Chapter Sixteen : Unexpected Meeting

24 1 0
                                    

Theo's POV

Magi-isang buwan na ng huling makatanggap ako ng sulat galing kay Death Star. Kaya maayos naming naituloy ang paghahanda para sa album namin. Nakakapag-focus kami sa album namin dahil walang bagong sulat na inaalala. Kampante rin kami dahil may mga bodyguard naman kami. Kami lang ni Argon ang nasa studio ngayon. Nasa shoot yung iba.

Si Dennis kaya kumusta na. Mas seryoso ang trabahong nakuha niya ngayon at mas delikado. 

"Ang seryoso mo naman ata Theo. May problema ba?"

"Wala naman Argon, may iniisip lang ako?"

"Bakit may bago bang sulat?"

"Walang sulat. Inaalala ko lang si Dennis"

"Hindi ko alam na ganoon pala kayo ka-close sa isat' isa."

"We're friends. Nag-aalala lang ako sa bagong client niya. Mas Delikado daw kasi eh"

"Dahil iyan ang linya ng trabaho nila. Lagi silang nasa panganib."

"Alam ko 'yon. Di ko lang maiwasang mag-alala."

"May gusto ka ba sa kanya?"

"Hahaha, nagbibiro ka ba Argon? Anong akala mo sa akin bakla?"

"Hindi naman nagtatanong lang."

"Diyan ka na nga lang. Papahangin muna ako sa labas."

"Umiiwas ka lang eh. Basta bumalik ka agad, kasi on the way na sina Vince dito."

Maglilibot muna ako pansamantala, pampabawas sa stress. Nag drive ako at nag-iikot lang sa lungsod. Tutal mamaya pa naman ang meeting namin. Kakaunti lang ang sasakyan sa daan ngayong gabi dahil alas-onse na. Ganito ako maglibang minsan, road trip tuwing gabi at nag-iikot sa syudad.

Naka-pula ang traffic light kaya huminto ako. Kahit parang sasakyan ko lang ang nasa kalsada eh sumusunod naman ako rules. Dahil ako lang ang nasa kalsada ay mabilis kung pinatakbo ang sasakyan. Medyo lumagpas sa speed limit nga lang. Maya-maya may narinig akong putukan ng baril. At papalapit sa lugar ko.

May giyera ba ngayon? Tumingin ako sa bintana ng sasakyan. Meron akong nakitang mga sasakyan na papalapit at nagpapalitan sila ng putok ng baril.

Mas lalo kong binilisan ang takbo ng sasakyan. Hanggang sa nasa tapat ko na ang isang sasakyan.

"Tumabi ka sa daan! Huwag kang titingin sa labas!" May narinig akong sumusigaw mula sa katapat kong sasakyan. Tiningnan ko kung sino at sa akin siya nakatingin.

"Tumabi ka sa daan! Theo!" Narinig ko ang pangalan ko. Nagulat ako dahil si Dennis pala yung sumisigaw habang nagpapaputok ng baril sa sasakyang nakasunod sa kanila.

"Ano ba Theo! Itabi mo yang sasakyan mo at huwag kang lalabas!" Sinisenyasan niya ako na tumabi. Nagpark ako sa gilid ng highway.

Nakita kong mabilis nila akong nilampasan pati na rin yung sasakyan na nakasunod sa kanila. Nakaramdam ako ng takot sa mga nasaksihan ko. Makakaligtas ba siya sa mga humahabol sa kanila? Halos isang oras akong nakatulala sa loob ng sasakyan ng biglang mag-ring cellphone ko.

"Hello?"

"Theo nasaan ka?!"

"Argon ikaw pala. Nandito ako sa highway papuntang diyan sa studio. Bakit?"

"Nakabalita ngayon sa bawat channel na may nangyaring putukan sa highway malapit dito. Ayos ka lang ba?"

"Oo ayos lang ako. Pero si Dennis, paano si Dennis?"

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko yung cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit takot na takot ako, hindi para sa sarili ko o sa buhay ko kundi para kay Dennis.

"Theo? Hello? Anong meron kay Dennis, ano bang nangyayari diyan?"

"Si Dennis, nakita kong pinapaputukan."

"Ano?! Ibig sabihin sila yung tinutukoy sa news na hinahabol ng mga armadong tao?"

"Oo, anong sabi sa balita ligtas ba sila?"

"Hindi pa namin alam pero may nasugatan at namatay."

Pagkarinig ko ng salitang iyon ay pinaandar ko ang sasakyan patungo sa direksyon nina Dennis. Nagdadasal na sana ay ligtas at okay lang siya. Na sana walang nangyaring masama sa kanya. Naramdaman kong tumutulo ang luha sa mga mata ko.

Alam kong kaibigan ko si Dennis pero bakit ganito ako kaapektado kung anong nangyayari sa kanya. Nakita kong maraming pulis sa highway na nakaharang sa daan. Sinarhan nila ang daanan. Dahil siguro sa nangyaring shoot out. Nagtakip ako ng mukha bago bumaba ng sasakyan. May mga nakita din kasi akong press.

Sinubukan kong lumapit sa lugar pero pinapaalis ako ng mga pulis. Nasaan sina Dennis, hindi ko siya makita.

My Lover, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon