TULA 20: Hinaya-hayaan, Dinamay-damayan

30 5 4
                                    

Hinayaan ko na lang

ang aking damdamin

na masaktan

Hinayaan ko na lang

ang aking puso

na masugatan

Hinayaang malaglag

sa sahig

Hinayaang mabasag

Magkapira-piraso

Kumalat

Dumugo


Dinamayan ko na lang

ang aking sarili

Habang

pinabayaang

umiyak

ang aking namumugtong

mga mata

Pinabayaang dumaloy

ang mga luha

sa aking mga pisngi

Tila isang mapait

na halik

Nagsusumikap

na maging matamis


Marahil ay talagang ganoon

Hayaan ang puso

sa anumang nais nito

May sarili rin itong buhay

Hindi lang nito kailangang

sumaya

upang maging matiwasay

Kailangan din nitong

masaktan

upang maging matibay

Damayan na lamang

kapag kailangan

Sapagkat sa huli

kusa rin itong tatahan


Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon