Chapter 37

2.2K 33 0
                                    

"Malayo pa ba?!" biglang sigaw na tanong ni Jazz at huminga ng napakalalim.

"Putcha! Kanina ka pa sigaw ng sigaw! Maglakad ka na nga lang!" ganting sigaw ni Kiro.

Hay! Kundi si Verse ang kaaway niya, ito at si Kiro ang nabubulyawan. It's been a month, at masasabi kong naging mas malapit na ang Clean Noise at ECHO bands,pati na rin si Jazz. Noong isang araw nga nagpapaturo pa siyang magdrums kay Rhythm, tapos nagalit si Kiro, ba't di daw sa kanya magpaturo.
Ewan ko sa tatlong yun! Parang may love triangle. Si Enzo naman may girlfriend na rin, si Hisha. Naging kapartner niya daw doon sa isang major subject niya. Habang si Tone at Verse ay going strong naman. Matagal na pa lang silang may relasyon,ngunit silang dalawa lang yung nakakaalam dahil gusto nilang ilihim. Pero nabuko sila ni Rhythm last week kaya no choice sila. Inamin narin nila. Si Ice naman may pinupormahan daw sabi sakin ni Jarreb, but di ko pa nakikita yung girl. Habang si Xander, naiinvolve sa 16-yr-old na babae. Inaanak daw yun ng Mama niya. Noong linggo nga eh, nagsusumigaw yung girl na "I love you,Xander! Shoot that ball!" habang nanunuod kami ng game nila sa gym.
Well, si Leriko naman parati pa ring nandyan para kulitin ako at kinukumbinsing bumalik na sa banda. Matapos kong kumanta last month ay di na nasundan yun. Marami daw naghahanap sakin para kumanta, ngunit todo tanggi pa rin ako. Si Jarreb? Heto, parating nasa tabi ko. Siya nga nagdadala ng gamit ko ngayon. Papunta kasi kaming Tinago Falls para maligo dahil natapos ng midterm exams kaya nagpapa-relax muna daw kami.

"Aren't you thirsty?" bigla niyang tanong habang sabay kaming naglalakad.

"No. Okay lang ako. Ikaw?"
Umiling lang siya at ngumiti sakin.

"Malapit na naman tayo." saad niya.

"Nakikita ko na yung hagdan pababa sa Tinago! Bilisan niyo guys! Honey,halika na! Ang bagal mo!" biglaang sigaw n Enzo at nakita kong hinihila na niya si Hisha.

"Nakapunta ka na dito?" tanong ko kay Jarreb.

"Yup. Twice. First time?" saad niya at hinawakan na ang kamay ko. Hay! Nawala tuloy yung pagod ko sa paghawak niya sakin! Haha!

Tumango lamang ako at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"You'll gonna enjoy there,don't worry!" saad niya.
Bumaba na kami sa hagdan. Nauuna na nga sila Enzo at Hisha eh! First time rin kasi ni Hisha kaya excited siguro yun!

"Be careful. Watch your steps." biglang saad ni Jarreb ng matapilok ako muntik pa akong matumba mabuti't hawak niya ang kamay ko at maagap niya akong naalalayan.

Nang marating namin ang gitnang bahagi ng hagdan ay nasisilayan ko na ang lagaslas ng tubig. Mas maririnig muna ang tinig ng pag-agos ng tubig mula sa talon.

"Wow. Ang ganda dito." bigla kong saad ng tuluyan na kaming makababa at makita ko ng buo ang talon. Ang taas ng talon at ang linis ng tubig. Nagiging blue ang kulay na nga nito dahil sa ulap, o di kayay berde sanhi ng napapalibutan ito ng mga puno at tanim saka ang linis talaga. Maririnig mo rin ang huni ng ibon.

"Ang ganda talaga ng Tinago!" sigaw naman ni Jazz saka iwinagayway ang kanyang kamay sa ere.

"Beautiful it is." saad naman ni Jarreb habang tinitignan ako.

Habang sila Kiro ay lumakad na papunta sa may cottage na inupahan nila. Sumunod naman kami. Jazz,Verse,Hisha and I set-up the table, ang mga boys naman ang bahala sa paghahanda ng inihaw na isda at karne sa may ilalim ng puno.
Matapos maghanda ay masaya kaming nagsalo-salo sa mesa. Di nawala ang kwentuhan at tawanan.

"Aaahh! Wag mo kong itulak,Kiro! Gago! Gago ka talaga!" nagsisigaw si Jazz ng tinutulak na siya ni Kiro pasakay sa balsa.

"Dalian mo kasi!" pabalik na sigaw ni Kiro.

My Countless HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon