TULA 12: Kinalimut-limutan, Nahihirap-hirapan

54 8 10
                                    

Ilang beses

na sinubukan kong

kalimutan siya

Pero bakit

nakadikit

na parang glue

ang mga alaala niya

sa isip at puso ko?


Hindi naman siya multo

Pero bakit kahit saan ako tumingin

siya ang nakikita ko?

Ano bang mayroon

ang isang tulad niya?

Bakit hindi ko magawang

kalimutan siya?


May namataan akong

isang nakatalikod na dalaga

Nang nilapitan ko

nalaman ko

na hindi pala siya

Ako lang pala

ay namamalikmata


Lagi ko siyang naaalala

Bakit ba?

Ayaw ko na sana

Pero sa isip at puso ko

hindi siya mabura

Ako'y nahihirapan na


Nahihirapan ako

dahil wala siya sa tabi ko

Nahihirapan ako

dahil hindi ko siya maialis

sa alaala ko

Lalong-lalo na

sa aking puso


Para akong sirang plaka

Paulit-ulit ang mga salita

Para akong sira

Parang palaka

Parang sirang plakang palaka

Kokak nang kokak

Tugtog nang tugtog

Tungkol sa isip ko

na siya lang ang alam

Tungkol sa puso ko

na siya lang ang laman


Kailan ba siya mawawala

sa puso ko at alaala?

Kailan ko masasabing

nakalimutan ko na?

Kailan ko masasabing

ang damdamin

ay wala na?

Masasabi ko kaya?


Kahit anong

gawin kong

pagmumura

tumitindi lang lalo

ang pagmamahal ko

sa kanya


Bakit pa kasi siya dumating

kung hindi rin lang naman

magiging habambuhay

na akin?


Paglingon ko muli

sa musical instruments section

nakita ko siya


Nakita niya ako






Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon