Isang araw
kami ay nagpasya
na kalimutan muna
ang aming problema
Pumunta kami sa parke
Nagkuwentuhan
Mga simpleng bagay
ay pinagtawanan
Doon ay nanatili kami
hanggang gabi
Humiga kami sa damuhan
Hawak-kamay naming
pinagmasdan
ang mga bituin
Binilang isa-isa
na para bang mga sira
Sino ba ang nakakaalam
kung ilan
ang eksaktong bilang
ng mga kumikislap na tala
na kapag sa malapitan
ay hindi naman talaga
parang Christmas lights
na kumukuti-kutitap?
Tulad ng pag-ibig namin
Na ipinaglaban ko
Na ipinaglaban niya
Pero sa huli
siya
ay susuko rin pala
Sumama siya
sa mga magulang niya
patungo sa ibang bansa
Sinira ko
ang pangako ko
na hindi hahayaang
kami ay maghihiwalay
Sinira din niya
ang pangako niya
na hindi bibitaw
sa aking kamay
Huli na
nang malaman ko
Kaya
wala
akong
nagawa
Iniwan niya ako
Nag-iisa
Lumuluha
Hanggang sa
muli ko siyang nakita
noong isang taon
sa bahagi ng mall
na kinaroroonan ko ngayon
Hindi niya alam noon
na sa pangalawang pagkakataon
muli niya akong iniwan
Nag-iisa
Lumuluha
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PoetryIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].