretty boy but he's not a chick."
"Ay, he pala.Hehe sorry bro. Tara kain muna tayo, nandoon na yung iba."
Parang kinakabahan akong ipakilala si Dennis. Baka pagtripan nila kahiya naman, bakit naman kasi nagpahaba ng buhok tong taong to. Sabagay kung maasar man si Dennis, hahayaan ko siyang sapukin sila ng matuto sila. Makaganti din ako sa pagtawa nila sa akin noong isang araw. Wahaha.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Bodyguard
RomansaNaghahanda na sina Theo para sa bago nilang album at comeback. Pero dahil sa death threats na natatanggap niya mukhang mauudlot pa ang lahat. Maaring matapos nila ang lahat kung papayag siyang magkaroon ng bodyguard. Si Denise, ang kanyang personal...