"Ahem." pagpepekeng ubo ni Jarreb sa may likuran na siyang nakapagpabalik saking huwisyo.
"H--hi. B-basha." saad ko at agad binawi ang aking kamay. Shit! Nabubulol pa talaga? Napatingin naman ako kay Leriko na malaki pa rin ang ngiti saking harapan.
"Guys! Let's eat!" sigaw ni Kiro mula sa loob ng bahay.
"ahhm. Oo nga. Kumain na tayo? Tara! Pasok na tayo sa loob!" hayag ni Enzo at nagpatiuna ng pumasok.
"Let's go?" agad na bulong ni Jarreb sakin ng makalapit. Tumango ako at ningitian ko siya. I didn't try to look at my back knowing that there's a man looking back at me.
"So, you mean, magiging kaklase na namin kayo?" tanong ni Ice habang nasa hapag-kainan na kami.
"I think so. Enzo already saw our schedule and we have 2 similar subjects." sagot naman ni Rhythm.
"Hindi naman kasi sila lahat Engineering eh. Yung 2 minor na kinuha natin, pareho rin sa kanila." paliwanag ni Enzo.
"Hey! What's your course, Ika?" biglang tanong ni Verse sakin.
Shit. She didn't said that out loud!
"Ah. Hindi naman Ika ang name niya. It's Basha." sabat ni Jazz na nakataas ang kilay sabay nguya ng steak na nasa tinidor niya.
"So? I'd like to call her Ika. It suits her." sagot naman ni Verse na tinaasan din ng kilay si Jazz.
"V,watch your mouth were eating."
Saad ni Rhythm at humingi ng pasensya."Ahm.. I'm an Engineering student." bigla kong sagot.
Nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila."Shit! You didn't pursue----
I mean. Wow." saad ni Verse saka uminom ng tubig."Boyfriend mo siya?" biglang tanong ni Leriko. Kaya napatingin ako sa kanya at nalipat ang tingin kay Jarreb. Nakita ko namang nagsusukatan ng tingin si Jarreb at Leriko. Patay!
"Yes . I am his BOYFRIEND." saad ni Jarreb na binigyang diin ang huling salita. Nagkibit-balikat lamang si Leriko.
"So,You wanna go out after this?
We're gonna sing in the Kyla's Bristo Bar."
Biglang sabat ni Tone ng maramdaman ang tensyon."Oh my Gosh! That's why you look familiar! Oh-em-gee! Kayo yung Clean Noise na sikat sa U.K!" biglang sigaw ni Jazz.
Bigla na lang nagtawanan ang mga boys sa biglaang pagsigaw ni Jazz.
Geez! Ba't ngayon pa niya na figure out? Akala ko idol niya si Rhythm? Tsk."Jazz, ngayon mo pa lang napansin?
I thought fans kanila?" singit ni Kiro na tumatawa."I--I d-didn't. . . I mean, kanina ko pa iniisip kong saan ko sila nakita before. That's why you all look familiar! How come nandito kayo ngayon? At mag-aaral pa dito..." saad ni Jazz.
"Were humans too. We can go to school and act normally,you know."
sagot ni Rhythm."Di ba sabi niyo, may isa pa kayong miyembro? Asan na siya?"
Tanong ni Enzo."That's why we're here. We want her back." agad na sagot ni Leriko at makahulugang tumingin sakin.
Yumuko na lang ako habang kumakain.Nandito na kami ngayon sa Kyla's Bristo Bar at nakaupo sa may harapan.
"You wanna sing with us?" biglang tanong ni Tone sakin.
Agad na napatingin ako sa kanya.
Geez! They know that I quit a long time ago."Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Hindi naman marunong kumanta si Bessy eh!" sabat ni Jazz at tumawa ng malakas. Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa si Kiro at Ice sa isang tabi. Maybe they remember the time I sing a song when I confess to
Jarreb how I felt about him. Wala ako sa tono noon at putol-putol pa ang pagkakanta dahil sa pagkakataranta.
It happened two years ago,doon sa Baguio kung saan ginanap ang birthday celebration ni Jarreb."Are you a good singer?" biglang tanong ni Verse kay Jazz.
Napahinto naman sa pagtawa ang huli at tinaasan ng kilay si Verse.
"No. But. . . So what's your point then?" sagot ni Jazz."My point is. . .
Hindi pinagtatawanan ang mga taong hindi magaling kumanta. Kung magaling ka, good for you! Kung hindi, maswerte ka pa rin. May kanya-kanya tayong talento at nasa atin na yun kung paano e-enhance."
Paliwanag ni Verse sabay lakad papunta sa harapan. Sumunod naman sa kanya sila Tone.I remember someone who said the same thing.
"Bitch." mahinang bulong ni Jazz sa tabi.
Napailing na lang ako.Nagreready na sila Leriko sa harapan ng makapasok na sila Jarreb, Xander at Enzo. Sila kasi ang nag-park ng mga sasakyan na ginamit namin.
Nasa drums si Rhythm nakapwesto habang si Tone ay nakahawak na sa gitara. Leriko stands at the center which makes him the vocalist, Verse,on the other hand acts as the pianist.
I used to be there. With them.
I close my eyes as I remember the past."B? Are you okay?" tanong ni Jarreb ng makaupo ito saking tabi.
Nagmulat ako ng mata at ngumiti sa kanya saka tumango. Kinuha naman niya ang aking kamay at hinalikan saka ngumiti pabalik.
I love you.
I wanted to say. But. . . I don't think it's appropriate to say it at this moment. Kaya tumingin na lang ako sa harapan. Nakita ko ang malalim na mga mata ni Leriko na nakatingin pabalik.----------------------------------
Dedicated @xRemiRems !
Dahil excited na daw siya! Ayan na po!
So did I reach your expectation? :)
Comment na lang sa mga gusto dyan! Hahaha.
