Isang hapon
habang ako'y
naglalakad
patungo
sa bus terminal
nakita ko siya
nakaupo sa waiting area
Napahinto ako
Tiningnan ko siya
nang mabuti
Baka ako lang ay nagkakamali
Baka ako'y namamalikmata
Ngunit siya nga talaga
Hindi dapat
kami magkita
Tama na
Ayaw ko na
Titigilan ko na
Ayaw ko nang isipin siya
Titigilan ko nang umasa
Hindi ako dumiretso
Ayaw kong makita niya ako
Mabuti na lang
hindi siya nakatingin
sa aking kinatatayuan
mula sa hindi kalayuan
Lumihis ako ng daan
Lumayo sa terminal
Sumakay sa tricycle
Bumaba sa kung saan
At aking namalayan
ako'y nasa loob ng mall
sa musical instruments section
At sa hindi inaasahang
pagkakataon
nandoon
din
siya
Hindi ko na nagawa
ang umiwas
sapagkat
nagtagpo
ang aming
mga mata
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
ŞiirIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].