Chapter Four: The First Client

30 1 0
                                    

Maaga akong nag-report sa office ni Daddy. May mga binigay na rules at binigay niya ang uniform ko. Wow ha, parang militar lang ang style ng uniform all black nga lang. Mas okay nga to kaysa sa suit na uniform, pano ka kaya lalaban dun, slacks, polo, necktie at dress shoe? Mas astig 'tong uniform na ito, mas komportable sa katawan at galaw.

"Okay Denise, dumiretso kana sa bahay ng client mo. Good luck, ija" Sabi sakin ni Daddy sabay tapik sa balikat ko.

"Thank you, Dad. I'll make you proud." Ngiti ko sa kanya, natawa pa siya. Bakit anong nakakatawa dun. Napasimangot tuloy ako.

"I'm already proud." Nginitian nalang niya ako. Ang sweet talaga ni Daddy, kahit minsan lagi akong inaasar.

"Siya nga pala ija. Huwag mong sasabihin na anak kita ha, baka magalit Tita Lorraine mo. Sugurin pa ako dito." may ganon. Mukhang close sila ng first client ko. Ilang lang akong tawagin siyang Tita, kikilalanin ko muna.

Sumakay ako sa motor ko papunta kay Lorraine Torres. Ang laki ng mansion niya, mas malaki sa bahay namin. Malaki din naman bahay namin pero di hamak na mas malaki to, mansyon kaya. Biglang may nagsalita sa tabi, may speaker pala sa tabi ng gate.

"Sino po sila?" Boses ng isang lalaki ang nagtanong.

"Galing po ako sa Lao Executive Protection. May appointment po ako kay Miss Lorraine ngayon."

Biglang bumukas yung gate. Wow, automatic pala gate nila. Nasaan kaya kausap ko kanina? Pagdating ko sa harap ng mansyon may isang lalakeng nakatayo sa labas. Siya siguro kausap ko kanina.

"Sir, hinihintay po kayo ni Miss Lorraine sa loob."

Ano daw, sir?! Oo parang, naka military suit ako at naka pixie cut ang hair ko. Pero mukha ba akong lalaki, nakakainsulto ha. Wow mas maganda sa loob, mas malaki palang tingnan sa loob. Masyado naman atang malaki 'tong mansyon kung mag-isa lang siya. Inalalayan ako sa loob, papunta sa isang kwarto. Unang floor palang pero andaming kwarto. Baka maligaw ako dito.

"Miss Lorraine, nandito na po 'yong galing sa LEP."

"Okay, papasukin mo." Ang malumanay ng boses niya. Pagpasok ko naka upo siya sa isang upuan malapit sa bintana.

I think I just saw a goddess. Ngumiti siya sa akin. Mas maganda pala siya sa personal.

"Oh, what a pretty boy. Hindi ko alam na bagets pala ipapadala nila. I think they're not taking  this situation seriously." Nakaupo parin siya habang nakatingin sa akin. Pretty daw, salamat ha, sana kahit wala na yung boy. Haha

"Miss, I'm one of the best in my agency. That's why they sent me here." Oh ha, one of the best daw. Ayaw ko namang ma-disappoint siya at magalit. Baka maudlot pa first assignment ko.

"I see, you talk like a girl." Nakangiti pa rin siya. Tumayo siya at tiningnan ako ulo hanggang paa, mas lalo akong kinabahan. "Maganda ang concept ng uniform niyo. Military style, sabagay baka mas madaling kumilos dyan kaysa sa naka slacks at dress shoe."

I know right, mukhang magkakasundo kami ni Miss Lorraine. Pareho kami ng nasa isip eh.

"But your uniform won't suit my appointments. You're not going to a war dear. Halika dadalhin kita kay Alex, since I'm free today. By the way, what's your name, ijo?" Oh my, akala talaga lalake ako, at least pretty boy daw. Porket galing sa isang protection service o bodyguard kailangang lalake na. Kinakabahan ako lalo, sino naman si Alex?

"I'm De - Denise Miss" Nautal tuloy ako bigla at natawa tuloy siya.

"Dennis? Nice name, follow me then." Muntik na akong matawa, mukha ba talaga akong lalake, Dennis na pangalan. Sa bagay mas madali siguro 'yon kung akala niya lalake ako baka lalong ma-disappoint kapag nalaman niyang bababe ang ipinadala ng agency sa kanya.

My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon