Chapter 38

2.2K 39 0
                                    

"I'm so---rry,Leriko. I didn't mean to hurt all of you. I'm sorry." saad ko habang umiiyak. Nandito na kami sa lood ng kwarto ko. Kinarga niya ako at dinala dito para makapagpahinga na daw ako. Ngunit hindi ko pa rin matigil ang pag-iyak.

"Ssshh. .stop it okay? Tama na..Please. Stop crying." sagot niya habang hinahagod ang likod ko.

"G--gusto ko lang naman sumaya ulit. Mali bang kalimutan ko yung mga masasakit na nangyari sa nakaraan?"

Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Hindi naman yun masama,Musika. Ang amin lang, sana huwag mo kaming isali sa kagustuhan mong makalimot. You know that I love you. We love you and hurts seeing you like this. Please. . .stop crying."

Mas lalo lang lumakas ang hagulgol ko. I didn't mean to hurt them.

"Ako ng bahala sa kanya,Leriko. Umuwi ka na muna at gabi na." mahinang utas ni Kuya Dion mula sa pintuan. Hinalikan ako ni Leriko sa ulo at saka niyakap sabay bulong,

"Please stop crying. I'll talk to V, okay? Calm down now."
Saka sya tumayo at umalis.

"Baby girl. . Please stop crying." saad ni Kuya ng makalapit siya sa aking kama.

"I know it hurts. I know. Just stop crying okay? Kapag nalaman ni Mommy na umiyak ka na naman, malulungkot yun. Gusto mo ba yun?" saad niya saka ako niyakap at hinagod ang aking likod.
Umiling ako at pinunasan na ang aking mata.

"Good girl." saad niya saka ako pinahiga sa kama.

"Alam kong gusto mo ng bumalik sa pagkanta. Nasa dugo mo ang pagkanta. Bakit mo pinipigilan ang sarili mo? Takot ka ba dahil naaalala mo ang Mamang mo? Hindi mo ba naisip na ikakasaya niya kung babalikan mo ang nakahiligan mo noon? Just forget and forgive. Subukan mong kalimutan ang lahat ng masasakit na nakaraan mo, pero huwag mo sanang kalimutan yung mga taong nagmamahal sayo. Kung nasasaktan ka,mas nasasaktan sila,kami. Nasasaktan rin kami na nakikita kang ganyan. Kaya tama na, ha?" saad niya saka hinagod ang aking ulo. Kiniss niya ko sa ulo saka ngumiti.

"Sleep now. Goodnight." saka sya tumayo at lumabas ng aking kwarto.

Siguro nga tama sila. Dapat ko ng kalimutan ang nakaraan na yun at balikan ang bagay na nakahiligan ko.



"Xander saw them." saad ni Jayvie sa akin. Nilagok ko ang aking inumin bago nagsalita.

"You think, he'll tell the others about what he saw?" tanong ko.

"Nah.. Xander is not talkative. Hindi siya katulad ni Kiro.How is she?"

"Still crying. Yung kapatid mo ba di sasaktan ang kapatid ko?" tanong ko at nagsalin ulit ng alak.

"Dion, hayaan natin sila sa relasyon nila. Jarreb won't hurt her." sagot nito saka nilagok ang kanyang inumin.

"Ayaw ko lang masaktan si Basha. Kahit na hindi siya si Blash na tunay kong kapatid, tinuring ko na rin siyang totoong kapatid. Kahit na magpinsan lang kami, I need to protect her. I don't want to see her like---- I just don't like seeing her hurt."

Bigla ko na lang naalala ang nakaraan.

Masyado ng tahimik ang bahay simula ng mawala si Blash,ang nakakabata kong kapatid. At the age of 13 she died. Nasagasaan siya ng isang malaking truck ng bigla siyang tumawid sa daan. Mom and Dad was devastated,especially my mother. Hindi ko na siya masyadong nakikita na ngumingiti. Palagi ko siyang nakikitang umiiyak kapag mag-isa sa isang sulok.

"Are you done, Dion?" tanong ni Daddy. Tumango ako at sumunod sa kanya sa garahe. Pupuntahan namin ang anak ng half-sister niya na nasa ospital daw ngayon.
Sumakay kami ng chopper para mas madaling makarating doon sa lugar ng kapatid niya.
Nang makapasok na kami ng ospital ay nilapitan agad ni Daddy ang isang lalakeng nakayuko sa upuan.

"Marco..." tawag ni Daddy sa kanya.

"Zack... " bigla na lang itong umiyak.

"S---she was blaming me. I didn't mean to push Mu--sika that night. Galit at nakainum ako noon. I----
Ayaw niyang ku---main kahapon, iniwan ko lang siya sandali at ng bumalik ako ay naglalaslas na siya."
Paliwanag ni Tito Marco.
Tinatapik lang ni Dad ang balikat ni Tito.

"Hindi pa siguro matanggap ni Ika ang lahat,Marco. Pabayaan na muna natin siya. Give her some time to cope it up." saad naman ni Daddy.

"Sir! Sir! Yung anak niyo po! Tinanggal yung dextrose at nilaslas yung kabila niyang kamay." sumbong ng nurse na tumatakbong lumapit samin. Biglang nataranta sila Tito kaya agad din silang tumakbo patungo sa silid ng kanyang anak. I was left stunned and alone.

Bakit ba may mga taong gusto magpakamatay? Kung sino pa yung ayaw mamatay sila pa yung kinukuha na.. .at kung sino naman yung ayaw ng mabuhay tsaka naman mas magtatagal pa sa mundong ibabaw.
How ironic it is?




Malungkot ang kanyang namumugtong mga mata. Bukod doon ay wala ka ng makikitang expresyon na mamumutawi sa kanya.May benda na ang dalawa niyang kamay. Nasalinan siya ng dugo sanhi ng nagpakamatay siya noong una.
Wala na yung batang nakangiti na kalaro ng kapatid ko na si Blash.
Hindi nga rin siya nagsasalita magto-two weeks na sabi ni Tito Marco. Di niya kinikibo ang mga kaibigan niya. Pati si Tito Marco ayaw niyang palapitin sa kanya.
Ganyan ba talaga ang nangyayari sa mga taong nasasadlak sa kalungkutan? Tsk.

It's been a month na ako ang nagbabantay sa kanya. Nagpresinta na rin ako na alagaan muna siya kasama ko naman ang mga kaibigan niya,minsan salitan kaming lima nina Leriko. Kapag pumapasok si Tito Marco sa kwarto niya ay nagiging histerikal siya. Agad-agad siya na sisigaw at iiyak. Inilayo namin lahat ng mga bagay na maaaring makapanakit sa kanya. We seek help with the help of the psychiatrist. Sabi ni Dr.Hyde ay dala ng depression ay di siya nagsasalita. Di pa daw nito matanggap ang pagkawala ng ina. Naaawa na nga rin ako kay Tito Marco dahil alam kong dobleng sakit ang nararamdaman niya sa kalagayan ng anak.

"Ika, kumain ka na."saad ko sabay lagay ng pagkain sa kanyang harapan. Wala pa rin siyang imik hanggang ngayon. Panggatlong buwan na niya itong di nagsasalita at limang beses na siyang nagtangkang magpakamatay. Araw-araw siyang pinupuntahan ni Dr. Hyde dito para tingnan. Ngunit araw-araw din kaming nabibigo dahil di pa rin siya nagsasalita.

"K--ku. . .ya." bulong niya ng matapos kong maisubo ang isang kutsara ng pagkain. Nanigas ako ng tawagin niya akong kuya. It's like I heard Blash called me Kuya. Tinignan ko si Ika ng mabuti.

"Ilayo mo ko sa Pa... S--a kan--ya."
Nagsusumamong pakiusap niya.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko.

"Malayo. Sa malayong lugar." sagot nito.

Pinipiga ang puso ko ng makita kong tumutulo na naman ang kanyang mga luha.

Right there and then, I felt the feeling of protecting her. I want to protect her. I want to be the one to bring back the smile that fade away from her lips.
Gusto ko siyang alagaan bilang nakakabatang kapatid at gampanan ang tungkuli ng isang Kuya.

My Countless HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon