Chapter Twenty Three : New Assignment

17 1 0
                                    

Denise POV

Tatlong linggo na akong nakapag-pahinga. Magaling na rin ang balikat ko at handa na ako sa bagong client. Pinatawag ako ni Dad ngayon dahil meron na akong bagong client na naghihintay.

"You called for me, Dad?" Sinilip ko siya sa may pintuan. Mukhang busy siya sa binabasa niyang papel.

"Nan diyan kana pala. Sige maupo ka muna at kukunin ko ang profile ng bagong client mo."

Inabot niya sa aking ang isang folder. Bago pa man ako pumunta dito ay may ideya na ako kung sino ang magiging client ko. Kaya hindi na ako nagulat ng basahin ko ang laman ng folder.

"Kilala mo naman na si Theo Calderon. Kaya hindi kana mahihirapang mag-adjust sa kanya." Tumingin siya sa akin habang nakangiti. Iba ang ngiti niya ngayon parang may ibiig sabihin pero hindi ko alam kung ano.

"Gaya ng nasa profile niya, almost 15 months na siyang nakakatanggap ng threats."

"And he was attacked two weeks ago. Mukhang hindi nila naisama ang insidente na yun dito sa profile niya."

"Ah oo naitawag na sa akin ni Jack yan. Last month pa kasi yang profile na yan. Itinago ko muna habang hinihintay yung request nilang bodyguard. Hindi kasi siya available that time."

Pati ata company ni Theo may sayad. Pinagbabantaan na siya eh nagawa pa nilang maghintay para sa bodyguard na gusto nila. At sino naman yun, ako?

"What?! Naghintay sila ng lagpas isang buwan para lang hintayin ako? Delikado ang lagay ni Theo, bakit hindi nalang sila naghanap ng iba."

"Affected ka masyado anak. At sigurado ka na ikaw yung ini-request?" Pang-aasar na tanong sa akin ni Dad. Bakit hindi ba?

"Eh bakit sa akin niyo po ibinigay?" Kala niya papatalo ako sa pang-aasar niya ha.

"Hahaha, biro lang ija. May kinuha naman silang pansamantalang bodyguard habang hinihintay ka. Paano mo nalaman na may umatake sa kanya eh pilit nilang itinago yun sa press?"

"Ako po yung tumulong sa kanya." Mukhang hindi nasabi ni Tito Jack ang tungkol doon.

"Wow that's destiny. Sa dinami rami ng tao eh ikaw pa yung nandoon para tulungan siya. Mukhang destined si Theo na maging client mo." Sabay ngiti sa akin. Ano na naman ba ang iniiisip ni Dad parang hindi ko gusto.

"Pwede ba Dad. Napadaan lang ako dahil yun ang ruta pauwi sa bahay."

"Exaclty. Out of all the people eh ikaw yung napadaan. Bakit ija ayaw mo bang tanggapin yang trabaho?"

"Tatanggappin ko po Dad. Inaasahan ko na kasing ito ang next na assignment ko. Noong una ayaw ko po pero sa nagyaring pag-atake sa kanya two weeks ago eh napaisip din ako."

"Mukhang concern ka masyado kay Theo. May gusto ka ba sa kanya anak?"

"Ayan ka na naman Dad. Magkaibigan lang po kami ni Theo at dahil kaibigan ko siya kaya concern ako."

"Kaibigan o ka-ibigan?" Eto na naman siya sa mga pang-aasar niya.

"Dad naman eh. Sige po hindi ko nalang tatanggapin tong client na to."

"Hahaha, hindi ka naman mabiro anak. Ang totoo niyan may iba ring dahilan kung bakit siya ang ibinigay ko na client mo."

"Ano pong ibig niyong sabihin Dad?"

"Nang makita kitang duguan sa ospital. Natakot ako anak, na baka dumating ang araw na hindi na sa balikat mo tatama ang baril. Alam kong handa ka na sa Class A na client pero hindi pa ako handa anak."

Nalungkot ako sa mga sinabi ni Dad. Maluluha na sana ako pero pinigilan ko.

"Kaya simula ngayon anak, less dangerous clients na ang ibibigay ko sayo."

"But Dad, I can handle it. Mas lalo po akong mag-iingat sa susunod."

"Anak, sana maintindihan mo. I know it's your dream but you have to meet me halfway." Ang deep na masyado ni Dad. Naiintindihan ko naman kong anong gusto niyang mangyari.

"Papayag akong magtrabaho ka sa LEP pero dapat class B client nalang. Delikado pa rin naman ang class B clients pero hindi sila ganoon kadelikado sa Class A. Nawala na sa akin si Sabrina at ayaw kong pati ikaw ay mawala. Please, Denise."

Nakita ko ang kirot sa mga mata niya. Hindi man ako payag pero ayaw kong saktan ng ganito si Dad. Hindi ko alam na ganoon pala ang nasa isip niya tuwing nasa trabaho ako.

"Okay po Dad, pumapayag na ako. Pero ito na ang huling celebrity na hahawakan ko. Kahit sinong client sa Class B huwag lang artista." Tumango lang si Dad.

"Tumawag nga pala si Jack. Pwede ka nang magstart the day after tomorrow. Kaya may isang araw ka pang pahinga."

Umuwi na ako pagkatapos naming mag-usap ni Dad. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko. Magiging strict ako kay Theo kung kinakailangan. Mag-away man kami o hindi. Trabaho ay trabaho.


My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon