Chapter 29 - Possessive

2.3K 29 0
                                    

"Ang dami atang estudyante ngayon ah?" tanong ni Jazz sakin habang naglalakad kami sa school.

"Ewan ko. Baka mga transferee?" sagot ko naman. Second sem na rin kasi. Kahapon lang kami nagstart mag-enrol. Kaya lang di namin natapos. Nagyaya kasi sila Xander na manuod ng football game sa bahay nila kaya tumambay lang kami duon.

Napansin ko na lang na panay ang lingon ni Jazz sa paligid.

"Hoy! Sinong tinitignan mo dyan? May hinahanap ka?" tanong ko rin.
Ba't nga ba maraming tao ngayon sa school? Ang hirap makadaan malapit sa registrar sa dami ng tao.

"Wala... Kasi. . .parang pamilyar yung guy na pinapalibutan malapit sa registrar eh." saad ni Jazz na nakatingin sa pinagkakaguluhan doon.

"Sila kuya nga? Asan na ba sila?" tanong niya ulit.

Ngunit di ko siya masagot dahil sa malakas na tili ng mga studyante.

"Waahh! Ang gwapo talaga nila!"
Sigaw ni ate na naka-green shirt.

Sino ba kasing gwapo dyan? Hindi kaya sila Jarreb yan?

"Oo nga! Shit! Dito na daw sila mag-aaral! Nakakalurkey naman to! Marami ng gwapo dito!" sigaw naman ni ate na naka-headband ng parang si mickey mouse.

"Shit! May- Echo na nga! Plus factor na naman sila sa mga gwapong society ng school!" sigaw din nung isa pa nilang kasama.

"Kainis! Ang ingay ha?!" sigaw na ni Jazz. Kaya napatawa ako ng malakas. Ganyan yan pagnawawala sa mood.

"Halika na nga Bessy! Sa canteen na lang tayo! Daming bruha dito eh! Wagas kong makatili! Maputulan sana ng dila!" sigaw ni Jazz sabay higit sakin.





"Tapos na rin tayo! Yesss!" sigaw ni Kiro ng matapos kami sa pag-enrol.

"Oo nga! Kapagod! Gutom na ko! Kain tayo?" saad naman ni Ice sabay hawak sa tiyan niya.

"Pass na muna ako. I need to go home. May bisita daw kami eh, sabi ni Mama." sabat ni Enzo.

"Sasama ba tayo?" bulong ni Jarreb sabay akbay sakin. Kaya napalingon ako sa gawi niya. Ngunit narinig kong pagsigaw ni Jazz sa may likuran namin.

"Sama tayo, Bessy! I'm gutom na!"
Kaya tumango na lang ako kay Jarreb bilang sagot.

"Pass din muna ako. I need to go home early." anunsyo ni Xander.

"Eh di kami na lang! Sige na! Magsilayas na kayo!" sigaw ni Kiro at sabay na tinutulak paalis sila Xander at Enzo.

Kumaway ang dalawa at naglakad na paalis. Napagkasunduan rin na sa may Burger Backyard kami kakain.




"Next week pa naman ang simula ng klase. Ano? Outing tayo?" biglang saad ni Ice ng kumakain na kami.

"Hmmn. . Sounds exciting. Where to?" tanong naman ni Jarreb at sumubo ng burger na hawak niya.

"Roadtrip tayo. Tapos kong san mapadpad. Eh di. . .doon na! Game?" sagot ni Kiro.

"Brilliant idea! I'm in! Nagagamit rin pala yang utak mo Kiro? Hahaha! Biglang sigaw ni Jazz na sinabayan ng tawa. Kaya napatawa na rin kami.
Binelatan lang ni Jazz si Kiro habang ang huli ay napapailing lang.

"Sama tayo bukas Bessy ha?" saad ni Jazz sakin.

"Of course! Sasama si Jarreb kaya malamang kasama si Basha! Gamit din ng utak, Jazz!" sabat ni Kiro at binelatan si Jazz. Kaya sinamaan siya ng tingin ng huli.
Napatawa na lang ako sa mga pinaggagawa ng dalawa.
Ngunit ng maramdaman ko na naiihi na ako ay agad akong tumayo.

"Comfort room?" tanong ni Jarreb ng makitang tumayo ako. Kaya tumango ako sa kanya.

"Ahmm. . Excuse lang muna. C.R lang ako." saad ko sa kanila. Tumayo rin si Jarreb na siyang ikinapagtaka ko.

"Oh? Sasamahan mo pa rin siya hanggang sa comfort room, pare?" tanong ni Ice ng nakakunot ang noo.

"Get a grip man! Di naman mafaflash ng toilet si Basha eh! Umupo ka nga lang dyan! Masyado kang possesive eh!" saad naman ni Kiro sabay tawa. Sinapak naman siya ni Jarreb. Napatawa na rin ako sa sinabi nila.

"Hey! I'm fine alone. Dito ka na lang."
Saad ko kay Jarreb at lumakad na palayo.

Possessive huh? Napapailing na lang ako habang naglalakad.














----------------------------------------------
I'm gonna try to update everyday. kapag sinipag! Haha.
Pero, I'll gonna try. Kasi hanggang next month na lang ako makakapag-watty. I'm gonna focus on something important in my life. I need to fulfill my dreams, kaya I need to work triple hardwork as I can. Sana nga, ibigay na ni God to, this time. So, I'm hoping na matapos ko ang story nato by next month.Sana lang talaga.
Anyway highway 30! Haha.
May new short story akong posted na!
Yung "Into your gravity".
Simple story lang naman siya.
Sana magustuhan niyo rin.
Thankies!



My Countless HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon