Chapter Two: Denise Lao's Story

41 1 0
                                    

Kami ang may-ari ng Lao Executive Protection para sa mga personal bodyguards. Hindi 'to basta bastang protective services lang dahil mahal ang service namin. Hindi lang naman dahil mahal kundi dahil sa mga clients namin. Dalawang klase ang clients namin. Class A, mga multi-billionaire businessmen at Class B, mga celebrities o mayayaman na tao pero hindi gaanong kasing yaman ng class A. Highly trained at skilled mga tauhan ni Daddy.

Hindi ganoon kadaling training pinagdadaanan nila. Ibat ibang deadly weapons din ang itinuturo sa kanila. Dapat lang kasi kadalasang nagtatangka sa mga clients namin eh mga drug lord, smugglers, mafia o sinu-sino pang kriminal na gustong makuha pera nila o patayin sila.

Dati ayaw ni Daddy na turuan ako kasi hindi daw para sa akin iyon. Prinsesa turing sa akin ni Daddy kaya nagagalit siya kapag pinipilit ko na turuan niya ako. Pero noong nine years old ako, may mga masasamang tao na pumasok sa bahay namin, kami lang ni Mama, mga katulong at ilang guards. Nasa business trip si Daddy sa Japan noon.

Flashback

May narinig akong putukan ng baril sa labas. Agad akong tumakbo sa kuwarto at hinanap si Mommy.

"Mommy?" nakita ko si Mommy takot na takot at umiiyak. Binuhat nya ako at dinala sa closet. May secret door doon, pinasadya ni Daddy para kung sakaling may gulo may pagtataguan kami.

"Denise, stay here okay and don't make a noise. Whatever you see or hear don't come out. I'll comeback to get you." Sabi ni Mommy at narinig ko siyang lumabas ng kuwarto.

"Sino kayo?! Anong kailangan nyo?!" Narinig ko si Mommy may kausap sa labas at mukhang galit yung kausap niya.

"Nasaan si Bernard Lao?!" Galit na tanong ng isang lalake. Si Daddy ang hinahanap nila.

"Bitawan mo ako! Wala si Bernard dito! Nasa business trip siya!" Narinig ko si Mommy sumisigaw at pumasok sila sa loob ng kuwarto. Pumapatak ang mga luha ko pero tinakpan ko mga bibig ko ayaw kong marinig nila ako.

"Sinungaling! Kung ayaw mong mamatay sabihin mo kung nasaan siya!" Narinig kong may bumagsak sa sahig.

"Nagsasabi ako ng totoo wala si Bernard dito."

"Ayaw mong magsalita?" Nakarinig ako ng isang putok ng baril. Si Mommy! Tumakbo ako palabas ng closet. Nakita ko si Mommy duguan sa sahig. Nakatayo sa harap niya ang isang lalaking nakamaskara at may hawak na baril.

"Mommy you're bleeding!" Umiiyak akong lumapit sa kanya. Ang dami ng dugong lumalabas sa kanya. Hinawakan ni Mommy mukha ko at ngumiti siya.

"Denise, you're a bad girl. You didn't obey Mommy. Do - don't cry dear Mommy's alright. E-everything's going to be alright.." Ngumit siya at pinikit ang mga mata niya. Narinig kong tumatawa yung lalakeng nakatayo sa harap namin.

"Ang dami ninyong drama! Hoy bata nasaan tatay mo, ha!" Tinutok din niya sa akin yung baril. Galit akong sumugud sa kanya, sinusuntok ko siya. Ang sama-sama niya bakit niya sinaktan si Mommy.

"You hurt my Mommy!" Pauli-ulit kong sigaw sa kanya. Pero bigla niya akong sinuntok sa ulo. Bumagsak ako sa sahig, nahihilo ako, hindi ako makatayo. Narinig kong tumatawa parin yung lalake. Lumapit siya sa akin at naramdam ko yung baril sa ulo ko.

"Hoy pare bata lang yan! Tara na wala dito si Mr. Lao. Tumakas na tayo, may mga pulis nang parating" Narinig kong sinabi ng isang kasama niya. Umalis sila ng kwarto at naiwan kami ni Mommy.

Nahihilo pa rin ako pero gumapang ako papunta kay Mommy. Biglang nagdilim ang paningin ko. Pagising ko na sa ospital na ako at nasa tabi ko si Daddy.

"Denise, ija?" Hinawakan niya ang mga kamay ko habang umiiyak. Ngayon ko lang nakitang umiyak si Daddy.

"Daddy bakit po kayo umiiyak. Where's Mommy?" Tanong ko sa kanya pero lalo siyang umiyak. Sinabi niya sa akin na wala na si Mommy.

Halos isang buwan akong hindi lumalabas ng kuwarto at walang ganang kumain. Hinayaan lang ako ni Daddy dahil alam niyang hindi ko pa kayang tanggapin ang lahat. Wala manlang akong nagawa para tulungan si Mommy. Sinisi ko ang sarili ko noon kaya nagdesisyon akong pilitin si Daddt nai-train ako.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Daddy. Umiiyak siya habang hawak ang litrato ni Mommy.

"Daddy? Pwede nyo po ba akong turuaan?" Akala ko magagalit siya sa sasabihin ko pero niyakap niya lang ako.

"Sige ija. Ako mismo magtuturo sayo."

End of flashback.

Simula noon siya na mismo nagtrain sa akin. Sabi niya mabuti narin sigurong matuto ako para kapag dumating ang panahon na may gustong manakit sa akin ay kaya kong ipagtanggol sarili ko. Sumali rin ako sa mga competitions at lagi akong nananalo.

Pagtungtong ko ng college tinuruan ako ni Daddy kung paano humawak ng baril at mga weapons. Pero Daddy's girl parin ako. Si Daddy pa mismo minsan bumibili ng damit pag umuuwi siya galing ibang bansa. Dress, blouse, bag or heels ang pasalubong niya. Ayaw daw niyang lumaki akong tibo kaya ganoon pasalubong niya. Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Dad, gusto kong magtrabaho sa agency" Kinabahan ako baka hinid niya ako payagan.

"Tapusin mo muna ang pag-aaral mo saka natin pag-usapan iyan." Pagkasabi niya at iniwan ako. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Pero nag-aral ako ng mabuti at nagtapos sa kursong fine arts. Alam kong alam ni Daddy na pangarap kong magtrabaho sa agency. Sana pumayag siya sa gusto ko.


My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon