Chapter 31

2.2K 45 5
                                    

"Saan?" tanong ko kay Jazz na nasa kabilang linya ng telepono.

"Kina Enzo. Dinner daw tayo. May ipapakilala siya, yung mga pinsan niya." sagot ni Jazz.

"Ahh. Okay. Sige. Magpapahatid na lang ako. Kita na lang tayo doon.
Bye." saad ko at binaba na ang telepono.

Hmmn. Malayo pa naman ang 6pm. Iidlip muna ako sandali.

Nagising ako ng bandang mga 6:15pm. Gabi na pala? Ang haba naman ng idlip ko!
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kong may mga nagtext ba habang nag-inat na rin.

25 missed calls.
40 messages.

Holy cow! Seriously?

Where are you,Bessy?

Galing ang text kay Jazz at may sampu pa siyang tinext. May dalawang mensahe rin si Enzo. At puro kay Jarreb na lahat ang natira.

We're here. Are you coming already?

Shit. I'm worried. Please pick up your phone.

I'm gonna go there!

Shit. Oh my G! May mga tawag pa nagmula sa kanya. Oo nga pala! Yung dinner! Patay!

Don't fetch me! I'm coming. Be there in 15 minutes ,okay? Or better yet. Mauna na kayong kumain.

Then I hit send button! Mabilis akong tumayo at pumasok sa bathroom. I took a quick shower and went out.
Nagsuot lang ako ng maong short at isang puting v-neck shirt,tapos ay sinuot ko ang adidas shoes.
Matapos magbihis ay agad akong bumaba at nagpahatid kay Mang Rex. Habang nasa sasakyan ay nagsuklay ako at naglagay ng lipgloss. Bigla ko na lang din naramdaman ang pagtunog ng cellphone ko sa bulsa.

Jarreb Calling. . .

I quickly hit the answer button.

"Sorry! Nakatulog ako kanina! I forgot about the time. Sorry talaga!" agad na bungad ko sa kanya.

"It's fine. We'll wait for you here. Okay?" sagot niya. At nagpaalam naman siya agad.

Why do I feel like somethings gonna happen tonight? Geez! Nawewirdohan ako sa nararamdaman ko.

Ilang minuto lang ay nakarating kami sa bahay nila Enzo. Bumaba na ako at tuloy-tuloy sa pagpasok. Naririnig ko naman ang tawanan sa may garden area kaya tinungo ko na lang ang daan patungo doon.

"Oh! Nandito na pala si Basha eh!"biglang anunsiyo ni Enzo.

"Bessy! Akala ko bukas ka pa dadating!"salubong ni Jazz sakin at bumeso siya.

"Hey. I'm glad your hear now." saad naman ni Jarreb at hinawakan ang kamay ko habang hinihila palapit kina Enzo.

Nakita ko naman si Xander nakatayo at ngumiti sakin bilang pagbati. Ngumiti din ako pabalik.

"Bash! I want you to meet my cousins and his friends." saad ni Enzo ng nakalapit kami at tinuro ang mga taong ipapakilala niya. Kaya napalingon naman ako sa may kaliwa.

I froze.
Shit! Am I hallucinating?
Shit!



"Hi!" saad ng lalake sa aking harapan sabay lahad ng kamay.
Napabitaw ako sa kamay ni Jarreb at lumapit sa lalake at nakipagkamay.

"Siya nga pala si Rhythm, Basha!
At ito naman si Tone! Mga pinsan ko! At saka yung girl na papalapit si Verse!" pagpapakilala ni Enzo sa kanyang mga bisita.

Nang mapadako ang tingin ko, nakita ko ang babaeng sinasabi ni Enzo. Shit. They're all here! Bigla akong kinabahan.

"Oh my God. . . Hi!" saad ng babae at bigla akong niyakap ng mahigpit.

"I miss you, Ika." bulong niya.

"Ahmm. Is she crazy? Ba't siya bigla-biglang nangyayakap?" biglang sigaw ni Jazz.

Kaya agad na lumapit si Tone samin at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap ni Verse sakin.
Humiwalay naman ang huli at hinarap ako sabay ngiti.

"Verse nga pala." saad niya at naglahad ng kamay.

"B---Basha." utas ko at tinanggap ang kamay niya.

"Basha. I see. Nice name!" saad niya at ngumiti.

"Teka. . Asan yung isa niyo pang kaibigan?" tanong ni Enzo.
Na siyang nakapagpalingon sakin.

Oh God. Don't tell me?

"I'm here." saad ng baritonong boses mula sa aking likuran. Biglang nanigas ang aking katawan sa pagkakarinig ng boses na iyon.
He's really here. Napalingon na rin sila. Dahan-dahan naman akong humarap.

He walks slowly towards me while smiling.

"Hi! I'm Leriko." masiglang bati niya at naglahad ng kamay.
Na-estatwa ako saglit sa aking kinatatayuan. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at siya na ang gumawa ng paraan para makapagkamay kami.

Shit! Ilang mura na bang nasasabi ko simula kanina? Is it worse or what?
Shit. They are all here. Alive and kicking and seems so happy to see me.



-------------------------------------
Please do read my new story entitle:
Keziah: The Other Woman
Thanks!

My Countless HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon