Siguro
sa araw-araw
at paulit-ulit
na kaiisip ko
sa kanya
ako'y nagsawa na
Marahil
hindi ko na siya
mahal
Nawala na
ang pagmamahal
Noon
gusto kong
mahalin siya
nang habambuhay
Ngunit iniwan niya ako
Matagal
Hanggang sa nawala
ang pag-ibig
na aking inialay
Siguro
huli na
ang lahat
nang siya'y
nakipagbalikan
Wala na
ang pagmamahal
Naglaho na
sa aking puso at isipan
Noong siya
ang aking kalawakan
tila isang planeta
ang aking puso
Umikot-ikot
sa taluhabang ligiran
Tiniis
ang matinding
init ng araw
ang pabago-bagong panahon
Hanggang
sa isang
iglap
ni anino niya'y
hindi na matanaw
Sa tuwing naaalala ko
ang aking kabaliwan
ako'y ngumingiti
tumatawa na lamang
Nakaraa'y nagawa ko nang
iwaglit sa aking isipan
Kaya ko na muling
humakbang
maglakbay
muling ilagay
ang ngiti
sa aking mga labi
Sa wakas
tapos na rin
ang mahabang paghihirap
sakit
at pighati
Sa buhay natin
may mga dumarating
Minsan
hindi natin
namamalayan
sila'y bigla na lang
umaalis
Naiiwan tayong mag-isa
kalungkuta'y tinitiis
Subalit
may mga bagong darating
upang magmahal sa atin
nang tunay
nang labis
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PuisiIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].