Denise' POV
Eto na, Class A ang client at siguradong mas seryoso 'to. Buti at pinagkatiwalaan ako ni Daddy para sa client na 'to. Sana lang hindi ako pumalpak.
"Denise, nan dito ka na pala." Kumaway si Bryan sa akin. Nandito na pala siya. In fairness hunk 'tong pinartner sa akin ni Daddy.
"Kumusta Bryan. Tungkol sa client natin bukas."
"Ah oo, nabasa ko na profile niya. Bigtime 'tong isang 'to. Maraming gustong maki-partner sa kanya. Pero karamihan illegal ang gustong mangyari. Kaya inaayawan lahat ni Mr. Yuan."
"Sila siguro ang mga nagtatangka sa buhay."
"Tama ka, meron ding iba. Alam ni Mr. Yuan na may tao rin sa loob ng company ang may balak ng masama sa kanya."
"Iyan ang mahirap kapag masyadong mayaman. Marami din ang nagtatangka sa buhay mo."
"Mas malala ata tayo. Mas marami atang gustong makaganti sa atin."
"Sabagay may point ka dyan."
"Kaya hanggat maari mahuli ang lahat ng kalaban para walang makatakas para balikan ka."
Biglang naging seryoso ang mukha ni Bryan. Bago ako pumunta dito nagre-search na ako tungkol sa kanya. 7 years na siya sa agency. Kahit mas matanda siya sa akin ng 2 years maaga siyang nagtrain at naka pasok sa agency. Kaya siguro siya ang pinili ni Dad na maging partner ko. Marami na siyang experience at siguradong marami akong matutunan sa kanya.
"Buti pinyagan ka ni Boss na makapasok sa agency."
"Pinilit ko lang si Dad, matagal ko na siyang pinipilit bago siya pumayag."
"Siya ba mismo ang nag-train sayo? Hindi kita kasi nakikita sa gym tuwing training session noon. Ngayon lang."
"Ah, oo siya na mismo nag train sa akin."
"Ibig sabihin malakas ka rin. Si boss kaya pinaka malakas sa agency."
"Hindi nga, ang alam ko nasa office lang siya palagi."
"Ang Dad mo mismo ang kaone-on-one namin bago makakuha ng class A na client. Bibigyan kami muna ng class B na client. Pag naka pasa kami sa evaluation siya ang susunod na magbibigay ng evaluation namin.'
"Woah, ngayon ko lang nalaman 'yan. Marami na kayong nakatanggap ng class A na client. Ibig sabihin mas malakas kayo sa kanya."
Hindi ko alam na ganoon pala ka seryoso si Dad. Ang dami ko pa palang hindi alam tungkol sa kanya. Buti at nakausap ko si Bryan. Mas nakikilala ko ang ibang katauhan ni Dad. Hindi bilang isang ama kundi bilang ang boss ko sa trabaho. Kilala ko lang siya bilang isang mapagmahal at mabait na ama.
"Isa palang ang naka talo sa kanya sa evaluation. Hindi man namin siya matalo, nasukat na niya kung ano kaya namin."
"Nakakatakot pala si Dad. Sino nakatalo sa kanya?"
"Ahem, ako lang naman. Hahaha" Wow ha, nagyayabang ata to. Kasasabi niya lang kanina na natalo sila eh.
"Minsan ko lang siya natalo. Pero nakatyamba lang. Hindi na naulit ang panalong 'yon. Pero kung dati eh tapos na agad ang laban namin, ngayon eh, napapatagal ko na"
"Tyamba man o hindi natalo mo pa rin siya."
Marami pa kaming napagusapan tungkol kay Daddy. Simula ngayon sa gym na ang training. Gusto kong makita mismo kung paano makitungo si Dad sa kanila. Stricto siya noon sa akin tuwing training. Pero baka mas stricto pa siya sa mga tauhan niya.
Bumalik na kami sa agency at diretso akong pumunta sa gym. Maraming bagong trainee ngayon ang nagsasanay. Nakita ko si Dad at may kaone-on-one siya kaya kinawayan ko lang siya sa tabi. Tiningnan ako ng ibang tauhan na nanonood sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Bodyguard
RomanceNaghahanda na sina Theo para sa bago nilang album at comeback. Pero dahil sa death threats na natatanggap niya mukhang mauudlot pa ang lahat. Maaring matapos nila ang lahat kung papayag siyang magkaroon ng bodyguard. Si Denise, ang kanyang personal...