Chapter Eighteen : At The Park

31 1 0
                                    

Theo's POV

Wala akong nakuhang sagot sa pulis. Hindi ko alam kung ayos lang ba si Dennis, baka kung napano na siya. Tinawagan ko sina Dean na bukas nalang ako pupunta ng studio. Hindi rin naman ako makakapag-isip ng maayos sa meeting. Baka mag-alala lang sila.

Uuwi na sana ako pero dumiretso na muna ako sa park. Wala naman ng tao dahil hatinggabi na. Hindi ko na kailanngang itago ang mukha ko. Alam kong kaibigan ko si Dennis pero bakit ganito ako mag-alala at malungkot. Habang nag-iisip ay tumingala ako sa mga bituin. Ang tagal ko nang hindi tumitingin sa mga bituin.

Biglang may lumapit at nagtanong sa akin. Akala ko wala ng tao dito sa park.

"Theo, ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

Dennis?! Totoo ba to, si Dennis ba ang nakatayo sa harap ko? Ibig sabihin maayos ang lagay niya. Sa tuwa ko ay bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwa. Naramdaman kong niyakap niya din ako at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Wala akong paki-alam kung sino man ang makakita sa amin ngayon. Halos ilang minuto ko din siyang yakap-yakap.

"May problema ka ba Theo?" Bigla akong namula, nakalimutan kong lalake ang kayakap ko kaya bigla ko siyang binitawan. Ano ba yan, baka pagkamalan pa niya akong bakla.

"It's nothing Dennis. Masaya lang akong makita na maayos ka."

"Hindi ko alam na nag-aalala ka pala sa akin. Pero salamat sa pag-aalala, Theo."

Nginitian niya ako. Lalong bumilis tibok ng puso ko. Laging ganito ang reaksyon ng puso ko tuwing nginingitian ako ni Dennis.

"Syempre mag-aalala ako sa 'yo. Kaibigan kaya kita. At sinong hindi mag-aalala sa nakita ko kanina?"

"Yon ba? Kasama na 'yon sa trabaho namin. Minsan mas malala pa nga dun eh."

Tinitigan ko siya habang siya naman ay nakatingin sa langit. Mas nagmukhang babae si Dennis dahil mas mahaba ang buhok niya. Mas maganda siyang tingnan. Siguro kung hindi lang lalake itong si Dennis iisipin kong nagkakagusto na ako sa kanya. Kaya sigurado akong hindi ko siya gusto dahil lalake siya.

"Dennis?" Tanong ko sa kanya. Bigla niya akong tinitigan.

"Bakit?"

Hooo...Relax, relax. Maghunos dili kang puso ka. He's a guy! He's a fucking guy!

Tumahimik nalang muna ako. Halos 5 minutes lang kaming nakatingin sa mga bituin. Pero siya na ang unang nagsalita.

"Theo, anong ginagawa mo sa highway kanina?"

"Just wanted some fresh air. Stressed na ako masyado sa work."

"Buti hindi ka nasaktan kanina sa shootout." Nag-aalala rin pala siya sa akin akala ko ako lang.

"Dahil sa iyo Dennis kaya walang nangyaring masama sa akin. Kung hindi mo sinabing itigil ko yung sasakyan at nakipagunahan sa inyo baka kung anong nangyari sa akin."

Ngumiti ako sa kanya at nakita kong nanlaki yung mga mata niya.Kung hindi lang medyo madilim iisipin kong nagblu-blush yung mukha ni Dennis ng sabihin ko yon.

"Kahit sino namang nasa daan na pilit sumasabay sa bilis namin eh sasabihan ko din ng ganoon."

"Sa bagay tama ka."

"Sigurado kang 'yon lang ang iniisip mo? I saw you crying earlier."

Damn it, nakita niya pala ako kaninang umiiyak. Ibig sabihin mula highway hanggang dito eh sinundan niya ako.

Nagbiro nalang ako para change topic. Baka masabi ko pang dahil sa kanya kaya ako umiyak.

"Whoa, kanina mo pa ako sinunsundan? Dennis, don't tell me you're the stalker?"

"Loko, batukan kita diyan eh. Stalker agad?"

"Eh bakit sinundan mo ako mula highway hanggang dito sa park?"

"Eto kaya ang route ko pauwi."

"Asus, nagdadahilan ka pa."

"Eh, ikaw Theo bakit ka umiiyak at napayakap sa akin kanina? Sabi mo nag-aalala ka pero OA ng reaction mo nung makita mo ako"

"Hi-hindi ah. Concern lang ako"

"Weh Theo, may gusto ka yata sa akin eh."

"Concern lang, ano ba. Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng concern?"

"How about if I kiss you right now? Mage-deny ka pa rin ba?"

Napalunok ako sa sinabi niyang hahalikan niya ako ngayon. Bigla tuloy akong nag-imagine na hinahalikan niya nga ako.

"Wahahaha, kita mo na may gusto ka sa akin eh. Kung nakita mo lang sana ang mukha mo Theo, so epic. Hahaha"

"Gu-gusto ka diyan. A-ano akala mo sa akin bakla para magka-gusto sa lalake?!"

Hoooo.... Relax lang, relax. Inaasar ka lang ni Dennis.

"Paano kung sabihin ko sa 'yo sa na hindi talaga ako lalake at isa akong babae?"

Ang laki ng ngiti niya sa akin ng sabihin niya 'yon. Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi siya bakla? Ibig sabihin babae siya? Ano ka ba Theo, inaasar ka lang ni Dennis, huwag kang maniwala dahil pagtatawanan ka na naman.

Aish, kainis talaga tong kumag na 'to, pinaglaruan pa damdamin ko. Bigla tuloy akong umasa. Sa inis ko sa kanya ay kinutusan ko siya.

"Aray ang sakit nun ha. Hehe. Ito naman hindi na mabiro."

"Biro ba tawag mo doon. Kilabutan ka nga. Kung makatawa ka diyan parang wala ng bukas."

"Hahaha, sumabay lang naman ako sa pang-aasar mo eh. Malay ko ba na pikon ka."

"Diyan ka na nga. Sige ha tawa ka lang diyan. Magka-gas pain ka sana."

"Hala dinamay pa sikmura ko. Hahaha"

Lalo akong naasar dahil kanina pa siya tawa ng tawa. Kaya binatukan ko naman ngayon. Uhm, yan ang bagay sayo kumag ka.

"Ouch!" Medyo napalakas ata batok ko medyo napayuko sa sakit eh.

"Sorry Dennis, napalakas ata batok ko sayo."

"No,no, it's not your fault. It's just a brusie from the rifle."

"Ah akala ko napalakas eh."

Naglakad na kami ni Dennis papunta sa sasakyan ko. Madaling araw na kaya at may trabaho pa kami bukas. Sayang lang dahil nag-eenjoy akong kasama siya. Napansin ko rin yung benda sa tagiliran, ibig sabihin talagang napalaban sila kanina. Tapos kung tumawa kanina akala mo walang sakit na ini-inda.

"But I'm really happy to see that you're okay." Sabi ko habang tinitingnan ko siyang sumakay sa kotse niya.




My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon