Theo's POV
Umaga na pala at hindi na rin kumikirot ang sugat sa ulo ko. Kanina pa ako dapat nagising pero hindi tumunog yung alarm ko.
"Ais, bakit hindi tumunog yung alarm?"Nagmamadali akong bumangon sa kama at papasok na sana sa banyo.
Nandito pala si Dennis at nakaupo sa sofa na nasa sulok ng kwarto ko.
"Pinatay ko yung alarm clock. Kailangan mong magpahinga ng mabuti sabi ng doktor para gumaling agad yang sugat mo."
"Alam mo bang my recording kami ngayon? Tingnan mo kung anong oras na!" Alam kong hindi ko siya dapat sigawan pero gusto kong iparamdam sa kanya ang business relationship na sinasabi niya.
"Isa pa pala, bawal kang pumasok sa kwarto ko. Kaya kung hihintayin mo ako doon nalang sa labas." Tumalikod ako at pumasok sa loob ng banyo. Nagbuntong hininga nalang ako, kaya ko bang panindigan ang mga ginagawa ko ngayon hanggang bumalik si Dennis sa dati?
Alam ko sa sarili ko na hindi lang yon ang dahilan ko. Nang gabing akala kong mamatay ako ay si Dennis agad ang nasa isip ko. Bawal kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya mas mabuting maging matigas ako sa kanya. Doon ko rin mapapatunayan na hanggang magkaibigan lang kami.
Bumaba ako at hindi na ako nag-almusal. Wala na akong oras, siguradong naghihintay na sina Argon sa akin.
"Sir, hindi ho ba muna kayo kakain?" Tanong sa akin ni Dennis. Hinarap ko siya at tiningnan siya ng diretso.
"Kung hindi mo pinaki-alaman yung alarm clock. Di sana maaga akong nagising para magalmusal."
"Sorry Sir, bilin kasi ng dok-"
"Shut up and just drive." Sinungitan ko siya pero parang ako ang nasasaktan sa ginagawa ko.
Hindi kami nag-usap hanggang nakarating kami sa recording studio.
"Theo? Dapat nagpapahinga ka pa, bakit nandito ka?" Tanong sa akin ni Argon. Tumingin din yung iba sa akin at mukhang nag-aalala sila.
"Don't worry guys I'm fine. May recording tayo ngayon kaya nandito ako."
"Kaya mo na ba?" Tanong ulit ni Argon at lumapit siya sa akin para tingnan yung benda ng ulo ko.
"Ayos lang ako guys. Itong benda na to ay pwede ng matanggal mamaya."
"Ah ok. Sige upo ka na muna tutal part pa naman ni Tristan yung ire-record." Sabi ni Argon at bumalik siya sa pagmo-monitor ng recording.
Natapos na naming i-record yung isang kanta pero may aayusin pang ibang parte. Ire-review muna namin para makita kung ano pa ang dapat ayusin. Tiningnan ko Dennis, pinagmamasdan niya lang kami habang nakatayo sa gilid. Hindi ba siya nahihirapan sa ginagawa niya?
"Dennis kumuha ka nga ng drinks sa cafeteria. Tuyo na lalamunan namin." Nabigla sina Argon sa ginawa ko.
"Oy Theo, bodguard mo si Dennis hindi utusan." Pabirong sabi ni Vince pero tiningnan ko lang siya. Kaya hindi na niya itinuloy kung ano pang pang-aasar na gagawin niya,
"Tama bodyguard ko siya kaya dapat siguruhin niyang walang lason yung iinomin ko."
"Yes Sir, lalabas po muna ako para kumuha ng maiinom."
Mas lalong nabigla sina Dean sa ikinikilos naming dalawa. Hinintay nilang makalabas si Dennis bago sila lumapit at magtanong.
"Theo, nag-away ba kayo ni Dennis?" Unang nagtanong si Vince.
"Nope, we're just taking this situation seriously."
"Eh, bakit ganyan ang kilos niyo." Sunod na tanong ni Dean.
"Sabi niya business lang daw ang lahat ngayoni kaya ayan."
Biglang tumawa sina Dean sa sinabi ko.
"Ano namang nakakatawa?" Inis kong tanong sa kanila.
"Para yun lang eh ganyan na kayo. Para tuloy kayong may lovers quarrel." Sabi naman ni Vince. Mukhang magsisimula na naman sila sa pang-aasar nila.
"Ano ba guys. Gusto niyang ihiwalay ang personal sa business matters. Pinagbigyan ko lang siya."
"Para kang bata Theo. Hindi lang si Dennis ang pinahihirapan mo pati na ang sarili mo." Sabi ni Argon at bumalik siya sa ginagawa niya kanina.
"Bahala kayo guys. Basta ako itutuloy ko ito. Matira ang matibay." Nakinig nalang ako sa ipod ko. Ayaw kong marinig kung ano pa man ang gagawin nilang pang-aasar.
Maya-maya ay dumating si Dennis dala yung mga inomin.
"Sir ito na po drinks niyo." Inilapag niya sa mesa yung mga inomin. Mukhang mag-eenjoy ako sa mga gagawin ko sa kanya.
"Gusto ko pala ng kape. Bilhan mo nalang pala ako ng cappuccino." Inabot ko sa kanya yung credit card ko pero seryoso siyang nakatingin sa akin. Ayaw ata eh.
"Ano na? Sabi ko gusto ko ng capuccino. Ayaw mo, sige iba nalang utusan ko, pero sige ka baka may ipuslit si Death Star na lason sa kape ko."
Pagkasabi ko ay kinuha niya yung credit card ko at lumabas agad ng studio.
"Theo, tama na yan. Ginagawa lang ni Dennis ang trabaho niya." Sabi ni Tristan habang kumukuha ng iinomin niya.
"Guys huwag kayong maki-alam. I'm enjoying it." Nakangiti akong tumingin sa kanila pero napaka-seryoso ng mukha nila. Well, I don't care.
"Ikaw ang bahala Theo. Basta huwag kang hihingi ng tulong sa amin kapag nainis si Dennis at bugbugin ka. Kahit makita ka naming ihinahampas sa sahig." Sabi ni Vince habang naka-ngiti. Loko talaga tong isang to, kahit kailan ata eh hindi niya kayang maging seryoso kahit five minutes lang.
"Ha, as if gagawin niya sa akin yon."
Natapos na namin yung pangalawang recording namin kaya nagsi-uwian na muna kami. Maaga pa kaming pupunta ng agency bukas. May ilang kanta pa kasi kaming aayusin. Dahil alam ng grupo ang tensyon sa aming dalawa ay kinausap nila si Kuya Jaycee para i-pagdrive kami ni Dennis pauwi.
"Siya nga pala Sir. May training po tayo bukas, nasabi ko na kay Mr. Yan kaya kahit sina argon na muna ang pupunta ng agency."
"Anong training?" Kinakabahan ako sa sinasabi niya.
"Noong unang maatake ka, nakita kong may alam ka sa basic self-defense. Pero mukhang nakalimutan mo na yung iba."
"So? Anong plano mon gawin?"
"Pupunta tayo ng maaga sa LEP. Ituturo ko ulit sa 'yo yung basic self-defense. May ituturo rin akong iba."
"Why do I have to learn? You're already here to protect me." Seryoso kong sagot sa kanya. Baka ayaw na niyang maging bodyguard ko kaya niya ako tuturuan.
"Don't tell me sawa ka nang maging bodyguard ko kaya mo ako tuturuan. Inutusan lang kita kanina eh umaayaw kana?" Pang-iinis kong tanong sa kanya at tiningnan yung rare view mirror. Nagtama ang mga mata namin pero hindi siya umiwas ng tingin. Seryoso siyang nakatingin at nagsimulang magsalita.
"Think whatever you want Sir. But I'm not giving up on you and this training's for your own good."
Natahimik ako at nakaramdaman ng tuwa sa sinabi niyang hindi niya ako susukuan. Umiwas nalang ako ng tingin baka mahalata pa niyang masaya ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Bodyguard
RomanceNaghahanda na sina Theo para sa bago nilang album at comeback. Pero dahil sa death threats na natatanggap niya mukhang mauudlot pa ang lahat. Maaring matapos nila ang lahat kung papayag siyang magkaroon ng bodyguard. Si Denise, ang kanyang personal...