Chapter Eight: Catching the Stalker

43 1 0
                                    

Denise POV

Ilang beses na kaming nagkikita ni Theo sa Dining area. Lagi pa rin akong naka shades, mamaya mahimatay pa siya pag nalaman niyang ako kausap niya. Nasabi ko kay Miss Lorraine ang lahat kaya alam niya. Parang excited pa nga siyang marinig ang mga kwento ko. Baka magtanong kasi si Theo sa kanya  kaya nagkwento ako. Kahit papaano alam ni Miss Lorraine ang sasabihin sa kanya.

Isang buwan na nang huling makatanggap kami ng sulat o package galing sa stalker. Mas lalo akong kinabahan, kapag ganito siguradong may binabalak siyang masama at naghahanap ng tyempo para maisagawa ang plano niya. Maya-maya may dumating na sulat sa mansyon. Binasa ko sa harap ni Miss Lorraine at Theo. 

Seryoso silang nakatingin sa akin. Pero si Theo asar pa rin sa akin. Nakakairita lang siya minsan dahil ang yabang niyang umasta at akala mo kung sino. Ibang-iba ugali niya kapag nakakausap ko siya tuwing gabi. Doble kara ata 'to, kaya hindi ko alam kung seryoso siya sa sinabi niyang friends daw kami. Baka may ibang gusto to. Nakita kong inip na sila kaya binasa ko na yung sulat.

Na-miss mo ba ako Lorraine? Huwag kang mag-alala malapit na kitang kunin. Siguradong matutuwa ka sa gagawin ko sa 'yo. Ipapakita ko ang langit sayo, ang langit na matagal mo nang hindi nararanasan simula ng mamatay asawa mo.

Nagpintig mga tenga ko. Napuno ako ng galit sa taong ito. Ano bang nagawa ni Miss Lorraine para itrato siya ng ganito? Nakita kong tumulo ang mga luha ni Miss Lorraine. Ramdam ko ang galit at puot sa mga mata. Sa galit ko nilukot ko ang sulat.

"May masama ba akong nagawa sa kanya? Bakit kailangan niyang idamay ang asawa ko dito?"

"You don't deserve this Tita. Dennis and I will protect you." Napasuntok siya sa pader. Naiintindihan ko ang galit niya.

"Tama po si Theo, Miss Lorraine. Hindi namin hahayaang may masamang mangyari sa inyo."

Pinakalma muna namin si Miss Lorraine at hinayaang magpahinga sa kwarto niya. Lumabas kami ni Theo ng kuwarto at nag-usap.

"Dennis, simula ngayon dalawa na tayong matutulog sa kwarto ni Tita." Ano?! Makakasagabal ka lang eh. Sasabihin ko sana sa kanya 'yon pero sa galit na nakikita ko at sa sitwasyon namin ngayon. Kalimutan muna namin ang mga bangayan namin.

"Kaya ko na siyang bantayan mag-isa, Theo. Huwag kang mag-alala hindi ko papabayaan si Miss Lorraine."

"Hindi Dennis, alam kong mas malakas ka sa akin pero gusto ko parin na bantayan si Tita. Huwag kang mag-alala hindi ako magiging sagabal.

"Buti inamin mong mas malakas ako sayo." Pabulong kong sinabi sa sarili ko. Baka magwala eh.

"Anong sabi mo?" Ay mukhang narinig ata.

"Sabi ko okay. Simula ngayon sabay na natin siyang bantayan." Bumalik na ako sa kwarto ni Miss Lorraine baka kung ano pang masabi ko at mag-away na naman kami.

Sinabi namin kay Miss Lorraine ang kasunduan namin ni Theo. Ayos lang naman sa kanya. Mukhang okay na siya. Kung hindi man ngayong gabi darating ang stalker. Dapat pa rin kaming maging handa. Makikita ng stalker na yan, manghihiram siya ng mukha sa aso.

"Dennis dito na ako sa sofa matutulog. Dun ka sa sahig." Ay! Kung hindi lang ako mabait nasapak ko na 'to.

"Theo hayaan mo nang matulog si Dennis sa sofa. Dito ka nalang sa sahig malapit sa kama ko. Ipapa-ayos ko kay manang para maging kumportable ka." Buti pa si Miss Lorraine ang bait. Doble kara talaga tong kumag na 'to akala ko mo kung sinong mabait pag kausap si Dina hindi pala.

"Okay lang po Miss Lorriane. Akon nalang po matutulog sa tabi ng kama niyo."

"Sigurado ka ba Denise" Pabulong niyang sabi sa akin. Concern talaga siya sa akin. "Okay lang po Miss Lorraine" Pa bulong ko ding sagot sa kanya baka marinig ng kumag mahirap na.

Hindi ako makatulog kakaisip kung anong maaring gawin ang stalker. Naalala ko tuloy si Mommy, kung malakas lang sana ako noon. Sisiguraduhin ko ngayon na proprotektahan ko kaibigan ni Mommy. Hindi ko hahayaang masaktan siya, kung noon wala akong nagawa hindi na ngayon. May tumulo ng mga luha sa mata ko, nakakahinayang lang na wala si Mommy ngayon.

"Umiiyak ka ba?" Loko, gising pa pala 'tong kumag na to.

"Hindi, napuwing lang."

"Sabi mo eh.

Magkalapit lang ang sofa sa kama kaya kahit mahina boses namin naririnig pa rin namin ang isa't isa.

"Pasensya ka na Dennis kung masyado akong masungit o mayabang. Hindi ko lang kasi matanggap na wala akong magawa para kay Tita." Naks, mabait naman pala. Buti inamin niyang masungit at mayabang siya.

"Ayos lang. Basta 'wag kang sagabal kung sakaling may mangyaring gulo. Ayaw kong pati ikaw intindihin ko." Masakit man marinig pero 'yon ang totoo.

"I know, hindi mo na kailngang sabihin. Ikaw ang may experience sa mga ganito kaya hindi ako magiging sagabal."

Himala hindi siya nagalit at nakipag-away. Siguro nga yung ugaling pinakita niya kay Dina ay totoo.

"Theo, kung sakali man talagang may mangyaring gulo. Ako na bahala sa stalker, bantayan mo si Miss Lorraine." Kahit paano may magagawa siya para makatulong.

"Sige Dennis, makakaasa ka."

"Thank you boys. I'm blessed to have you guys protecting me. Masaya akong magkasundo na kayo." Gising pala si Miss Lorraine. Ibig sabihin kanina pa niya naririnig usapan namin.

Tumahimik ang paligid. Bigla akong kinabahan, may tao sa labas. Nagbilin ako sa mga katulong kanina na huwag silang aaligid sa labas ng kwarto ni Miss Lorraine. Teka, baka siya na yan. Humanda ka, gumising ako at lumapit kay Miss Lorraine.

"Dito lang po kayo Miss Lorraine. Theo samahan mo siya dito."

"Bakit Dennis anong meron." Tanong ni Theo habang lumapit agad kay Miss Lorraine.

"Hinaan mo boses mo. Siguradong nasa labas siya. Magtago kayo dun sa sulok." Sumunod agad sila sa utos ko at nagtago sila sa madilim na bahagi ng kuwarto. Ako naman humiga ako sa kama at aabangan ko siya. Mahirap na baka hindi lang kutsilyo ang dala niya. Alam kung hindi niya agad sasaktan si Miss Lorraine dahil meron siyang ibang balak.

Dahan dahang bumukas ang pinto at may lumapit sa kama. Nakasilip pa rin ako sa kumot, maliwanag ang buwan ngayon kaya nakita ko mukha niya. Teka san ko nakita ang taong 'to. Umupo siya sa tabi ng kama at hinawakan niya binti ko. Buwisit manyak talaga.

My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon