Chapter Six: Unexpected Meeting

30 1 0
                                    

Mag dadalawang buwan na nang huling makatanggap kami ng package. Sulat lagi ang dumadating pero nakaka-inis lang dahil hanggang ngayon di namin alam kung sino nagpapadala. Hindi din kasi kita sa CCTV mukha niya at dito parin natutulog si Theo.

Nagising ako bigla sa kalagitnaan ng gabi. Naka sando at shorts lang ako, alam naman ni Miss Lorraine na babae ako kaya okay lang. Siya pa nga nagsabing kahit komportable man lang ako sa suot pag natulog ako. Pumunta ako sa kusina, nauuhaw kasi ako eh. Buti tulog na mga katulong, ayaw kong makita nila akong ganito ayos ko. Ang alam nila lalake ako, baka mahimatay pa si manang pag nakita akong ganito.

Theo's POV

Inaantok na ako pero hindi pwedeng matulog, baka dumating ngayong gabi yung stalker. Ganito din kaya kalala stalker ko, mukhang hindi naman kasi dalawang sulat lang natanggap ko hanggang ngayon. Matagal na akong hindi nakakatanggap ng sulat. Baka prank lang, si Tita Lorraine ang importante ngayon. Saka ko na problemahin kung sino mang stalker yan.

Kuha nalang muna ako ng kape sa baba para magising ako. Bakit bukas ang ilaw, baka si manang gising pa. Hindi naman mukhang si manang yung nakatayo sa ref. Naka shorts at sando, hindi ko lang makita masyado mukha. Naka yuko kasi, may kinukuha ata sa ref. 

Isa sa mga katulong siguro. Pero wow, kahit katulong makinis at ang puti. Sexy, yung boobs average lang. Dahan-dahan kaya akong pumunta sa likod. May tattoo pang star sa likod. Ay biglang umikot, parang nakita ko na siya, hindi ko lang alam kung saan, tinakip kasi 'yong baso sa mukha.

"Miss katulong ka ba dito?"

"Opo sir, pasensya na po. Kumuha lang po ako ng tubig." Hahaha, anong problema sa boses niya. Sexy sana kaso ka turn off boses niya. Parang inipit na ewan.

"Okay, patimpla nalang ako ngkape. Hintayin ko sa sala." Tumatawa pa rin ako nung iniwan ko siya. Ngayon ko lang kasi narinig boses na 'yon. Ano kayang itsura nya, mukhang ewan din kaya katulad ng boses niya. Baka sa kakatawa ko dito magising pa si Tita Lorraine sa taas. Sumasakit na nga din tyan ko.

"S-sir eto na po kape nyo." Bilis ah, masarap naman kaya.

"Ano pala-" saan na 'yon. Nagsasalita pa ako eh biglang umalis. Sayang hindi ko nakita mukha niya.

Mukhang may tao sa labas. Security siguro na nag-iikot. Buwisit na stalker yan, bakit si Tita Lorraine pa. Napakabuti niyang tao para makaranas ng ganito. Ang mga masasamang tao talaga hindi pinipili kung sinong pagtritripan. Lagot ka sa akin pag nahuli ka namin. Sisiguruhin kong mabubulok ka sa kulungan.

Nanonood ako ng movie ng makita kong bumaba si Dennis, saan naman kaya siya pupunta dapat binabantayan niya si Tita. Maya-maya may narinig akong ingay sa may likod mukhang may nag-aaway. Teka 'wag mong sabihing sina Dennis 'yon. Mabilis ako pumunta sa likod at binuksan yung pinto. Shit wrong timing, kamao ata 'yong papalapit sa mukha ko. Arrgh!

Denise' POV

Bago pa niya ulit ako kausapin, mabilis akong umakyat sa taas papunta sa kwarto. Akala niya di ko nakitang naka ngisi siya habang tinitingnan ako kanina. May pagka manyak ata ang kumag na 'yon. Kung bakit naman kasi ganito suot kong lumabas. 

Buti nalang medyo mahaba buhok ko at nilugay ko siya. Wala na kasi akong time magpagupit kaya man bun ang ginagawa ko sa hair style ko. Kung hindi ko lang naramdaman na may papasok sa kusina kanina baka nagka face to face pa kami.

Ang liwanag ng buwan sa labas, lumapit ako sa may bintana. May nakita akong gumalaw sa may garden, hindi naman pwedeng security 'yon kasi naka itim at parang may hinahanap.

Dali-dali akong nagbihis at pumunta ng garden. Nasaan na siya nandito lang 'yon kanina. May gumagalaw sa likod, baka siya yung stalker. Papalapit na ako ng bigla niya akong salubungin ng kutsilyo buti nalang mabilis reflexes ko at naiwasan ko. Sinipa ko siya sa tiyan at napa bulagta, maliwanag ang buwan pero nakatakip ang mukha niya.

"Sino ka! Anong ginagawa mo dito!" Tumawa lang siya at tumayo, sigurado akong siya ang stalker ni Miss Lorraine. Susunggaban ko na sana ulit pero biglang bumukas yung pintuan at nasuntok ko yung lumabas galing doon.

"Lintik anong ginagawa mo dyan. Nakatakas tuloy yung stalker!" Hinabol ko yung stalker hanggang sa naabutan ko siya sa may pader. Mabilis siyang nakaakyat papunta sa kabila, tumakbo ako papalabas ng gate pero nakasakay na siya sa kotse. Sayang dahil walang plate number ang sasakyan.

 Galit akong bumalik at lumapit sa lalake. Kung hindi sana sya biglang sumulpot di sana nahuli ko na yung stalker.

"Oh shit, my nose is bleeding. Gago ka ba tingnan mo nangyari sa ilong ko!" Si Theo pala 'yon. Buti nga sa kanya sagabal eh.

"What's going on. Oh my God, Theo what happened to you?" Nagising din pala si Miss Lorraine at pinuntahan si Theo.

"Siya Tita may gawa nito. May narinig kasi akong ingay dito kaya lumabas ako. Paglabas ko bigla niyang sinuntok mukha ko." Ano ba yan parang batang na agawan ng candy at nagsusumbong. Mukhang lampa talaga, ang ganda pa naman ng katawan.

"Miss Lorraine, may nakita akong umaaligid dito kanina kaya lumabas ako. May dalang kutsilyo at inatake ako. Sigurado akong siya ang stalker. Mahuhuli ko na sana pero biglang sumulpot si Theo, kaya ayon nakatakas." Tiningnan ko silang dalawa, oh di natameme kang kumag ka. Hindi ko napigilang tumawa ng malakas, napaka-epic ng mukha niya, nakanganga habang tumutulo ang dugo sa ilong niya.

"Anong nakakatawa?!" Ang sama ng tingin lalong nakakatawa.

"Sorry po, yung ilong nyo pa gamot na natin."

"Ayos ka lang ba Dennis? Sabi mo inatake ka ng kutsilyo."

"I'm okay Miss Lorraine. Nakaiwas naman po ako." Mukhang nagaalala siya, buti kahit galos sa katawan ko wala. Maliban lang sa kumag na to.

"Good to hear. Tara na sa loob ng magamot ka Theo."

Dumiretso ako sa control room. Chineck namin yung CCTV footage baka sakaling may makita kaming iba na kasama ang stalker. Sa likod siya dumaan, magisa lang siyang umakyat sa bakod. Walang masyadong nakunan sa CCTV maliban lang sa pagakyat niya sa bakod hanggang sa pagpunta niya sa garden. Binalikan ko sina Miss Lorraine sa sala, nag-uusap lang sila ni Theo.

"May nakita ba kayo Dennis sa footage?" Tanong sa akin ni Miss Loarraine. Nakita ko ang takot sa mukha niya.

"Wala po Miss Lorraine. Mukhang alam niya kung saan nakapwuseto ang mga CCTV camera. Kaya alam nya kung paano iiwas ang mukha niya." Nakita kong nakatingin si Theo. Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ako namatay. Humarap ako sa kanya anong akala niya natatakot ako sa mga titig niya.

"Sir Theo, sana lang po sa susunod 'wag na po kayong lumabas pag may gulo. Sagabal lang po kayo sa trabaho ko." Lalong umasim mukha niya, parang susugurin na ako.

"Theo tama na 'yan. Umakyat na tayo sa taas." Tumayo si Miss Lorraine at hinawakan ang braso ni Theo. Nakasunod lang ako sa likod nila.

"Miss Lorraine mas mabuti po na magdagdag tayo ng tao na mag-iikot sa mansyon."

"We'll do Dennis. Magpahinga ka muna ngayon. Bukas na natin pagusapan ang mga dapat pang gawin."

Natakot na siguro 'yon, pero hindi dapat makampante. Ang mga tulad niyang stalker ay handang pumatay at siguradong may binabalak 'yon.


My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon