Denise' POV
Inaya kong ako na ang maghatid kay Theo. Dahil alam kong kanina pang may nakamasid sa amin kanina sa park hanggang sa pagpunta sa bahay nila. Kung totoo ang sinasabi ni Theo na may stalker siya baka siya yung sumusunod sa amin kanina pa. Kaya pumayag na rin akong pumasok sa bahay niya dahil alam ko na nandoon parin siya nakamasid sa amin.
Kung hindi lang ako nakipagkaibigan sa kanya bilang si Dina baka hindi ako kinakabahan ng ganito. Malaki din pala ang bahay ni Theo. Wala masyadong security at si manang lang ang kasama niya sa loob. Loko pala 'to, alam nang may nagbabanta sa buhay niya eh ganito ka open ang bahay niya sa panganib.
Pero mas kinkabahan ako dahil nadito pala ang buong Neophyte sa bahay niya. Wow parang galing lang sila sa mangga. Mas gwapo sila sa personal. Ano kayang problema, parang gulat na gulat sila.
"Guys, I'd like you to meet Dennis. Dennis this is Argon, Travis, Dean and Vince." Sino bang hindi nakaka kilala sa kanila. Eh sikat kaya ang banda niyo worldwide.
"Hello guys, nice meeting you." Bakit ganoon parin itsura nila.
"Woah, totoo nga." Anong sinasabi nitong si Dean, anont totoo?
"Ah, anong ibig mong sabihin?" Curious naman ako. Baka kung anong kasinungalingang sinabi si Theo sa kanila.
"Feminine nga dating ng face mo. Pero ang angas ng aura mo." Wow flattered naman ako sa sinabi ni Vince.
"I'll take that as a compliment." Nginitian ko nalang sila.
"Maraming na i-kwento si Theo tungkol sayo." Napag-uusapan pala nila ako. Sana lang hindi niya ako siniraan.
"Ganoon ba Dean, hindi naman siguro ako siniraan ni Theo. Haha" Sige tawa lang, medyo awkward pa eh.
"Hindi naman, sa mga kwento niya mukhang ini-idolo ka niya" Sinabi ni Argon habang nginitian si Theo.
"That's not true. Idolo ka diyan, huwag mo silang pansinin Dennis." Nagtawanan nalang kami, defensive naman agad kasi itong si Theo.
Mukhang mabait naman pala sila. Lahat sila halatang maganda ang katawan, maliban kay Argon. Pareho lang ata kami ng size ng katawan, slim din. Napakinggan ko na rin ang ibang kanta nila at marami na akong nabasa tungkol sa kanila. Si Argon ang leader, rapper/vocalist ng grupo. Si Theo, mas bata ng isang taon kay Argon, siya naman ang main rapper ng grupo.
Si Tristan, kasing edad lang ni Theo, vocalist ng grupo at may pagka-RNB ang style ng boses niya. Si Dean naman ay vocalist din ng grupo, siya ata ang may pinaka-mataas na boses sa kanila. Panghuli si Vince, kasing edad ni Dean at mas bata kina Theo ng isang taon. Vocalist din siya, hindi man mataas tulad ni Dean pero mas soothing ang boses niya. O ha, hindi naman halatang konti lang alam ko sa kanila.
"Parang ang tahimik mo ata Dennis, may problema ba."
"Wala naman Argon, may naisip lang ako bigla."
"Huwag kang maniwala diyan. Sigurado akong ine-evaluate lang tayo niyan at sinusuri sa utak niya. Occupational hazard, hahaha."
Kainis 'tong Theo na ito kung anong pinagsasabi. Tama naman siya, hindi mapigilan eh. Nasanay na akong tingnan ang mga taong kausap ko at gaya ng sabi niya ine-evaluate ko sila. Maganda naman evaluation nila eh.
"Kailangan ba naming maghubad para full evaluation? Hahaha" Muntik na akong mabulunan, loko loko din pala itong si Vince.
"Hahaha, huwag na Vince. Sa ganda ng katawan ko baka mapahiya ka pa." Lul, isa pa 'tong si Dean, loko-loko din.
"Tingnan mo 'tong mga patpat na 'to nagpayabangan pa. Pag-untugin ko kayo sa muscles ko eh." Hahaha, maloko din pala 'tong si Tristan akala ko tahimik lang.
"Wow, baka umurong lang yang muscles mo sa six pack abs ko." Wahaha, pati si kumag sumali.
"Ako ba pinariringgan niyo?" Lahat kami tiningnan si Argon sabay tawa. Gaya ng sabi ko kanina siya lang ang slim sa kanila.
"Huwag kana magtampo Argon. Hindi mo kailangang magkamuscles dahil si Papa na bahala dun." Sabi ni Vince sabay kindat sa kanya.
"Magtapat ka nga Vince. Bakla ka ba at dinadaan mo lang sa biro?" Sagot ni Argon sa kanya. Napalunok tuloy si Vince, totoo ata eh.
"Hahaha, e di natahimik ka. Akala mo ikaw lang maruning mag-joke." Parang ewan lang 'tong si Argon, siya lang ata natawa sa joke niya.
Ako naman ang tiningnan ni Argon. Hala mukhang ako naman ang babanatan niya ng joke. Tatawa ba ako kahit hindi nakakatawa joke niya?
"So ano result ng evaluation namin?" Hay, akala ko magjo-joke. Bigla tuloy akong na stress dun ah.
"Mukha naman kayong mabait at kita ko gaano kayo ka close." Simplehan ko lang baka maparami sila ng tanong.
"Mukhang mabait lang? Akala ko sasabihin mong ako ang pinakagwapo sa lahat." Ayan umandar na naman si Vince.
"Gwapo naman kayong lahat." Ho, baka may umangal pag sinabi kung mas gwapo yung isa.
"Naks, gwapo ka pala Vince. Ngayon ko lang nalaman 'yon a." Ito na naman si Dean, tandem ata 'tong dalawa. Laging silang dalawa ni Vince ang nagsisimula ng kalokohan eh.
"Ikaw nga din Dean eh. Ngayon ko lang nalaman na gwapo ka. Hahaha" Ganito ba lagi ang usapan ng mga to.
"Pero seryosohan Dennis. Sino pinaka gwapo." Ay pinatay ulit ni Argon yung mood. Hindi ko alam kung sinasadya nya o sadyang pinapalibutan lang siya ng aura ng kaseryosohan.
"Si Theo ang pina-" Bwisit, caught off guard ako dun ah. Ang seryoso kasi nitong si Argon.
"Ayiee, si Theo daw. Hala-hala, namumula si Theo." Ngayon si Tristan naman ang nang-asar.
"Oy tama na yan. Kinikilig si Theo oh. Mamaya baka tumili yan." Wahaha, iba talaga mga banat nitong si Vince.
"Baka mapatili nga pag kinindatan ko." Syempre naki-join na rin ako sa tuksuhan.
"Hahaha, nice Dennis. Sige nga try mo baka mahimatay sa kilig yan." Marunong palang tumukso 'tong si Argon.
"Letse, tu-tumahimik nga kayo diyan. Kung anong pinagsasabi ninyo. Anong akala niyo sa akin bakla para kiligin?" Natawa nalang kaming lahat sa sinabi, nautal pa.
Puro naging biruhan ang naging usapan namin hanggang matapos kaming kumain. Masaya naman pala silang kasama. Nakalimutan ko ng panandalian na may nakasunod sa amin kanina pa. Nagpaalam na ako sa kanila kailangan ko kasing pumunta sa office bukas ng maaga. Hinatid na ako ni Theo sa labas.
"Salamat sa pag-imbita. I enjoyed their company."
"You're welcome bro. Tanong lang ha, bakit kanina ka pa pala hindi mapakali mula sa park hanggang dito sa bahay?"
"Mukhang kailangan mong magdagdag ng security dito sa bahay mo Theo"
"Ha, bakit?"
"Kanina pa kasi may sumusunod sa atin. Kung hindi man paparazzi eh baka stalker."
"Ganoon ba, thank you sa paalala"
"Wala 'yon, we're friends right?"
"Syempre naman. Tutal friends na tayo, pwedeng humingi ng favor?
Bigla akong kinabahan. Ano kayang favor ang sasabihin niya.
"Sure, ano 'yon?"
"Pwede kaya kitang maging personal na bodyguard?"
"Oh, sorry Theo ha. May nakuha na kasi akong ibang client. Pero subukan kong kausapin ang agency baka merong pwede doon."
"Sige bro, asahan ko yan."
Nakita kong biglang naging malungkot ang mukha niya. Parang naapektuhan ata ako, parang may kumirot nang makita ko siyang malungkot. Gusto ko man pero matagal ko nang hinintay na makakuha ng class A na client. Tama bang tinanggihan ko ang favor na hinihingi niya?
BINABASA MO ANG
My Lover, My Bodyguard
RomanceNaghahanda na sina Theo para sa bago nilang album at comeback. Pero dahil sa death threats na natatanggap niya mukhang mauudlot pa ang lahat. Maaring matapos nila ang lahat kung papayag siyang magkaroon ng bodyguard. Si Denise, ang kanyang personal...