Gaya nang usapan namin ni Dad. Pagka-graduate ko saka namin pagusapan kung pwede akong magtrabaho sa kanya. Kinakabahan akong pumasok sa office niya. Hala, ang seryoso ng mukha niya wrong timing ata. Bukas nalang kaya baka maiinit ulo.
"Denise, come in" Ay nakita niya pala ako akala ko busy siya sa binabasa niya.
"Dad, tungkol sa usapan natin." Sinilip ko siya pero seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Ija, tinuruan kita para matuto kang ipagtanggol ang sarili mo. Pumayag akong turuan ka kasi ayaw kong maulit ang nangyari noon." Nakangiti man si Daddy pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Pero gusto ko parin pong magtrabaho sa agency."
"But this job's not for you. Delikado ang trabaho dito ija. Hindi yung tulad ng nakikita mo sa iba na susundan mo lang clients. It's way more dangerous than what you think. Sayang din naman and magandang mukha ng anak ko kung magagalusan lang" Si Daddy talaga kahit kailan. Sang ayon naman ako sa sinabi niya na maganda ako eh, hehe.
"I know Dad. I'm prepared for it. Besides, when you're going to retire I'll be the one to manage the business." Sabay kindat ko sa kanya pero parang galit ata siya.
"Hmmm, you'll manage ha? Let's see, here read it" sabay abot sa akin ng isang folder. Binasa ko pero hindi ko alam kung bakit pinapabasa ni Daddy. Profile ng isang sikat na artista. "Lorraine Torres, 45 years old, actress and model." Binasa ko pa ibang detalye tungkol sa kanya.
"What's this Dad?"
"Since gusto mong magtrabaho dito, she'll be your first client. She's a friend, best friend ng Mommy mo. Baka hindi mo lang siya maalala kasi bata ka pa noong huling dalaw niya sa bahay." Ngumiti lang sa akin si Daddy, ibig sabihin payag na siya. Pero bakit artista, ang pinaka ayaw ko sa lahat na client eh artista. Siguradong marami silang arte at ano namang gagawin ko magtataboy lang ng mga fans? Pero dahil kaibigan siya ni Mommy, pag-iisipan ko muna.
"Dad, I trained hard for a class A client. Anong gagawin ko dito magiging personal na alalay niya?" Ibinalik ko kay Daddy yung folder pero pinagtawanan niya lang ako.
"Ija alam ko na mas advanced at mas mataas combat skills mo kumpara sa ibang tauhan ko. Syempre dahil ako trainer mo." Ay nagyabang pa talaga siya.
"Pero Dad, wala na bang iba?"
"Denise, unfair naman sa ibang tauhan ko na Class A kaagad ibibigay ko sayo. Lahat sila nag-umpisa sa Class B at naka-base doon ang evaluation nila kung pwede na silang tumanggap ng class A."
"You trained me personally, Dad. You know my skills already." Pilit ko sa kanya, iniiwasan ko talaga ang Class B.
"I do know Denise. Pero iba ang training sa mismo pagharap ng clients. You won't know what's coming after you. You'll have to plan and think for your clients safety." sabagay may punto si Daddy.
"Accept the offer or you'll never receive one." Hala ganoon agad, hinde ba pwedeng pag-isipan muna.
"Okay, tatanggapin ko na." Kunin ko na baka magbago pa isip niya at hindi na talaga ako makapagtrabaho sa agency.
Umuwi na ako at inaral lahat ng schedule ni Miss Lorraine. Byuda na pala siya, namatay asawa niya sa isang car accident. Mas nakakalungkot kasi buntis si Miss Lorraine noong mangyari ang aksidente. Namatay ang asawa at nalaglag ang magiging anak nila. Simula noon hindi na siya nag-asawa.
Puro scandal nalang nang mga actor na na-link sa kanya. Baka hindi lang scandal iba dito. Pero in fairness mukhang bata at maganda pa rin siya. May kaibigan pala si Mommy na artista, kaya siguro binigay siya ni Daddy na first client ko. Two months na siyang nakakatanggap ng death threats. Obsessed na fan or stalker siguro. Good luck on my first job nalang.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Bodyguard
RomantizmNaghahanda na sina Theo para sa bago nilang album at comeback. Pero dahil sa death threats na natatanggap niya mukhang mauudlot pa ang lahat. Maaring matapos nila ang lahat kung papayag siyang magkaroon ng bodyguard. Si Denise, ang kanyang personal...