Theo's POV
Mukhang maraming tao ngayon sa club kaya pumunta nalang ako sa VIP room. Gusto kong maglibang kaya ayaw kong may mga taong lumalapit sa akin. Mag-isa lang akong umiinom habang nasa may pintuan si Dennis. Ano pa ba, eh di nagbababantay.
"Dennis samahan mo muna ako dito. Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin kay Mr. Yan." Alok ko sa kanya pero umiling lang siya.
"Ano ba naman Dennis, parang hindi kita kaibigan." Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang isang baso ng alak.
"Sorry Sir pero hindi po ako pwedeng uminom." Kinuha niya yung baso ng alak at inilapag sa mesa.
"Dennis naman?! Sir na ang tawag mo sa akin ngayon!? Magkaibigan tayo kaya huwag mo akong tawaging Sir." Dala na siguro ng kalasingan kaya ko siya nasigawan. Pero mas lalong akong nagalit dahil halos hindi ko na nga makausap na parang dati eh ganito pa ang itatawag niya sa akin.
"Utos ni Mr. Yan kanina na simula ngayon ay tatawagin na kitang Sir. Dapat daw ihiwalay ang personal sa business relationship kapag nasa trabaho."
Mas lalo akong nagalit sa sinabi niya. Ibig sabihin business relationship lang ang meron kami ngayon? Tumahimik nalang ako at itinuloy ang pag-inom. Nadito ako para maglibang pero kabaliktaran ang nangyayari.
"Sir, oras na po para umuwi."
"Pwede ba huwag mo akong tawaging Sir. At mamaya na tayo umalis, maaga pa."
Dahil business lang ang lahat dapat ituring niya akong amo niya. Ako ang amo sa aming dalawa pero pakiramdam ko ako pa ang laging kailangang sumunod sa kanya. Kung hindi lang sya inaanak ni Mr. Yan matagal ko nang binatukan to. Lintik na death threat yan kailangan ko tuloy ng bodyguard. Okay lang sana, kaso kung utusan ako parang siya pa itong amo ako.
"Sir, kailangan na nating umalis," sabi nya habang nakatayo sa gilid ko.
"Aalis? Wala pang isang oras aalis agad at 8:00 palang?!" Inis kong sagot sa kanya. Sinong pupunta sa club tapos aalis ng maaga? Kairita buti nlang nasa VIP room kami kung hindi baka pinagtitinginan na kami dito.
"Sir, napagusapan na natin to. Na hindi kayo maaring magtagal sa labas maliban kung may schedule kayo. Para din po to sa kaligtasan nyo."
"Ano ba?! Kaya nga nandiyan ka, para bantayan ako at siguruhing walang mangyayari sakin! Ano pang silbi na nagka-bodyguard ako kung magkukulong din lang ako sa bahay!" Suntukin ko na to eh ang kulit.
"Sir, kung ayaw ninyong sumunod tatawagan ko si Mr. Yan. Utos nya dapat umiwas mano kayo sa paglabas-labas para sa safety nyo."
"Ngayon lang 'to. Pagbigyan nyo na ako, ilang buwan na akong di lumalabas."
"Sorry Sir, di talaga pwede kailangan na nating umalis." Pilit nya at kinuha pa 'yong iniinom ko.
"Damn it Dennis! I'm not a prisoner! I'll do what you say for now but remember this I won't go easy on you from now on. I'll make you regret accepting this job"
Sinamaan ko siya ng tingin at umalis ng club. Ngayon lang ako lumabas, ipagbabawal pa. Makikita nya, pahihirapan ko siya. Nasaktan ako sa sinabi niya kaninang business relationship lang ang meron kami.
Nakarating na kami sa bahay pero parang may mali. Bakit bukas ang ilaw, hindi tumawag si Dad na dadalaw siya ngayon. Tiningnan ko si Dennis, mukhang nagtataka din sya.
"Sir, may bisita ho ba kayo ngayon?" Tanong nya habang nilabas 'yong baril nya. Nagulat ako may dala pala syang baril. Saan nya tinatago iyon?
"oo meron kaya pwede mo na akong iwan dito," Nagsinungaling ako, baka si Dad lang iyon. Kasi kung magnanakaw iyon hindi nila bubuksan yung ilaw.
"Huwag ka nang pumasok sa loob. Kung gusto mong magbantay diyan ka sa labas. We're on business relationship anyway." Lasing na nga ako dahil kung anu-anong pinagsasabi ko. Tiningnan ko si Dennis at mukhang sa labas nga siya magbabantay.
Pumasok na ako sa loob. Mukhang normal naman ang lahat. Kumpleto pa mga gamit ko. Aakyat na sana ako sa taas ng biglang may pumalo sa ulo ko. Napaluhod ako, may tumulong dugo. Lumalabo na rin ang paningin ko at yung pumalo sa akin ay nakatayo pa sa harap ko.
"Buti nalang pinaalis mo bodyguard mo." Tumawa siya ng malakas. Nakakainis kung hindi lang ako nahihilo tatamaan ka sa akin. Nakita kong may inangat siya. Pero biglang may pumutok na baril. Ako ba tinamaan, nagdilim na paligid ko. Mamamatay na ba ako?
Nagising ako sa isang kwarto, nasa ospital siguro ako. Tumingin ako sa palaigid at nasa tabi ko si na nakaupo sa tabi ng higaan ko. Natutulog ata siya. Nakaramdam ako ng guilt sa mga pinagsasabi at pinaggagawa ko kagabi. Alam kong sumusunod lang siya sa utos ni Mr. Yan kaya dapat hindi ako magalit sa kanya. Pero may kaunting inis pa rin ako sa kanya.
"Gising kana pala." Biglang sabi ni Dennis, akala ko natutulog isya dahil nakapikit siya kanina.
"Anong nangyari? Akala ko binaril ako ng isang lalake kagabi."
"Ako yun, binaril ko sa kamay dahil sasaksakin kana sana."
Hinawakan ko yung ulo at nakabenda pa siya. Ibig sabihin talagang may masamang tao sa bahay kagabi.
"Salamat, nasaan na yung lalake? Siya ba si Death Star?"
"Nasa prisinto na siya. At tulad ng unang umatake sayo ay binayaran lang din siya para pumasok sa bahay mo't saktan ka."
"Ganoon ba?" Tumahimik nalang ako at tumalikod sa kanya. Mas mabuti pang itulog ko muna ito, masyado ng magulo ang mga nangyayari.
"Theo?" Narinig kong tinawag niya pangalan ko at hindi na Sir.
"Bakit?"
"Wala, sige matulog kana. Baka mamaya pwede ka nang lumabas ng ospital."
Alam kong meron pa siyang gustong sabihin. Pinapanindigan talaga niyang business relationship lang ang meron ngayon. Pwes susubukan ko kung hanggang saan ang paninindigan niya. Kung kaya niyang ibahin ang pakikitungo niya sa akin ay kaya ko rin.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Bodyguard
RomanceNaghahanda na sina Theo para sa bago nilang album at comeback. Pero dahil sa death threats na natatanggap niya mukhang mauudlot pa ang lahat. Maaring matapos nila ang lahat kung papayag siyang magkaroon ng bodyguard. Si Denise, ang kanyang personal...