"Bye!" paalam ko kina Verse ng inihatid nila ako. Matapos ang mga nangyari noong isang araw ay napagpasyahan kong bumalik sa pagkanta at nakipagbati ako sa kanila. Nakiusap muna ako na huwag na muna nilang ipagsabi sa iba ang tungkol sa pagkanta ko. I'll tell the others, but not now.
Tatalikod na sana ako ng mapansin ko ang pigura ng lalake na nakatingin. It was dark in his side. Kaya ng nagpakita na siya ay mas lalo akong nagulat.
"J---Jarreb?" tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya sakin habang nasa bulsa ang kanyang kamay at nakatingin sakin ng mariin.
"W---what a--are you doing here?" tanong ko sa kanya.
"You knew them. You sing with him.
What's that suppose to mean?" mariin nitong sagot."What? I--I don't understand you." kinakabahan kong sagot sa kanya.
Nakita niya kami kanina?
Shit!"Bullshit Basha! Wag ka ng magsinungaling! I saw you!" sigaw niya. Bigla akong napatalon sa pagsigaw niya.
Shit! Di ko inaasahan na makikita niya ko doon. Akala ko nasa Tomaco pa sila."What? Explain Basha!" sigaw niya ulit.
"Oo! Kilala ko sila! Kabanda ko sila noon. I---I wanted to tell you about it.
Kaya lang hindi ko pa alam kung papaano. I'm sorry. I'm so sorry,Jarreb." paliwanag ko saka ko siya nilapitan at niyakap.
Matagal bago siya nagsalita ulit.
Ngunit ilang sandali ay niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang aking ulo."I'm sorry kung nasigawan kita.
Nagalit lang ako kasi hindi mo sinabi to sakin. Matagal kana palang marunong kumanta. But you hide it from me." saad niya habang niyayakap ako."I'm sorry din. Sasabihin ko rin naman eh. Naghahanap lang talaga ako ng tyempo." saad ko.
"Fine. I'll forgive you. Just give me a kiss and we'll be fine." saad niya saka siya bumitaw sa yakap.
Tinignan ko siya saka ako ngumiti.
I grab his neck and kiss him.
That was suppose to be a quick kiss but then he holds me and deepen the kiss.Shit! Baka may makakita samin dito.
"Hey, may problema ba tayo?" bigla kong tanong kay Jarreb habang nagmamaneho siya. Ihahatid na kasi niya ako pauwi samin. Napapansin ko na ang pagiging ilag niya sakin. Isang linggo na siyang ganito. Hindi siya nagtetext o tatawag sakin unless kung ako ang unang gagawa ng hakbang para magkausap kami. He didn't even kisses me in the cheeks kapag nagkikita kami o di kaya'y aalis na siya.
Ayaw ko mang pansinin to, pero bigla na lang siyang lumalamig. He's slipping away and I don't know why.
"Wala." maikli niyang sagot habang nasa kalsada pa rin ang kanyang tingin. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa kanyang hita at pinagsalikop ang aming mga kamay. Bigla siyang napatingin sakin at ngumiti ng pilit.
Somethings wrong.
Naiisip ko pa lang na may problema ay may bahagi na ng puso ko ang sumasakit.
Dahil sa mga ikinikilos ni Jarreb ay napagpasyahan kong surpresahin siya sa condo niya. I baked cookies for him.
Nagsuot lang ako ng simpleng white v-neck at black skinny jeans. I just tie my hair and wear my white sneakers. I went downstairs tsaka dumiretso sa garahe para magpahatid kay Manong Rex papunta sa condo ni Jarreb.It's three o'clock in the afternoon nang narating ko ang condo ni Jarreb. Hindi na ako nag-abalang kumatok dahil alam ko naman ang password.
Nang makapasok ako ay napansin ko ang pagkain at mga bote na nasa mesa ng sala niya.
May bisita ba siya?
I didn't bother to call him. Tinungo ko na lang ang daan patungo sa kanyang terrace may naririnig kasi akong mga boses doon. Dahan-dahan ang bawat paglakad na ginagawa ko dahil balak ko silang gulatin, mukhang sila Kiro naman ang kasama niya.
"So...you mean you don't love her?"
Narinig kong tanong ng kanyang kasama. I think, boses ni Xander yun."Kung di mo siya mahal. Para saan pa at niligawan at ginawa mo pa siyang girlfriend?" saad ng isa pang boses. Mukhang si Enzo yun.
Girlfriend.
Ako ba ang pinag-uusapan nila?
"Gusto ko lang naman...su--maya si Jazz. I mean... Ayaw kong gawing kumplikado ang lahat para sa kanya." narinig kong saad ni Jarreb.
Napahinto ako sa aking paghakbang.They're talking about me!
"Kaya ka nakipagrelasyon kay Basha para dyan?" tanong ni Xander.
Shit. This is really about me.
Mas lalo akong nanigas at di nakagalaw saking kinatatayuan.
"Yes. I thought it would make things better. Kung maging kami ni Basha at di na niya lalayuan si Jazz. I saw how Jazz cried infront of me because Basha is fading away from her." paliwanag ni Jarreb.
Then, just like that. My heart shattered into pieces.
How could he?
Bigla na lang tumulo ang aking luha.
So all along, ginawa niya lang lahat ng ito para kay Jazz?
Fvck!
Ba't ang sakit-sakit marinig ng mga sinasabi niya.Ayaw ko pa sanang umalis para mapakinggan ko pa ang kanilang usapan ngunit pinilit kong gumalaw kahit na pakiramdam ko ay babagsak na ako sa sahig. Pinahid ko ang aking mga luha at dali-dali akong naglakad palabas ng kanyang condo.
I made sure that they wouldn't see me in here.Nang makarating ako sa labas ay agad kong kinuha ang aking cellphone saking bulsa at may pinindot na numero.
Dalawang ring lang ay tinanggap niya ang aking tawag."Le--riko. P--please take me away from here."
At saka bumuhos ang aking mga luha. Pinipilit kong huwag umiyak pero traydor ang aking mga luha.
How could you do this to me,Jarreb?