Chapter Twenty Four : Visiting The Agency

20 1 0
                                    

Theo's POV

Sinabi ni Mr. Yan na may personal bodyguard na silang nakuha. Hindi niya sinabi kung sino pero umaasa akong si Dennis 'yon. Pero sabi ng Boss ni Dennis, ayaw niya ng client na celebrtiy. Napapayag lang siya sigurong tanggapin yung kay Tita Lorraine kasi kaibigan ng Mama niya. Eh, ako baka hindi niya tinanggap.

May tinatapos kami sa studio ngayon pero mamaya ay aalis din kami para magshoot ng Musical Video para sa album namin. Kahit hindi man release agad tong album na 'to ay tatapusin pa rin namin ng maayos. Para kung matapos na ang issue kay Death Star ay yung promotions nalang ang tututukan namin.

"Theo, si Dennis ba ang magiging bodyguard mo?" Tanong sa akin ni Tristan. Mukhang alam na rin pala nila na may personal bodyguard na ako.

"Hindi ko alam Tristan. Walang nasabi si Mr. Yan kung sino."

"Ganoon ba sayang naman kung hindi si Dennis."

"Bakit gustong-gusto niyong kunin si Dennis?" Tanong ni Argon samin ni Tristan.

"Kasi kahit papaano eh kilala na natin siya." Sagot ko kay Argon.

"Oo nga, at siguradong hindi siya magiging strict kay Theo dahil friends nga diba?" Dagdag naman ni Tristan sa sinabi ko.

"Yun lang ang dahilan niyo. Parang ang babaw naman." Itong si Argon hindi na makuntento sa mga sagot namin. Ano bang gusto niyang sagot?

"Uhm, dahil sawa na kami sa mukha niyo at gusto namin ng bago?" Nagtawanan kami ni Tristan sa sinabi ni Vince, salin pusa tong isang to.

"Sige, tutal sawa na rin ako sa mga boses niyo eh babaguhin ko na rin lines niyo sa bawat kanta para bago. Share nalang kaya kayong tatlo sa isang verse." Seryosong sagot ni Argon at tiningnan si Vince.

"Hala huwag kang ganyan." Nakasimangot si Vince kay Argon.

"Biro lang Vince. Simangot ka naman agad."

"Mga biro mo kasi parang ikaw lang ang natatawa." Lalo kaming natawa dahil tama naman si Vince. Minsan kasi kapag magbiro si Argon ang seryoso ng mukha at parang siya lang nakaka-gets sa mga joke niya.

"Hahaha, tama na nga yan guys. Tinatawag na tayo ni Kuya Jaycee sa shooting." Lumapit si Dean at kinuha yung ibang gamit niya. Shooting na pala.

Paglabas namin ng studio may nakasalubong kaming isang babae sa hallway. Naka-skinny jeans, heels,nakahood at shades. Hindi ko masyadong nakita pero parang pamilyar ang mukha niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sigurado ako siya yun.

"Di-Dina?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon. Nagkamali ba ako? Natuwa pa naman ako ng akala kong siya si Dina.

"Sinong Dina?" Tanong sa akin ni Argon.

"Ha? Isang kaibigan. Akala ko siya yung dumaan kanina"

"Oy, may kaibigan ka palang babae. Bakit hindi mo ipakilala sa amin?" Usisa ni Dean.

"Hindi ko alam number niya eh."

"Ha? Kaibigan mo pero hindi mo alam number niya?" sumali na rin si Vince sa usapan.

"Nakilala ko siya sa mansyon ni Tita Loarraine. Nagkwe-kwentuhan lang kami kapag nagkikita sa kusina."

"Nagkwe-kwentuhan kayo pero nakalimutan mong kunin number niya?"

"Mas naaliw ako sa pakikipag-kwentuhan sa kanya. Nawala sa isip ko na kunin number niya."

"Do you love her?" Biglang tanong sa akin ni Argon.

"I think so. Hindi ko alam. Pagkatapos kasi ng gulo sa stalker ni Tita Lorraine ay umalis din siya sa mansyon."

"Ang lungkot naman ng lovelife mo. Ngayon ka na nga lang na-inlove uit eh hindi mo naman alam kung nasaan siya." Sabi ni Dean habang umakbay sa akin.

My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon