NOTE: Autum on the media!
*****
May tumakip sa bibig ko at hinila ako papasok sa loob ng Wilton University. Pinilit kong makawala sakanila pero masyado silang malakas. Nasan na ba si Ichiro? Bakit niya kasi ako pinatakbo ng mag-isa?
"Miss, huwag kang mag-alala mabait kami. Bibitawan kita pero huwag mo kong sapakin baka masira kasi ang maganda kong mukha." Aba! Ang hangin naman pala ng lalaking 'to! Pero tumango pa rin ako. Binitawan niya nga ko at parang familiar ang mukha nila sakin.
"I'm Azer, kaibigan kami ni Master---Boss---Wilt---Ichiro!" Sabi na nga ba! Sila yung nakita ko kanina.
"Eron."
"Lance."
Naglipatlipat ang tingin ko sakanilang tatlo at may maipagmamalaki nga naman sila lalo na pagdating sa mukha pero mas gwapo pa rin si Ichiro right? Teka! ano na naman ba tong pinag-iisip ko? Aish!
"Nandyan na pala si Master." Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Ichiro na may sugat sa taas ng kilay niya. Nakipagbugbugan ba siya sa mga lalaking nakita ko kanina?
"Ayos ka lang?" Tanong ko at balak sanang hawakan ang sugat niya pero agad siyang umiwas.
"I'm fine." Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
"Pasensya na Autum---"
"Okay lang Lance. Sige una na ko." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at dumiretso na papasok sa Wilton University at nagtungo na sa dorm. Kailangan ko pa lang makausap si Sir Scheps---wala nga pala sakin ang phone ko.
"Kainis!"
Napaupo na lang ako sa kama ko ng maalala si Ichiro may sugat nga pala siya. Pumunta ako ng comfort at buti na lang may first aid kit dito.
Binuksan ko ang pinto ng dorm at nagpalinga-linga muna ako bago tuluyang lumabas. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa mapatigil ako sa isang room parang may nakita akong tao dito. Sumilip ako at nakita ko ang isang lalaki kung hindi ako nagkakamali si Ichiro 'yon. Akala ko naman kung nasaang lupalop na siya.
Nakaupo siya sa isa sa mga bangko at nakaharap sa bintana kung saan tumatama ang liwanag ng buwan. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Bakit parang ang lungkot niya?
Pumasok ako sa loob at tumabi sa kanya dahilan para mapalingon siya sakin. Ngumiti lang ako at pinagmasdan din ang maliwanag na buwan. Ang ganda nito.
"Uhm...gamutin ko sugat mo?" Nahihiya kong sabi dahil kahit hindi naman niya sabihin alam kong kasalanan ko ang nangyari. Hindi ko lang alam kung sino ang mga lalaking 'yon pero kasalanan ko parin dahil niyaya ko siya sa lugar na 'yon.
Humarap siya sakin kaya kumuha na ako ng bulak at naglagay ng alcohol dito. Dahan-dahan ko itong dinampi sa kanya akala ko masasaktan siya pero ng magtama ang tingin namin wala itong expression. Naiilang tuloy ako dahil titig na titig siya sakin.
"What's your punishment?" Halos ma-estatwa ako sa tanong niya. Sasabihin ko ba? Pero wala rin namang makakatulong sakin dito kung hindi siya lang.
"Ano...uhm...k-kasi..." Napabuga ako sa hangin at ramdam ko parin ang pag-titig niya sakin.
"What?"
"Hinahanap ko ang may-ari nitong Wilton." Mabilis kong sabi na kinakunot ng noo niya.
"Come again?" Napasimangot ako at binaling ulit ang tingin sa buwan. Ayusin mo kasi Autum!
"Ano...hinahanap ko yung
may-ari nitong Wilton." Nauutal kong sabi at napayuko na lang."Bakit?" Ang chismoso naman nito ni Ichiro.
"Kasi yung principal namin inutusan ako na...na pilitin na makipag partnership yung may-ari nitong Wilton University sa St.Natali." Tumingin ulit ako sakanya. Wala na namang ekspresyon ang kanyang mukha.
"...pero alam mo ba nagulat ako ng sabihin ni Sir Scheps na student siya dito iniisip ko pa naman yung itsura niya...akala ko...panot siya katulad ni Sir Scheps, mataba at uugod-ugod na." Dugtong ko pa at napangiti ng maisip na naman iyon.
"What the fvck?" Napaigtad ako sa gulat ng bigla siyang sumigaw.
"Bakit?" Taka kong tanong pero tumahimik lang siya.
"Nothing....tss."
"Ano nga---"
"If you find the owner of this school. Anong sunod mong gagawin?" Natigilan naman ako.
"Ah...pipilitin siya?" Iyon naman talaga ang punishment ko right?
"Pano kung hindi siya pumayag?"
"Pipilitin ko pa rin siya. I will do anything para mapapayag siya!"
"Then what happen next if he/she say yes?"
"Mas maganda! Makakaalis na agad ako dito. Sana nga lang makita ko na siya agad."
"Tss." Nagulat ako ng tumayo na siya kaya napatayo rin ako. Mukhang bad mood? Ehh? May mali ba sa sinabi ko?
"Ichiro---"
"Don't..." Iyon lang narinig ko sa kanya at lumabas na ng kwarto.
Anong don't? Donut? Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ang weird talaga ng lalaking 'yun.
Sana nga lang mapabilis ang paghahanap ko kay Mr.Wilton. Ayoko ng tumagal pa dito. Niligpit ko na ang mga bulak na ginamit ko at bumalik na rin sa dorm.
Naabutan kong natutulog na si Ichiro sa kama niya ng makapasok ako sa dorm. Nilapag ko ang first aid kit sa side table ko at nilapitan siya. Ang bilis naman niyang makatulog.
"Zia..."
Dinig kong sabi ni Ichiro.
Zia? Sino naman kaya 'yon?
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Teen Fiction[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...