NOTE: Half Alcantara on the media!
*****
Anong oras na rin kaming nakauwi kagabi kaya tinatamad pa akong bumangon pero kailangan kasi may quiz kami sa Math at ayoko namang makakuha ng zero kahit one point lang masaya na ko.
Hindi ko na hinintay si Ichiro at dumiretso na sa room namin. Medyo madami na ring students pero wala parin yung professor kaya nag review muna ako habang nag hihintay.
Wala talaga akong maintindihan sa Math kahit anong pilit at basa at intindi ang gawin ko hindi ko parin siya magets.
"Good morning." Agad akong napatingin sa unahan ng marinig ang boses ng professor namin.
"May papakilala ako sainyo."
Biglang nag bulungan ang mga students. Naririnig ko na sana raw babae 'to dahil sawa na raw sila sa bakla. Wait! So meron talagang bading dito? Oh my gosh! Tapos...tapos...urgh! Ayoko ng ituloy!
"Please introduce yourself." Nabaling ulit ang atensyon ko sa unahan at halos malaglag ang panga ko ng makilala 'to. Anong ginagawa niya dito?
"Half Alcantara." Tipid nitong sabi at pumunta sa direksyon ko. Nataranta naman ako dahil si Ichiro ang nakaupo dito. Sana pala sumabay na lang ako sakanya.
"Hi Autum! Hindi mo naman sinabi na dito ka napasok."
"A-anong...ginagawa mo dito?"
"Huh? Ito ang napili kong school. Ayaw mo 'non mag kasama tayo." Sabi niya at inakbayan pa ko. Mag kasama kami? Aish! Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya pero ang dapat kong gawan ng paraan ngayon ay si Ichiro! Siguradong magagalit iyon dahil wala siyang upuan.
"You're late Mr.Ichiro." Nang marinig ko 'yon sa professor namin parang gusto ko ng tumakbo palabas dito at mag tago. Paktay!
Nag tama ang tingin naming dalawa at swear! Para siyang papatay ng tao waaaahh! Hindi ko naman kasalanan. Inalis ko rin ang pag kakaakbay ni Half sakin.
"Mainit."
"Pero may aircon naman." Hindi ko na lang pinansin si Half. Nakita kong umupo si Ichiro sa tabi ni Lance sa unahan. Tumingin sakin si Lance at parang nag tatanong pero nag iwas lang ako ng tingin.
Nag simula na ang quiz namin at buti na lang may nasagot ako. Lumabas din ako kaagad pag kabigay ko ng answer sheet ko kay Sir. Nakita kong kasunod ko lang si Ichiro kaya binilisan ko ang pag lalakad.
"Autum!" Napatigil ako dahil hindi naman 'yon ang boses ni Ichiro. Lumingon ako at hindi naman pala siya sumusunod. Nakita ko si Lance na natakbo papunta sa direksyon ko.
"Bakit?"
"Sino yung katabi mong lalaki?" Tanong nito na medyo hinihingal pa.
"Si Half. Childhood friend ko."
"Ah, so napansin mo namang galit si Ichiro." Tumango tango ako.
"Gawan mo na lang ulit ng cup cakes." Nakangiti niyang sabi kahit alam ko na gusto niya rin.
"Wala akong ingredients. Tsaka saan ako mag luluto?"
"Bibili na lang kami ni Azer. Sa pag luluto naman doon na lang sa cooking lab."
Sabi ni Lance hintayin ko na lang daw sila sa cooking lab. Kaya iyon ang ginawa ko. Nag excuse na rin daw siya sa next class ko. Sana lang magustuhan ulit ni Ichiro.
Pa silip silip ako sa pinto at saktong nakita ko si Half. Lumapit siya sakin at kanina niya pa raw ako hinahanap sabi na nga ba tama ang hinala ko pumasok siya dito dahil lang sakin. Kilala ko si Half hindi siya papasok sa gantong school na puro bad boys at masama ang image.
"Sino hinihintay mo----"
"Kami."
Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Lance at Azer na madaming bibit na plastic. Saglit! Bakit ang dami?
"Anong ginagawa niyan dito Autum?"
"Nandito ako dahil kay Autum."
"Aba't!---"
"Tumigil nga kayong tatlo!" Saway ko sa kanila. Parang mga bata.
Sinimulan ko ng ilabas lahat sa plastic ang pinamili nila. Ang dami naman nito.
"Sino ba siya?" Napatingin ako kay Azer na katabi ko at tinutulungan ako.
"Si---"
"I'm Half Alcantara."
"Tch."
Hindi ko na lang sila pinansin na tatlo at nag focus sa pag gawa ng cup cakes. Sure akong sinadya nila Azer na damihan 'to.
"Hindi ko alam na matututunan mo 'to Autum." Sabi ni Half habang pinapasok sa oven yung mga gawa ko na. Aalis daw muna kasi yung dalawa at hahanapin si Ichiro.
"Nag practice ako ng nag practice."
"Para kanino ba 'to?"
"Kay Ichiro." Tipid kong sagot at nag unat unat. Ang sakit ng braso ko.
"Yung lalaki na kasama mo noong Sunday?" Tumango ako.
"Buti pa siya."
"Ha?"
Hindi ko kasi narinig ang sinabi niya nakatuon kasi ang atensyon ko sa labas. Gabi na pala.
"Wala."
"Ah, okay."
Bumalik na yung dalawa at sabi na sa dorm daw namin sakto rin na tapos ng maluto yung mga cup cakes. Nilagyan ko na lang 'to ng icing tsaka binalot sa box.
Nag paalam na ko sakanila at hindi na sila nakapagsalita dahil punong puno yung bibig nila.
"Autum sabay na ko sayo."
"Huh? Saan ba dorm mo?"
"Sa katabi niyong dorm."
Hindi na ko nakapagsalita. Talagang doon siya nag dorm natawa na lang tuloy ako. Si Half talaga kung anong gusto niya gagawin niya.
Malapit na kami sa dorm namin ni Ichiro ng biglang bumukas 'to. Kinabahan tuloy ako lalo pa at kasama ko si Half.
Akala ko hindi niya ko papansinin pero nagulat ako ng hawakan niya ang wrist ko at hinila papasok ng dorm. Mukhang wala na ring nagawa si Half.
"Kaya ka pala ginabi dahil kasama mo ang lalaking 'yon tsk."
"Hindi nag---"
Bigla niya akong sinandal sa pader at nakita ko sa mata niya ang galit.
"Nakita ko na Autum! huwag---" Hindi ko alam kung bakit ko siya biglangg hinalikan. Teka! Nahahawa na yata ako kay Ichiro! Bigla bigla na lang nang hahalik!
Humiwalay ako at kinuha ang kamay niya para iabot ang cup cakes na ginawa ko.
"Sorry." Bulong ko pero tama lang para marinig niya.
Agad akong tumakbo palayo habang sobrang lakas ng kalabog ng dibdib.
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Roman pour Adolescents[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...