Nakangiti akong
humarap sa kanya
Tumambad sa akin
ang masaya ring
mukha niya
Ang itsura niyang
hindi nagbago
mula noong
una ko siyang makita
Mabilis pa sa kidlat
bumalik ang nakalipas
Mula noong magtagpo
ang aming mga mata
hanggang ngayon
sa muling pagtagpo
ng mga iyon
Wala nang mga salita
Sapat na ang mga titig
habang humahakbang
papalapit sa isa't isa
Mga titig na nagsasabing
Siya pa rin
Ako pa rin
Siya na lang uli
Ako na lang uli
Kaming dalawa na lang uli
Kaming dalawa pa rin
ang isinisigaw
ng kanya-kanyang damdamin
Mayamaya
hindi ko na
maihakbang
ang aking mga paa
Bumangga na pala
ang mga iyon
sa kanyang
mga paa
Kami ay nagkatawanan
Kapagkuwan
niyakap ko siya
nang mahigpit
Halatang nasasabik
Tulad niya
Pagkatapos
kami ay nagkatinginan
Nag-usap ang mga mata
na tila nagpapahayag
kung gaano namin
kamahal
ang isa't isa
Inilapat ko
ang mga labi ko
sa mga labi niya
Walang pakialam
sa mga makakakita
Gumanti siya
ng halik
Buong-puso
Nararamdaman ko
sa mga kamay niyang
kumunyapit
sa aking batok
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PoesíaIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].