NOTE: Ichiro on the media!
*****
Ngayong araw na ang simula ng pag-pasok ko sa Wilton University kaya naman hindi ako mapakali dito sa kinauupuan ko. Napagdesisyunan kasi nila Zera na sila na ang maghatid sakin at kanina pa sila inis na inis dahil ang likot likot ko raw. Sila kaya dito sa sitwasyon ko?
"We're here!" Napaigtad ako dahil sa gulat ng sabihin ito ni Zab. Sumilip ako sa bintana at nandito na nga kami. Lumabas na ako ng kotse. Wala ng atrasan.
"Good luck girl!"
"Bakit kasi ayaw mo na lang kaming pasamahin?" Nakapout na sabi ni Saphire dahilan para mapatingin ako sakanya. Ito na naman tayo.
"Pinagusapan na natin 'to right?" Tumango tango naman sila. Mabuti ng malinaw baka may gawin pa silang kalokohan.
"Sige na, papasok na ko ingat kayo." Kumaway ako sa kanila pero natawa ako dahil sa nakasimangot nilang mga mukha.
Huminga ako ng malalim at tinignang mabuti ang nakaukit na pangalan sa malaki at kulay itim na gate.
'Wilton University'
Wala ng atrasan. Lumapit pa ako sa gate at automatiko naman itong nag-bukas. Natigilan lahat ng estudyante ng makita ako. Hindi ko sila pinansin at dire-diretsong pag-lakad ang ginawa. Pinilit ko na hindi magpaapekto sa atensyon na binibigay nila sakin.
"Sexy!"
"Dude virgin pa ata! Hahaha!"
"Shvt, ganda!"
"Ang kinis pre!"
Gusto ko na sanang tumakbo palabas at habulin sila Zera pero dahil malapit na rin naman ako sa—teka! Hindi ko pala 'to kabisado! Kung mas malaki ang St.Natali mas doble naman ang laki nito but I'm dead! Bakit hindi ko naisipang humingi ng mapa kay Sir Scheps?! Saglit! Diba binigyan niya ko? Don't tell me naiwan ko sa sasakyan ni Zera? O gahd!
Nilibot ko ang paningin ko mula sa kinatatayuan ko at nahagip ng mata ko ang kumpol ng mga lalaking nag-uusap usap. Mukha naman silang matitino ba'se sa itsura nila pero isa lang ang agaw pansin sa kanilang lahat yung aura ng isa nilang kasama na parang mangangain, parang familiar siya sakin?
Anyway! Pakapalan na ng mukha kesa naman maligaw ako dito. Dahan-dahan akong nag-lakad papunta sa direksyon nila at bawat hakbang ko parang pabilis din ng pabilis ang pintig ng puso ko.
Pero napatigil ako ng mamukhaan ko ang sinasabi kong lalaki sabi na nga ba! Familiar siya sakin! Siya yung lalaki noong Saturday. Oh my! Naalala ko pa naman na binato ko siya ng sandals ko. Pagnamukhaan niya ako sure akong patay ako!
Dahan-dahan akong tumalikod sakanila pero hindi pa ako nakakahakbang ng may mag-salita galing sa likod ko na nag-pakilabot sakin.
"A girl like you is not allowed here." Salita pa lang manghihina ka na! Nag-dadalawang isip tuloy ako kung didiretso ba ako ng lakad o tatakbo pero mas pinili kong tumak---
"Wait, did we met before?" Nahawakan niya ang palapulsuhan ko pero hindi ako tumingin sakanya. Iling lang ang sinagot ko.
"Uhm! Nasaan ba ang principal office dito?" Tanong ko ng hindi tumitingin sakanya. Ilang minutong walang sumagot kaya balak ko na sanang tumakbo at hilahin ang kamay ko sakanya pero hinigpitan niya pa ang paghawak dito.
"Tss. I'll acompany you." Sasagot pa sana ako pero tuluyan na niya akong tinangay.
"Teka lang! Kaya ko naman mag-lakad!" Tumigil siya sa pag-hila sakin at binitawan na ako. Thank God! Dahil kanina pa ako nahihirapan.
"Saan ba dito ang Principal Office?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya matapos kung ayusin ang neck tie ko hindi siya nag-salita at titig na titig lang sakin. Teka! Namumukhaan na ba niya ko? Huwag naman sana!
"Uy!" Nag-snap ako sa mukha niya dahilan para mas maging seryoso pa ang expression ng kanyang mukha. Kinilabutan na naman tuloy ako, nakakatakot talaga siya! Buti hindi niya pa ako nakikilala.
"Follow Me." Ilang minuto kaming nag-lakad hanggang sa huminto kami sa isang pinto. Ito na ata ang Principal Office. Binuksan na niya yung pinto at bumungad samin ang isang matanda.
"Mr.---"
"She's here." Agad na sabat ng lalaki sa Principal, I think?
"Good Morning Ms.Pereira."
"Good Morning din po."
"Welcome to Wilton University." Bigkas niya sa school nila na parang may pag-babanta.
"Salamat po." Pilit akong ngumiti.
"Ayos na ang comfort na para sayo and here's your I.D, schedule,
map and the key." Lahat naman ng binigay niya ay tinanggap ko pero bakit dalawa ang susi para sa locker? Pero bakit dalawa? Ano 'to duplicate? E? Pero magkaiba naman."Para saan po---"
"Yung isang key para sa locker at yung isa para sa dorm." What?! Mag do-dorm ako?!
"Sir pwede naman po akong umuwi---"
"No, Ms.Pereira you will stay here until you finish the punishment except the Christmas Break."
Bakit walang sinasabing ganto sa akin si Sir Scheps? Kailangan ko siyang makausap.
"S-Sige po, salamat!" Palabas na sana ako pero hindi ko pa nahahawakan yung door knob ng may maalala ako.
"Uhm...Sir?" Humarap ako at nakita ko ang mukha ni Sir na nagtataka habang yung lalaki na tumulong sakin nakakunot lang ang noo.
"Sino po roomate ko? Or meron po ba?" Alinlangan kong tanong. Sana wala!
"Si Mr.---"
"Me."
What?! Siya?!
Uh-oh...
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Teen Fiction[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...