Chapter 34

2.1K 41 0
                                    

Umiiyak pa rin ako hanggang sa maka-akyat na ako ng aking silid.
Ayaw ko naman talaga silang talikuran. Ayaw kong kalimutan na parte sila ng buhay ko. Ayaw kong talikuran ang nakaraan ko. Pero ang sakit-sakit na eh.

Akala ko ang pagtalikod at pagtakbo sa nakaraan ko ang siyang makakapagpasaya sa akin. Ngunit hindi eh. Babalik at babalik pa rin pala ako sa masakit kong kahapon.

Sumisigaw ako para humingi ng tulong. Pero nang makita ko ng maraming dugo ang nagkalat sa ulo ni Mamang ay para akong naestatwa.

"Noooo! Ma--mang! Ma! Gumising na po kayo! Maaaaaaaa!" sigaw ko habang yakap-yakap ang aking Mamang.

"Pa! Please. . Pa! S---si Ma--" at humagulgol na ako.

Mula sa pagkakabigla ni Papang ay lumapit siya at kinarga si Mamang. Kahit lito ay mabilis akong sumunod palabas. Isinakay ni Papang si Mamang sa likod ng sasakyan at agad-agad akong pumasok din doon. Isinara ni Papang ang pinto ng kotse at umikot saka pumasok sa unahan para magmaneho.

Wala akong ibang ginawa kundi umiiyak habang niyayakap si Mamang.

Mga kinse minutos na pagbabyahe papuntang ospital ay nakarating din kami. Lumabas si Papang at agad-agad na binuksan ang pinto sa likuran saka kinarga si Mamang papasok sa ospital. Mabilis naman akong sumunod at nakita ko ang mga nurse at doktor na umalalay kay Papang papunta sa Emergency room.

Nahinto ako sa paglalakad at dahan-dahang umupo sa upuan na malapit sa emergency room.

"Please po Papa God. Save my Mamang." mahinang saad ko habang umiiyak at niyakap ko ang aking sarili. Wala akong pake kung ano na ba ang aking hitsura o kung tama ba ang pares na tsinelas na suot ko.
Nothing matters to me aside from my mothers welfare.

"Miss? Okay ka lang ba?" tanong ng isang nurse na lumapit sa akin. Tumango lang ako bilang sagot at hindi na umimik pa.

Napansin ko na lang si Papang na nasa harapan ko na. Lumuhod siya upang magpantay kami at hinawakan niya ang aking kamay.

"I'm sorry anak. I--Im s--sorry, Ika.
Hindi ko. . . .na---man sinasadya yun."
Saad nito habang umiiyak at niyakap niya ako.

I didn't respond. I just cried and let him hug me. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Basta ang alam ko si Mamang ang importante ngayon. Pareho na kaming umiiyak dito at pinagtitinginan na kami ng mga tao.

It's past 12 midnight. At naalala kong, birthday ko na pala. April 12. Ang araw na iniluwal ako ni Mamang. Dapat masaya ako dahil tumuntong na ako ng 14 anyos. Pero wala akong maapuhap na kasiyahan sa aking puso.

"Kayo po ba ang asawa,Sir?" biglang saad ng babaeng naka-labgown. Siya ata yung doktor na nag-asikaso kay Mamang.

"Y--es. H--how's my wife?" sagot ni Papang at tumayo upang makausap ng mabuti ang doktor.

"I'm sorry. We didn't make it. Your wife suffered internal bleeding and brain damage. Maraming dugo ang nawala. Kung napaaga sana ang dating niyo ay maaari pang masalba ang inyong asawa. At ang baby. We lost it,also. Your wife is 7 weeks pregnant. Patay din po ang bata. I'm sorry." paliwanag ng doktor at tinapik si Papang sa balikat.

Matapos kung marinig ang sinabi ng doktor ay para akong kandila na naupos. Patay na si Mamang? At---
may baby pa. Pero patay na din?
May kapatid na sana ako?

Bigla akong nanigas sa aking inuupuan. Narinig ko na lang ang paghahagulgol ni Papang. Ngunit tumayo ako at tinakbo ang papuntang emergency room. Tinulak ko ang pinto at nakita ang walang malay kong ina na tinatakpan na ng tela.

"Noooo! Hindi---
Hindi pa patay ang Mamang ko! Doc!
Nurse! Buhayin niyo po siya! " pagsisigaw ko at nilapitan ang nurse doon saka lumuhod sa kanyang harap.

"Yung kapatid ko! Magiging ate na ako! Please po! Parang awa niyo na..."
Pagmamakaawa ko. Hinawakan ako ng nurse at pinapatahan. Ngunit walang pakundangan ang aking luha sa pagtulo. Tatayo sana ako para tignan ang aking Mamang ng biglang dumilim ang aking paligid.






Nagising ako na puro puti ang sumalubong sakin.
Ospital.
Oo. Nasa ospital nga ako.
Panaginip lang ba yung nangyari? Ngunit ng may ma-realize ako ay agad akong bumangon.

"Mamang!" sigaw ko. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si Papang noon. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Ika, huminahon ka."
Bulong ni Papang. Ngunit bigla ko siyang tinulak.

"Nooo! You killed her! You killed them! Lumayo ka sa akin! Lumayo ka!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya ng sinigawan ko siya. Ngunit wala akong pakialam! Hinablot ko ang dextrose na nakaturok sakin at nagsisigaw.

Bigla namang pumasok ang mga nurse at pati na rin si Tita Vera. Isa sa mga close friend ni Mamang kasama si Verse ang anak niya at matalik kong kaibigan.

"Tita! Tita! Please po! Ilayo niyo ko sa kanya! Pinatay niya si Mamang at yung kapatid ko! Papatayin niya rin ako!" sigaw ko sabay hagulgol.

Lumapit sila sa akin at inalo ako.

"Iha. Calm down. Sshhh. ."bulong ni Tita Vera habang inaalo ako.

"Tita! Please... Ilayo niyo ko sa kanya!
Papatayin niya ko! Papatayin niya ko!
Pinatay niya si Ma---" at naramdaman ko na lang na may tinurok ang nurse sa akin. Bigla akong nanghina at hinihila ako sa pagkakatulog.

--------------------------------------
So? How's this chappy? Continuation to doon sa flashback na nangyari sa isang chapter. I think, sa may chapter 7 yung una akong nag-flashback.
So,what do you think of this chapter?
Comment kayo dyan! Hahaha

My Countless HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon