Chapter 10

27K 812 7
                                    


Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos hindi dahil sa nangyari kagabi kung hindi sa mga sinabi nila Zera. Hindi ko parin kasi makalimutan.

Totoo nga kayang may crush ako kay Ichiro? Pumikit ako at nilagay ang kamay ko sa aking dibdib. Inisip ko ang mukha ni Ichiro. Biglang pumintig ang puso ko ng mabilis dahilan para mapamulat ako. Mukhang 'di na tama 'to.

Sinilip ko si Ichiro at natutulog pa siya. Buti naman! Dapat hanggang bago pa lang inaagapan ko na 'to dahil baka mauwi pa 'to sa kung saan.

Pagdating ko sa room may naabutan na rin akong ibang mga estudyante dito pero lutang parin ang isip ko. Kailangan kong umisip ng plano para hindi na mapunta sa like itong crush at mapunta sa love itong like.

Ano nga bang dapat kong gawin? Umiwas? Pero mas maganda siguro kung pag tutuunan ko ng pansin ang punishment ko dahil 'yon naman talaga ang pinunta ko dito right? Tama tama!

Natanaw ko si Ichiro na papasok na dito kaya dali-dali akong umayos ng upo. Hindi ko alam kung ako lang ba pero himala hindi niya ko pinansin. Teka! Autum! diba mas maganda na 'yon! Aish! I hate this feeling!

Dumating na ang professor namin at shemay! May surprise quiz daw kami kaya ito ako halos titigan lang ang questioner. Pag mimamalas ka nga naman! Nag simula na akong mag sagot kahit unsure ako. Sabi kasi ni Sir kung sino daw ang matatapos pwede na daw lumabas. Mabilis kong tinapos ang quiz at nag mamadaling lumabas ng room.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo ng may humila sa kamay ko. Nagulat ako ng pag harap ko si Ichiro 'to. Bigla na namang na abnormal ang puso ko.

"Iniiwasan mo ba ko?" Oh! my! Pano niya nalaman? Naalala kong malakas pala siyang makiramdam. Patay! Kailangan ko ng dahilan!

"H-hindi! uhm...n-nagugutom na kasi...ako."

"Then, let's eat" Hinila niya ako hanggang cafeteria at nag order ng madaming pagkain. Sabi ko nga wala akong lusot! Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga pagkain para hindi niya ko makausap.

"Autum." Dinig kong tawag niya sakin kaya sumubo ako ng madaming pagkain.

"...thank you." Napatigil ako at tumingin sakanya. Thank you para saan? May ginawa ba akong hindi ko alam?

"Cup cakes." Ahh! Tumango tango ako. Nag papasalamat pala siya sa cup cakes.

Nararamdaman ko ang pag titig niya sakin kaya hindi ako makatingin sakanya. Err! Nakakailang naman kasi yung tingin niya. Tumayo ako kaya napatingala siya sakin.

"CR lang ako." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumakbo papuntang CR.

Ano bang nangyayari sayo Autum! Humarap ako sa salamin at huminga ng malalim. Relax! Mawawala din 'yan. Humawak ako sa dalawang pisngi ko ng makitang ang pula nito.

"Crush mo?"

"Ayieee!! LQ!"

"Crush mo?"

"Crush mo?"

Sinampal ko ang mukha ko ng dalawang beses. Kailangan kong ibaling ang atensyon ko sa iba!

"Crush mo?"

Parang sirang plaka na paulit ulit sakin ang sinabi ni Zera.

"Oo na!! Crush ko na siya! Sabi eh!"

"Autum? Ayos ka lang?" Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Argon. Mabilis akong napaharap sakanya. Narinig niya ba yung sinabi ko? Waaahh! Mapagkamalan niya pa kong baliw! Teka! bakit nandito siya sa CR ng Girls? I mean CR ko! Ako lang naman babae dito.

"Im fine...pero bakit---"

"Bakit nandito ka sa men's room?" Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Oh my! gosh! Nakakahiya!

"S-sorry!"

Nag mamadali akong lumabas at halos pag tinginan ako lahat ng students. Shocks! Nakakahiya! Nalipad na naman kasi ang isip ko sa kung saan saan!

"Autum!" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Argon na natakbo palapit sa direksyon ko. Nakakahiya! Narinig niya yata yung mga pinagsasabi ko kanina sa CR.

"B-bakit?"

"Naiwan mo." Inabot niya sakin ang bracelet na hawak niya. Yung bracelet na regalo pa sakin ni Dad. Bangang talaga ako! Si Ichiro kasi! Aish!

"Salamat." Kinuha ko na sakanya 'to at sinuot.

"Saan ka ba pupunta? Hatid na kita." Tumingin ako sa suot kong wrist watch at halos manlaki ang mata ko ng makitang time na ng next class ko.

"Huwag na Argon salamat na lang!" Tumakbo ako ng mabilis papunta sa room ko kaya pag dating ko dito pagod na pagod ako. Bubuksan ko na sana ang pinto ng room para pumasok ng may humila sa kamay ko. Nagpanic ako ng makitang si Ichiro 'to.

"S-saan...tayo pupunta?" Natataranta kong tanong.

"Gym."

"Ha? Bakit?"

"P.E"

Oo nga pala! P.E time ngayon! Pati ba naman 'yon nakalimutan ko! Masyado kasi akong busy sa pag iisip kung pano iiwasan si Ichiro pero mukhang malabo.

Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon