Ito ay tungkol sa isang dalaga at isang binata na nakita ko sa musical instruments section ng Gaisano Mall of Antique, San Jose, Antique noong 2013. Hindi ko na matandaan ang exact date pero buwan yata iyon ng Hunyo.
Ginawan ko sila ng kuwento sa pamamagitan ng tula na tinipa ko sa aking obsolete cell phone at inilipat ko rin sa aking not-too-many-defects laptop at kasalukuyang nakaimbak sa Drive D kasama ng iba pang mga manuscript na finished at unfinished, published at unpublished, read at unread.
Tawagin po natin itong tulaserye, isang serye ng tulang pasalaysay (narrative poetry). Ito ay pinamagatang Paikot-ikot, Patingin-tingin.
Kung sakali pong maguluhan kayo kung sino ang nagsasalita sa tula o persona ng tula, tatlo po sila: ang binata, ang dalaga, at ang lihim na nagmamasid sa kanila.
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PuisiIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].