Theo's POV
Hindi ako makatulog, iniisip ko pa rin ang nangyari two days ago. Galit ako sa sairili ko dahil ako ang naging dahilan kaya nakatakas siya. Tama si Dennis, naging sagabal lang ako sa kanya. Nakakainis lang aminin na tama ang kumag na 'yon. Ang yabang niya, akala mo kung sino. Malay ko bang doon sila nag-aaway.
Pumunta nalang ako sa kusina at kumuha ng maiinom. Lalong nag-iinit ulo ko kapag naalala ko ang mga nangyari. May tao ba sa kusina? Huwag mong sabihin na yung katulong ulit na 'yon ang nandyan. Tiningnan ko siya, naka pajama. Haha, nagbalot na ata siya. Baka nakita niya sigurong tinitigan ko siya noon. Buwisit baka akala niya manyak ako.
"Miss ikaw ba yan?" Lalong akong natawa, anong trip ng isang to. Naka-shades sa kusina at gabi na kaya. Where's the sun? 'Di ko tuloy mapigilang tumawa ng malakas.
"Bakit ka nakashades sa kusina?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin. Biglang bumilis tibok ng puso ko sa ngiti niya. Ang ganda at kakaiba ang ngiti niya parang may pinapahiwatig.
"Baka magulat po makakita sa akin Sir kaya nag shades na ako." Pinipigilan kong tumawa, ganoon parin boses niya. Ayaw kong ma-offend siya kaya kumalma lang ako.
"Bakit parang hindi kita masyadong nakikita dito sa mansyon?"
"Part-time lang po ako Sir dito." Oh God help me, gusto kong matawa pero nagpipigil lang ako.
"Ah ganoon ba? Anong pangalan mo miss?" Hindi naman halatang masyadong interesado ako sa kanya di ba?
"Deni- Dina po Sir." Sabi niya sabay ngiti sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ngiti lang pero ganito na nararamdaman ko.
"Theo nalang Dina. Huwag mo na akong tawaging Sir. Mukhang close lang naman edad natin. Friends?"
"Okay Theo. Friends." Ngumiti ulit siya sa akin. Sana lang nakikita ko mga mata niya. Ano kayang ibig niyang sabahin na magugulat ako pag nakita ko mata niya.
Huwag mong sabihin na nakakatakot mata niya. Hindi naman siguro, sa ganda ng ngiti niya siguradong maganda din mata niya. Baka nahihiya lang. Umupo kami sa may dining table habang nag-uusap at umiinom ng kape. Masarap pa rin timpla niya.
"Bakit part-time kalang dito Dina? May ibang trabaho ka ba?" Sorry ha, mausisa lang. Mukhang ayos lang naman sa kanya .
"Nag-aaral ako, fine arts."
"Talaga? May mga napinta ka naba?"
"Meron pero nasa bahay lang."
"Puwedeng makita? Mahilig kasi akong pumunta sa mga art gallery. Gusto kong matutong magpinta pero walang talent eh."
"Sige Theo, next time papakita ko sayo"
"Nice. Tanong ko lang ha. Wag kang ma-offend. Bakit nga pala may tattoo kang three star sa likod mo?" Feeling close na ako sa mga tinatanong ko. Baka mainis na siya.
"Ah nakita mo pala." Almost choked on that one. Baka akala niya manyak talaga ako.
"Para sa kaibigan ko 'yon. May sakit siya at may taning na ang buhay niya. Tatlo kaming magkakaibigan kaya tatlong star."
"Ganoon ba, sorry hindi ko alam." 'Yan kung makausisa kasi. Tuloy nasira ang mood okay na sana eh.
"Nag-decide kaming tatlo na magpatattoo ng ganito para sa kanya. Para lagi namin siyang maalala kahit wala na siya." Parang inipit na ewan ang boses niya pero ramdam ko ang lungkot habang nagku-kuwento siya. Aish! Dapat kasi hindi na ako nagtanong.
"Sorry ulit. Dapat hindi na ako nagtanong."
"No, it's okay. Tanggap na namin ang mangyayari."
"Di ba may inaayos kayo ngayon para sa bagong album nyo? Bakit nandito ka?"
"Oo meron, pero masyado akong nagaalala kay Tita Lorraine. Gusto ko siyang bantayan kaya dito na muna ako natutulog."
"Paano preparations, hindi ba nakakasagabal?"
"Hindi naman, the guys knows it and they understand. Gusto nga rin nilang pumunta dito pero pinigil ko lang sila."
"Ang bait nyo naman. Ganyan pala kayo ka concern sa kanya."
"Parang siya na kasi ang tumayong ina namin noong trainee palang kami."
"Ang bait talaga ni Miss Lorrraine." Ngumit ulit siya sa akin. Hindi ko alam pero sa mga ngiti niya parang tinamaan ata ako. Hindi naman siguro, tinamaan agad baka natutuwa lang.
Marami pa kaming pinagusapan ng gabng 'yon. Buti nalang nagka kuwentuhan kami at nakalimutan ko galit ko sa kumag na 'yon. Kailan ko kaya siya ulit makikita. Ang sarap niyang kausap, ang gaan na ng loob ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Bodyguard
RomanceNaghahanda na sina Theo para sa bago nilang album at comeback. Pero dahil sa death threats na natatanggap niya mukhang mauudlot pa ang lahat. Maaring matapos nila ang lahat kung papayag siyang magkaroon ng bodyguard. Si Denise, ang kanyang personal...