Three months na rin nang matapos na ang lahat ng gulo sa buhay ni Tita Lorraine. Haggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na ano mang threat kay Death Star. Siguro nga prank lang ang lahat ng iyon. Kahit papaano makakapag-concentrate na kami sa pagbuo ng album namin. Inaasahan naming within six months ay matatapos ang lahat. Hindi lang naman basta isang mini-album ang gagawin namin. Isa siyang full album para sa mga fans namin na hinintay kami ng apat na taon. Kaya dapat lang na paghandaan namin ng mabuti ang lahat.
May kumatok sa pintuan. Sino na naman kaya 'yan.
"Sino yan?"
"Sir Theo may sulat po kayo." Hanggang dito ba naman sa agency may nagpapadala sa akin ng sulat.
Pulang envelope at may nakasulat sa likod. "To Theo Calderon". Nabitawan ko ang envelope, sigurado akong galing to kay Death Star. Akala ko wala na siya, akala ko prank lang siya.
From the stars you ignored
Comes the death you feared
Your sins will be judged
Your life won't be spared
No mercy upon your soul
It's a gift fit for the devil
Love,
Death Star
P.S. I know you missed me.
Seryoso na ata ito. Mukhang iba ito sa naging stalker ni Tita Lorraine. Bakit ngayon pa nangyayari ito?
"Anong problema Theo?" Nandito na pala ang grupo. Hindi nila pwedeng malaman ito. Siguradong lalo silang magaalala.
"Ah, it's nothing. Just a letter from a fan." Itatago ko sana ng biglang.
"Threat ito ah, galing ulit sa kanya" Bwisit talaga 'tong Dean na 'to ang bilis nakuha yung sulat. Snatcher ata to dati eh.
"Threat? Galing kay Death star?" Nakakunot si Argon habang nakatingin sa akin.
"Look guys, this is nothing. Prank lang to." Sinusubukan ko pa rin silang pakalmahin.
"Yon na nga ang problema Theo. Kahit prank man yan, hindi natin alam kung anong binabalak niyan." Seryoso na ang mukha ni Argon. Concerned talaga sa sitwasyon.
"Theo hindi mo dapat ilihim ang mga ganitong bagay. Isang grupo tayo at halos magkakapatid na tayo." Lumapit si Tristan at hinawakan ang balikat ko. Touch naman ako. Pati si Dean lumapit, "Oo nga bro, kung ano man ang problema mo dapat sabihin mo sa amin baka may maitulong kami."
"Aiyee, mga bakla tama na ang drama. Baka maiyak pa aketch." Loko talaga 'tong si Vince kahit kailan.
"Aray papa, physical abuse yan ha." Nagtawanan nalang kami dahil binatukan siya ni Argon.
"Back to work na muna tayo guys. Mamaya na natin kausapin si Mr. Yan at Kuya Jaycee." Tumalikod si Argon at pinakinggan ang arrangement ng ibang kanta.
Maya-maya, pumasok na si Kuya Jaycee. Ipinakita na rin namin sa kanya ang sulat. Wala siyang sinabi, kinuha niya ang sulat at lumabas ng studio. Lagot baka kay Mr. Yan siya pumunta.
"Huwag kang mag-alala Theo. Mabuti na rin sigurong malaman ni Mr. Yan agad ang lahat." Sabi ni Dean at nginitian ako. Mas mabuti nga siguro, nang hindi ako laging kinakabahan kapag nalaman na niya. Gusto ko tuloy makausap si Dina, gumagaan ang loob ko kapag nakaka-usap ko siya. Tawagan ko kaya si Tita Lorraine kung nasaan si Dina.
"Saglit lang guys, pahangin lang muna ako." Paalam ko sa kanila. Baka pag nalaman nilang may hinahanap akong babae, eh asarin lang ako ng mga 'yon.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Bodyguard
RomansaNaghahanda na sina Theo para sa bago nilang album at comeback. Pero dahil sa death threats na natatanggap niya mukhang mauudlot pa ang lahat. Maaring matapos nila ang lahat kung papayag siyang magkaroon ng bodyguard. Si Denise, ang kanyang personal...