-BASHA'S POV-
I left them. I cannot stand anymore minute standing so close to him. I know, they will notice my sudden change of heart. One moment I shouted my heart out for him. Then now, I am here. Alone. Away from him. I changed. I wanted to stand my decision. If he cannot love me then I should stop my nonsense feelings for him. If this is what he wants then I will give it to him. I’ll stop loving him, even if it hurts like hell. I’ll force myself to do it. To move on and let go of my feelings for Jarreb. I’ll accept the fact na hindi magiging kami.
Pero bakit ganito? Ilang ulit ko ng kinukumbinsi ang utak ko, pero ang puso ko ay patuloy pa rin na umaasa? Tanga ba talaga ako? Pangalawang lalake na siyang tumanggi sa akin. Dalawa silang minahal ko ng buong-buo kahit na puro sakit na ang sinusukli nila sa akin. Bakit ba hindi nila ako magawang mahalin? Sasaktan at sasaktan lang nila ang damdamin ko. Una si P-----
“ baby girl?” bigla akong nabalik sa aking huwisyo ng narinig ko ang pagtawag ni Mommy sa akin. Then she approached me at the door as I went home.
“Mom.” I called back and kiss her on the cheeks.
“Mabuti at nandito ka na. Let’s eat?” I nodded as an answer. Then we went to the dining table.
I am blessed enough na nandito sila sa tabi ko at nagpapakatatag para sa akin. Ang pamilya ko. Ang sarap pakinggan---pamilya. Hindi man nila sabihin alam kong nag-aalala sila sa akin. Lalo na si Mommy.
When I saw her at the hospital na iyak ng iyak dahil sa akin. My heart crumpled like a thin paper. Pinipiga ito sa sakit lalo na at ako ang may kasalanan kung bakit siya umiiyak. Then it hit me. May pamilya akong nasasaktan. Okay lang na ako na ang masaktan. Huwag lang sila Mommy. Ayaw ko ng mawalan ng pamilya. At doon ko na realize ang kagaguhang ginawa ko. Naghintay ako kay Jarreb sa park at nag paulan pa. Kung hindi ako sinundo nila Mommy at Kuya Dion malamang ay namatay na ako sa lamig doon. Dapat ko na silang alalahanin dahil mahal nila ako. May nagmamahal sa akin. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan.
“Mamang, aalis lang po ako. Maglalaro lang po ako ng bahay-bahayan sa labas kasama sila Xella.”
“ o sige. Basta at sandali ka lang ha? uuwi na ang Papang mo.”
“Opo.”
Sagot ko sa kanyang habilin. Matapos ang halos dalawang oras na paglalaro ko kasama sila Xella ay umuwi na ako. Sa pagtapak pa lang ng aking paa sa aming gate ay nakarinig na ako ng pagkabasag ng isang bagay. Dali-dali akong tumakbo sa loob at naabutan si Papang na hahampasin si Mamang ng isang walis.
“Wala ka talagang silbi babae ka! Pati pagplantsa ng damit eh hindi mo pa magawa ng maayos!” sigaw ni Papang at pinaghahampas si Mamang ng walis. Lumapit na ako at dinaluhan si Mamang.
“Papang…tama na po. Please po.” Iyak kong sabi.
“at ikaw na bata ka! Umalis ka diyan! At baka ikaw ang paluin ko nito! Alisssss!”
Sigaw ni Papang at tinulak niya ako palayo kay Mamang.
“Pa…pang. Tama na po. maawa na kayo kay Mamang.”
“tumahimik ka! Awa? Bakit naawa ba yang ina mo sa akin ng ipilit niya sa akin na magpakasal kami?.. naawa ba siya sa akin? Hindi dib a? sinira niya ang buhay ko! Sinira niyo! Dahil kung hindi ka ipinanganak, wala sana ako dito! Putang ina niyo!”Sigaw ng sigaw si Papang. Habang si Mamang ay umiiyak sa sulok. Ngunit nagulat na lang ako ng hinila ni Papang si Mamang sa buhok at tinulak ng napakalakas. Tumama si Mamang sa salamin. Nakita ko na lang na bumagsak siya at duguan ng walang malay.
“Mamannnnngggggggggg!” sigaw ko at dinaluhan siya.
Hinawakan ko ang ulo niya at kayrami ng dugo ang umaagos mula doon.
“Mamannnnng! Ma! Gumising po kayo.”
Nataranta na ako. Hindi ko alam ang gagawin.
“Mu--sika. . .” sambit ni Papang. Napalingon ako sa kanya habang hilam na ang mukha ko sa luha.
Nabalik ako sa kasalukuyan ng hawakan ni Kuya Dion ang braso ko at tinanong ako.
“Baby gril? Ayaw mo ba sa luto ni Mommy?”
“ G—gusto ko Kuya. Masarap kaya ito.” Sagot ko at pinilit na pinasigla ang tinig ko. Sumubo ako at pinilit kong huwag umiyak sa harapan nila. Bumabalik na naman ang mga alaalang pilit ko ng kinakalimutan.
“ oh well. Let’s eat everyone.” Turan naman ni Daddy at kumain na kami.
A/N:
WAHHH! HINDI AKO MAKA-GET OVER SA TRAILER NG FSOG! ANG HOOOOOT LANG! (O.O)
HAHA! KAKAKILIG EH! EXCITED NA TULOY AKO FOR NEXT YEAR! CHUS!
I HOPE YOU LIKE MY UPDATE! :)
----EMPTYBLUE