CHAPTER 11- Nanliligaw?

3.5K 59 0
                                    

It's been two weeks mula noong inaya niya akong makipagdate sa kanya. At two weeks na rin siyang walang palya sa paghatid sundo sa akin. Katulad na lang ngayon nandito kami sa sasakyan niya at papasok na kami sa school.

"B, kumain ka na?" biglang tanong niya.

"Oo. Kaw ba?"

"Dapat... J tawag mo sa akin para sweet." sabi niya at tinignan ako saglit na may kasamang ngiti sa labi.

"Tsk! Ewan ko sayo!" Ganting sagot ko at lumingon sa labas para di niya mahalata ang pamumula ko sa sinabi niya. Shocks! Ba't ba ko kinikilig?

"Daan muna tayong drive thru okay lang?" sabi niya habang lumiliko sa kabilang kalye.

"Di ka kumain?" tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. Nagmadali na ako kasi alam kong naghihintay ka pa sa akin."

"Sira ka ba? Bago ka umalis sa inyo kumain ka muna. Okay lang naman na maghintay ako eh." Pagmamahal mo nga inaantay ko pa rin. Dagdag sabi ng isip ko.

"Ayaw ko. Ayaw kong maghintay ka pa sa akin eh."

My gosh! Ba't ba bentang-benta masyado ang mga pick up lines niya? S-#t! Imbes na sumagot ay pinilig ko na lang ang ulo ko at pinagpatuloy ang pagtingin sa labas ng bintana.

"Sabay tayo mag-lunch?" Tanong niya habang papasok na ako sa next class ko.

"Hmmnn. Baka matagal kami matapos. Wag na lang."

"It's fine with me. Antayin na lang kita mamaya."

"Bahala ka." Sagot ko at tuluyan ng pumasok sa loob.

-Jazz's POV-


Halos two weeks na rin ang dumaan simula ng magkatampuhan kami ni Ika. But since okay na sila ni Kuya, our relationship was back to normal.

"So tell me, Bessy kayo na ba ni Kuya ?" bulong ko sa kanya habang tinitignan namin sila kuya na umuorder ng lunch namin. Since matagal nakalabas si Bessy sa klase niya eh dito na lang namin naisipan kumain sa canteen.

"Shhhh...Baka may makarinig sa'yo dyan." Saway niya sa akin.

"Then , why can't you look me in the eyes? Habang sinasagot mo 'ko?" It seems like she' s avoiding that question.

"Hindi naman siya nanliligaw eh." Malumanay niyang sagot sa akin.

"Whaaaat?! Kuya is still not courting you?" Halos mapasigaw na ako sa gulat ng dahil sa sagot niya.

"Jazz! Slow down your voice." Saway niya sa akin.

At nakita kong napatingin na nga sila Kuya sa gawi namin.

Ahh!Nakakainis naman to eh! Ang torpe talaga ng kuya ko!

"Hey sis.. Anong nangyari sa'yo? Kanina mo pa ako tinitignan na parang gusto mong tusukin ang mata ko ." Biglang sabi niya sa kalagitnaan ng kainan namin.

"Wala! Tse! Kumain ka na nga lang!"

Hays! Nakakabwisit na ewan tong Kuya ko!


---------------------------

Comments please!

My Countless HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon