Bernard's POV
Maayos na natapos ni Denise ang unang trabaho niya sa agency. At tulad ng napagkasunduan namin bibigyan ko siya ng Class A na client kung maganda ang resulta. Hindi ko alam kung tama ba 'tong desisyon ko na hayaan siyang magtrabaho para sa agency. Pumayag lang ako noon na sanayin siya.
Para matuto siyang ipagtanggol ang sarali niya kung sakaling wala ulit ako sa tabi niya. Nakita ko kung paano niya sisihin ang sarili niya sa nangyari sa Mama niya. Ako man ay sinisisi ko ang sarili ko kung bakit wala ako sa tabi nila kung kailan kailangan nila ako. Hindi niya dapat sisihin ang sarili niya bata lang siya noon.
Pero nang sabihin niyang pangarap niyang magtrabaho dito at humalili sa akin wala na akong nagawa. Bilin ni Sabrina bago siya mamatay na suportahan ko lahat ng pangarap ng anak namin. Wala akong tutol doon, kahit anong gusto niya ibibigay ko pero ang magtrabaho para sa agency.
Biglang nag-ring ang phone. Kung kailian nagsesenti ako saka may isturbo.
"Lao Executive Protection. Hello?"
"Hello? Bernard si Jack ulit to."
"Napatawag ka? Anong meron."
"Tungkol sa bodguard na tinawag ko. May tauhan ba kayong may pangalang Dennis?"
"Dennis? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na 'yan ah."
"Siya daw ang dating bodyguard ni Lorraine."
"Ah si Denise. Bakit mo natanong si Denise?"
"Ano inaanak ko ang naging bodyguard ni Lorraine?! Nababaliw ka na ba Bernard?!"
"Pare, kalma lang. Hahaha, pareho kayo ng reaction ni Lorraine"
"Anong kalma lang. Napaka delikado ng trabaho na 'yan bat mo siya pinasok diyan."
"I know. But Denise insisted. Pangarap niya ito pare. Wala na akong nagawa. Nagbilin si Sabrina bago siya mamatay. Kung ano man ang maging pangarap ng anak namin ay dapat kung ibigay."
"I see, ano pa nga bang magagawa natin. Pero bakit Dennis ang tawag sa kanya. Akala ko tuloy lalake eh."
"Naikwento na sa akin ni Denise. Napagkamalan siya ni Lorraine na lalake sa ayos niya. Kaya tinuloy niyang magpanggap."
"Talaga 'tong si Lorraine. Sa ganda ng inaanak ko pinagkamalan niyang lalake."
"Mana kasi sa tatay na gwapo. Hahaha."
"Hay nako Bernard. Baka tuluyang mag astang lalake yang inaanak ko."
"Pumayag ako kasi may katwiran naman ang dahilan niya. Mas makakabuti na ang alam ng clients na lalake siya. Baka mag-alangan sila pag nalaman nilang babae siya."
"Sabagay. So Bernard, hindi ba pwedeng siya na rin ang kunin ko."
"Kausapin ko muna si Denise, Pre"
"Ganoon ba. Sige, tawagan mo nalang ako kung anong update."
"Sige Jack.
Maswerte ako na may mga tao akong maaasahan na titingin kay Denise kung sakali mang mapahamak ako. Tanggap ko na ano mang oras eh pwede akong mawala. Nag-aalala lang ako para kay Denise. Pero mukhang magiging maayos siya kung sakali mang mawala ako. Sana lang matagal pa 'yon. Gusto kong makitang magkapamilya muna si Denise.
Sino na naman yang kumakatok. Nagsesenti ako sabi dito eh.
"Pasok"
"Boss, pinatawag niyo po ako."
"Bryan upo ka. Dahil ikaw ang pinaka magaling sa agency ikaw ang itatalaga kong partner ni Denise."
"Yes, Boss"
"Dahil ito ang unang class A client niya inaasahan kong marami kang maipapakita at maituturo sa kanya"
"Makakaasa po kayo Boss"
Nag-uusap kami ni Bryan ng pumasok si Denise sa office.
"Dad, pinatawag niyo po ako?"
"Mabuti at nandito ka Denise. Meet Bryan, siya ang magiging partner mo simula nagyon."
"Yes, Dad. Nice meeting you Bryan."
"Same here, Denise"
"Maupo muna kayong dalawa. I-aasign ko sa inyong dalawa si Mr. Richard Yuan." Binigay ko ang profile niya sa kanilang dalawa.
"Si Mr. Yuan ay may-ari ng isang gun factory around Asia. Darating siya dito sa Pilipinas tomorrow galing China at kayo ang aalalay sa kanya. Maasahan ko ba kayong dalawa?"
"Yes, Boss!" sabay na sagot nila. Good mukhang handa na naman sila. Veterano na si Bryan kaya kampante akong siya ang partner ni Denise.
"You may go, mag-usap muna tayo Denise."
Tuwing nakikita ko si Denise, hindi ko alam kung dapat ba na hinyaan ko siya sa gusto niya.
"Dad, what's wrong. Bakit mukhang may ina alala po kayo."
"It's nothing ija. Sigurado ka bang gusto mo ang trabaho na 'to. Hindi pa huli ang lahat para umatras ka."
"No Dad, I've made my decision from the day you started training me. No worries Dad, I can do it."
"Hindi mo maalis ang mag-alala ako, I'm your father."
"And I'm thankful for it. Dahil suportado niyo po ang mga desisyon ko. But trust me Dad, I'll be fine."
"I trust you Denise. You may leave now. Mag-usap kayo ni Bryan para bukas."
"Okay Dad. And thank you very much."
Sana lang hindi ko talaga pagsisihan ang desisyon na 'to. Sabrina ikaw na ang bahala sa anak natin. Lagi mo siyang babantayan.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Bodyguard
RomanceNaghahanda na sina Theo para sa bago nilang album at comeback. Pero dahil sa death threats na natatanggap niya mukhang mauudlot pa ang lahat. Maaring matapos nila ang lahat kung papayag siyang magkaroon ng bodyguard. Si Denise, ang kanyang personal...